CHAPTER 20:BICYCLE

3.8K 59 1
                                    

SOPHIA POV:

Sasakay na ako ng bike pero ewan ko kung bakit ganito ang panginginig ng mga kamay ko ngayon. Hindi ko maikubli sa aking sarili na gusto kong malaman kung bakit ganito ang reaksyon ng katawan ko dahil lang sa isang bike. Hinawakan ako ni Asungot sa balikat kaya bumalik ako sa katinuan ko.

"Hindi nga eh..."-nakasakay na ako sa bike.

"Ok basic muna tayo."-mapagpasensya niyang tugon. Inalalayan niya yung bike ay nasa likod ko siya.

"Oh sige."-ipinatong ko na yung mga paa ko sa pedal pero gumegewang na talaga buti nakaalalay siya sa likod kundi baka natumba na ako.

"Hahawakan ko muna tong bike andito ako sa likod, ikaw naman ang gagawin mo ipedal mo ng ipedal yang pedal."-Ang hirap ibalance nung bike na to.Baka umabot pa ako ng 5 hours o higit pa pagkakatuto nito.

"Go!"-nagpedal na ako

"Hawakan mo ako!"-sumisigaw na ako kasi gumegewang na yung bike.

"Oo, andito lang ako basta tumingin ka lang tuwid sa malayo at magconcentrate."-medyo malayo layo na rin yung nabike ko. Hinihingal na si Asungot.

"Mamaya naman."-naawa naman kasi ako sa kanya kanina pa kami nagbabike eh, baka napapagod na siya. Nakaupo parin ako sa nagbabike.

"Bakit?"-tanong niya sa akin habang umaandar parin ung bike.

"Eh napapagod ka na kasi."-ako

"Okay lang ako, ipagpatuloy mo lang ang pagbabike mo."-medyo may pakahingal na sa boses niya.

"Oh sige."-Mga 2 oras na ang nakalipas medyo nagegets ko na pero di ko pa talaga kaya ng mag-isa kailangan parin ng alalay.

"Malapit ka na matuto."-nakangiti niyang sabi, nakaupo kami nun sa waiting shed na malapit lang sa hotel na pinagtutuluyan namin.Kahit basang basa na si Asungot sa pawis, ang bango bango parin kahit pawisan. Ewan ko ba bat ganun ang mga amoy ng mayayaman tapos pagnapawisan aang hot tingnan pero kapag mahirap ang napawisan ang dugyot tingnan.

"Oo nga, yung iba wala pa sa isang oras natuto na sa pagbabike pero ako mga 2 oras na rin tayo hindi pa ako matutotuto."-nakayuko ako nun, habang siya nagpupunas ng pawis niya.

"Oh eto."-sabay abot sa akin ng softdrinks at junkfood.

"Okay lang naman! Nahihirapan ka lang kasi wala kang tiwala sa sarili mo na magagawa mo."-ngumiti ulit siya kapag ngumingiti pa naman siya ay lalong nakikita yung kagwapuhan niya at nakikita ko ang malalim na dimples sa pisnge niya dadag pogi points yun. May ganitong side pala ang Asungot na to? Puro bad side lang ang nakikita ko pero mapagpasensya pala tong isang to kahit paano. Ang judge mental ko pala talaga. Pero nakapagtataka di kami nag-aaway ngayon ah? At he always kept his smile on his face.Himala!

"Thank you sa pagtitiyaga ah!" -sabay nakatingin sa sahig. Ewan ko parang nahhiya ako bigla.

"Diba sabi ko sayo magiging kaibigan mo ko o pwede ituring mo ring gaya ng iyong ama. Kahit isang taon lang tayo magsasama." -malungkot ang mukha niya.

    Kahit na mismo ako ay nalungkot din bigla. Hindi naman pala ganun kaworse sa iniisip ko kapag magkasama kaming dalawa. Minsan nagkakasundo rin kami kahit papano. Baka kapag nagkahiwalay na kami ni Asungot balang araw ay may mga magagandang alaala rin akong maalala sa kanya.

"Salamat parin."-ako

"Oh sige tama na nga ang drama magpapractice nalang tayo."-siya

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now