CHAPTER 57: COME BACK

3K 39 1
                                    

ELISE POV:

"Best, kamusta na?"

"Okay naman. Ikaw ba?" Bakas parin sa mukha ni Best ang lungkot nung araw ng aksidente ni Khian.

"Okay lang din. May balita na ba kay Sir Khian?"

"Wala pa nga eh." Malungkot niyang saad.

"Ilang buwan na rin ang nakakaraan pero wala paring balita. Ano ang pinagagawa ng mga imbestigador na yun?" Nakakairita yung mga imbestigador na yun.

"Mahahanap din nila si Khian. Alam kong buhay pa siya at inaantay ako." Lumapit ako kay Best at tumabi sa kinauupuan niya.

"Ano ka ba? Syempre naman buhay na buhay pa yun at malakas na malakas pa. Kaya dapat asikasuhin mo ang sarili mo at magpaganda ka. Napapabayaan mo na ang sarili mo oh." Lumapit ako sa kanya.

"Sa tingin mo ba Best, malaki ba ang tsansang makikita ko ulit si Khian at makakasama siya?" Nagsisi tuloy akong inoopen up ko pa ang topic tungkol kay Khian.

"Syempre naman. Kasing laki ng universe kaya wag ka ng masad diyan. Wala pa bang tumatawag sayo?" Ipinabilog ko pa yung mga kamay ko.

"Wala pa nga eh. Baka kulang pa ang effort ko sa pagdidikit ng mga poster niya kung saan saan." Halatang nawawala na ng pag-asa si Sophia sa tagal na nawawala ni Khian.

"Best sa tingin ko marami pa namang ibang paraan, wag ka ng magdikit ng mga poster niya. Ano ka ba, di ka napapagod yan? Diba nga pinanawagan na siya ng pamilya niya sa tv, radyo at pati na rin sa social media."

"Baka kasi.... di naman niya yun nakita o baka di rin yun ....nakita ng mga nag-aalaga sa kanya ngayon. Kaya nga nagbabakasali ako... na makita niya ang mga poster na.. yun at baka isang araw bumalik na siya sa akin. Sobra ko na siyang namimiss, Best." Umiyak na naman si Best. Hindi na siya nagsasawa sa kakaiyak.

     Naaawa na ako sa bestfriend ko dahil sa sitwasyon niya ngayon. Nangayayat na siya ng sobra at sobrang stress. Di ko na nga alam ang gagawin. Hanggang ngayon sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari kay Sir Khian.

"Halika kumain ka muna nangangayayat ka na oh."

"Busog pa ako. Salamat nalang."

"Sige ka! Malulungkot si  Sir Khian kapag nakita ka niyang ganyan. Gusto mo bang ganun ang mangyari?" Umiling siya at umagos na naman ang luha niya.

     Asan ka na ba Sir Khian? Maawa ka naman sa asawa mo oh! Nahihirapan na siya.

"Oo nga pala Best. Naalala ko nga pala, ano nga pala yung mga picture na yun, yung nakita sa kotse ni Sir Khian nung araw ng aksidente yung nakalagay sa sobre?" Habang hinahanda ko ang pagkain sa  mesa.

    Sinagot lang ako ng isang pilit na ngiti at isang mabilis na iling ni Best. Sa tuwing tatanungin ko kung anong nangyari sa araw na yun at kung bakit nawala sila ng sabay ni Sir at nung hinahanap siya ni Sir. Di niya alam ang parati niyang sinasagot. Di ko alam anong tinatago ni Best pero alam kong masakit yun para sa kanya.

*****
G

aya ng ibang araw ay tumambay na naman ako sa park para makapag-isip isip at para rin makausap si Michael dahil siya lang naman ang nakakausap ko na matino bukod sa pamilya ko. Hindi ko makausap si Sophia gaya ng dati dahil na rin sa nangyari kay Sir Khian.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" Michael, hanggang ngayon clueless parin ako sa mukha ni Michael.

"Huh? Bakit anong meron?" Tumingin naman ako sa kanyang mukha na bukod sa madilim ay wala na akong makita pa.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now