CHAPTER 5:MY NEW BOSS?!

8K 94 1
                                    

SOPHIE POV:

     Ang daming nangyari sa akin. Nagcoffee kami ni Kuya Lolo, ang totoong pangalan ni Kuya Lolo ay Juanito at magkasundong magkasundo kaming dalawa. Naikwento niya sa akin na gusto niya kasi noon na magkaroon ng apong babae kaso puro lalaki ang naging apo niya. Kaya ituturing niya na rin daw akong apo. Ikwenento ko ang nangyari sa aking nung una kong  pagpasok sa trabaho at si Elise ayun nagdaday dreaming na magustuhan siya ni Zachary, wala namang impossible diba?

MONDAY, OFFICE

"Bes punta ka mamaya sa bahay, birthday na Johnny" Elise

"Oh sige, namimiss ko na rin yun si Johnny." May biglang pumalakpak ng malakas at tumingin ang lahat kung saan galing yun.

"Good morning everyone, may announcement ako. Mamaya darating ang bago nating Manager, maghanda kayo." Britanny,secretary. Parang kinikilig pa.

"Mary Jane sana gwapo ang manager natin no? Para naman ganahan ako pumasok sa araw araw." Halatang excited na excited na pagkasabi ni Jhenny.

"Oo nga eh, hindi gaya ng dati nating manager gurang na nga, ang pangit pa ng ugali" Mary Jane, nagtawanan pa ang dalawa.

OFFTIME:

Bumaba na kami nina Mary Jane, Jhenny at ako. Si Elise ayun nasa taas pinapangarap parin si Zachary. Ang lakas talaga ng tama ni Best kay Zachary.

"Good Morning po Lolo, wala po kayong kasama?" Lolo nalang tawag ko kay Kuya Lolo kasi kilala ko na siya.

"Good morning din, hija." Lolo

"Sabay na po tayo kumain Lolo" Pumunta na kami ni Lolo sa isang table at umorder. Sina Jhenny at Mary Jane ayun pumunta ng ibang lugar maghahanap ng makakain.

"May problema po ba?" Medyo malungkot kasi Lolo ngayon di gaya nung mga nakaraang araw ang sigla niya.

"Oo, yung apo ko kasi ang tigas ng ulo." Lolo, ang tanda na ni Lolo para problemahin pa ang mga ganoong bagay. Sino po ba  kasi ang apo ni Lolo ng masugod ko nga!

"Yung apo niyo na naman po. Ano naman po ang ginawa nun? Ano po ba yang apo niyo parati nalang pinapasakit yung ulo niyo dapat pinatatapon niyo yan sa pinakamalayong lugar para hindi na kayo bigyan ng sakit ng ulo. Kung ako lang makatapat nang apo niyo, bubugbugin ko yan para sundin kayo." Biglang natawa si Lolo na nagpaoffensive naman sa akin.

"Bakit po?" Nakakapagtaka kanina nag-eemote siya tapos ngayon tumatawa na? May nakakatawa ba sa sinabi ko o baka naman sa mukha ko?

"Kasi sobrang galit ka sa apo ko daig mo pa ako baka hija atakihin ka dyan dahil lang sa apo ko. Bahala ka! Masyado ka pang bata para maintindihan mo ang mga bagay." Lolo

"Ano po ba Lolo seryoso po ako."

"Pagnakilala mo ba ang apo ko, tuturuan mo ba talaga siya ng leksyon? Alam mo ba kung gaano kasama ang ugali nun. Baka sumuko ka lang." Pagbabanta ni Lolo

"Hay Lolo. Mukha lang po akong lampa pero matapang po ako no. Pagbubuhulin ko siyang parang pretzel sa mga kamay ko."

"Makikita rin natin yan."

"Ano po Lo?" Narinig ko na makikita rin natin yan ang sinabi niya pero anong ibig sabihin nun?

"Wala." Iniba niya ang kwento, siguro dala na rin ng pagkatanda, kaya kung anu-ano nalang ang nasasabi ni Lolo. Kung ako ang apo ni Lolo, pinatigil ko na siya sa pagtratrabaho.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon