CHAPTER 60: VIDEO

3K 44 1
                                    

SOPHIA POV:

"Eto po yung hinihingi niyong record ng cctv nung araw na hinihingi niyo." Pakikipagcooperate ng Manager ng coffee shop.

"Salamat po." Lahat kami ay tumuon sa naturang video

"Ipaplay ko na po." Pagpapaalam niya.

"Oh sige po."

Nung plinay niya na ay finastforward pa ng unti dahil makikita mo dun yung pag-uusap namin nila Best at Calvin. Nung nakaalis na kami unti pang sandali ay andun na nga ang sinasabi ko. Nakasarado pa ang pinto habang inaayos niya yung payong niyang kulay na blue na nakita ko, hindi masyadong malinaw ang kuha ng cctv dahil na rin sa pinto na nakasarado pa. Papasok na siya ng pinto pero biglang may tumawag sa kanya sa cellphone at nung binuksan niyang bahagya ay may nakaharang yung bitbit niyang payong dahil nasa kanang kamay niya ito at ito yung ginamit niyang pangbukas sa pinto at yung kaliwa naman ay hawak niya ang kanyang cellphone.

"Hello?" Nakapasok na siya at ibinababa niya na yung kamay niya kaya kitang kita na ang kanyang mukha. Lahat sila ay nagulat.

"Lo, si Khian! Si Khian po talaga! Tama ako!" Nung makita ko ang mukha ni Khian sa video.

"Tama ka nga Sophia." Lalo kaming lumapit ni Lolo sa screen.

"Ang apo ko." Lola

"Nakita na po natin siya. Maraming salamat at buhay siya." Mommy, niyakap niya ang asawa niya habang naiiyak pa.

Umuwi ang Mama't Papa ni Khian dahil na rin sa nabalitaan nila ang nangyari kay Khian.

"Pwede bang pakilakasan ang audio ng marinig namin kung sinong kausap niya?" Lolo

"Yes, Babe." Khian, bakas sa mukha niya na natutuwa siya.

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko? What is the meaning of all of this? Sinong tinatawag niyang Babe? Bigla akong nanghina sa narinig ko kaya napahawak ako sa may mesa. Naramdaman ko naman na umalalay si Tol.

"Okay ka lang ba Tol?" Calvin

"Ok~~~~ay lang ako." Napuputol kong sabi.

"Sige pauwi na ako diyan sa condo. Bibilhan nalang kita ng paborito mo. Bye. I love you, babe." Patuloy na sinabi ni Khian.

Ibinaba niya na ang cellphone niya at pumunta sa may counter.

"Good Day Sir! What's your order?" Server

"Caramel Macchiato, Feature Dark Roast and 2 Chocolate Caramel Muffin." Khian

"Your order Sir are one caramel macchiato, one feature dark roast and two chocolate caramel muffins. Is that all your order, Sir?" Tumango naman si Khian at naglabas ng pera sa wallet niya.

Habang nakatutok sa kanya ang camera ay halatang may malaking pagbabago sa kanya. Ang simpleng Khian noon na dati kapag mag-ayos ng kanyang buhok ay okay na kahit anong ayos pero sa ngayon nakikita ko nahalatang ipinorma pa ng sadya ang buhok niya. Pero yung Khian na nakikita ko ngayon ay mas lalong nakikita ang kagwapuhan niya at hindi niya parin maalis ang pagiging mainipin niya kapag may inaantay siya. Habang nag-iintay ay may tinetext siya sa kanyang cellphone.

After niyang makabili ay lumabas na siya ng coffee shop. "Thank you. Meron ba kayong iba pang cctv camera sa labas?" Lolo

"Yes Sir. Gusto niyo po bang makita?" Manager

"Yeah. Pakiplay rin yung time na umalis siya. Please." Lolo

Ipinlay na nga nung manager at nakakapagtaka dahil di siya sumakay ng taxi or anything man lang. Kundi naglakad siya pabalik dun sa pedestrian lane na kung saan ko siya nakita.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora