CHAPTER 15:MY WEDDING

5.1K 77 1
                                    

SOPHIA POV:

AFTER TWO MONTHS PREPARATION

"Bes, ang ganda ganda mo ngayon!" Nasa isa kaming kwarto na kung saan dito ako inaayusan.

"Ikaw talaga bes alam ko ang totoo kaya wag ka ng magsinungaling." Naiiyak na talaga ako, hindi dahil natutuwa ako dahil parang gusto ko na talaga umurong ngayon. Maging si Elise ay naluluha na sa sitwasyon ko.

"Bes kaya mo yan diba matapang ka? You can do it, just trust yourself." Natatawa ako sa kanya kasi bigla naman nag-english, himala kaya yun.

"Bakit ka natatawa akala ko naiiyak ka na kanina?" Bumibigay na ang boses niya at naiiyak na talaga siya.

"Wala, thank you talaga bes kasi andito ka ngayon." Ayaw kong umiyak dahil kapag nakita ni Mama't Papa na umiiyak ako baka masaktan sila.

"Welcome Bes, what friends are for, right? Basta wag ka iiyak, ang ganda ganda mo pa naman ngayon sayang yung binayad sa make-up artist kapag nasira ang make up mo. Ikaw ang star of the day kaya dapat maging pretty at sexy ang tingin sayo ng iba. Always remember put a smile on your lips." Sabay lagay ng mga daliri niya sa mga labi akala mo yung sa komersyal sa Mc Do. SMILE KA DIN! UNTI LANG. Kumuha siya ng tissue at pinunas sa mga nangingilid kong luha.

Maging siya ay pinunasan niya rin ang mga nagbabadya niyang luha.

"Thank you talaga sa lahat bes."

"Oo alam ko naman pansin ko nga paulit ulit ka na kanina ka pa thank you ng thank you sa akin. Sige labas muna ako bes ah, para makapag-ayos ka pa." Alam kong ayaw niya lang nakita ko na siya nalulungkot kaya lumabas siya.

"Oh sige kita nalang tayo mamaya Bes." Nagbabye na ako sa kanya.

Lumabas na siya sa kwarto. Ako naman ay humarap sa salamin. Tama nga si bes kaya ko to bawal ako umurong. Sinabi ko na kay bes yung tungkol sa kontrata namin ni Khian. Pinagalitan niya nga ako sa umpisa pero sa huli sumuko rin sa kakadakdak. Nangako siya akin na di naman niya sasabihin sa iba kaya wag daw ako mag-alala. Sobra talaga ang tiwala namin sa isa't isa ni Elise.

May kumakatok sa pinto.

"Pasok!" Nag-iisa nalang kasi ako dito sa kwarto.

"Good afternoon po!" Meron biglang pumasok na mag-asawa sa pinto, di ko naman kilala. Yung babae nasa 40's na ang itsura kagaya ng lalaki.

"Good afternoon rin Hija!" Lumapit ang lalaki sa akin habnag nakangiti. Naweirduhan naman ako dahil hindi ko siya kilala.

"Sino po ba kayo?" Nagkatinginan silang dalawa tapos parang nagulat.

"Di mo pa pala kami kilala Hija baka di nga kami nababanggit sayo ni Khian. Kami ang mga magulang ni Khian." Mommy ni Khian, tumayo ako tapos nagbless sa kanila bilang paggalang.

"Di po ba nasa ibang bansa po kayo?" Kaya pala may pagkakahawig si Asungot sa kanila kasi sila pala ang mga magulang ni Asungot. Kahit matanda na sila ay makikita mo pa rin sa kanila ang maganda nilang mukha.

"Umuwi kami ng mabalitaang namin na ikakasal na ang anak namin." Mommy ni Khian.

"Mabuti naman po Tita." Nakangiti

"Don't call me Tita, from now on call me Mommy and call him Daddy." Mommy, naiilang talaga ako.

"Ah okay po Mommy at Daddy." Nakangiti kong sabi pero nakakailang pa rin ako.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now