CHAPTER 29:THE DAUGHTER OF?

3.7K 54 1
                                    

KHIAN POV:

"Ano bang gagawin mo sakin?" -habang nakahiga siya.

"Basta huwag kang magulo."-ako

"Patay ka talaga sa akin kapag may ginawa ka sa akin masama.Nag-aral pa naman ako ng martial art!"-pagbabanta niya pa sa akin. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti sa reaksyon niya.

"Oo nga wala naman akong gagawin sayo may ipapakita lang ako. Huwag ka rin mag-alala kahit kailan walang mangyayari dahil hindi ikaw ang type ko."-kinuha ko sa bulsa ang remote

"Anong kukunin mo dyan?" -natatakot niyang tanong.

"Don't worry, okay. I just wanna see you this."-inilabas ko ang isang remote at pinindot ito.

    Pagkapindot ko yun ay hindi siya agad nakareact at nakita ko sa mukha niya ang pagkamangha.

"Wow. Ang ganda pano nangyari yun?"-pagkamangha niya ng makita ang pinakita ko sa kanya.

SOPHIA POV:

"Wow. Ang ganda pano nangyari yun?"-biglang bumakas ang tila bintana na nasa kisame. Mula sa kama ko na ngayon ay nakahiga ako ang gandang tingnan ang mga nagniningngan na mga bituin sa langit sa gabi.

"Alam ko naman na magugustuhan mo kaya nagpagawa ako yan."-tumayo ako sa kama at pati na rin siya ay tumayo rin sa kama ko.

"Wow! Ang talino mo naman pano mo yan naisip? Pero paano kapag umuulan?"-kahit kasi kapag umuulan gusto ko makita ang langit kahit walang bituin.

"Ito ung salamin yan pwede mo siyang ilagay kapag gusto mo,kung ayaw mo naman pwede rin tanggalin. At pwede ka rin umakyat ng bubong kung nanaiisin mo ito yung hagdan." -habang denidemo niya kung paano gamitin yun.

"Sa room ko meron rin yan.Pinagawa ko yan dahil meron akong taong naalala sa tuwing nakikita ang mga bituin at ang langit."-dugtong niya pa pero may mga ngiting masisilayan mo sa kanya nang sinasabi niya yun.

"Sino siya kilala ko ba siya?" -naging interesado ako sa sinabi niya kasi parang napalaking bagay ang nagpapangiti sa kanya.

       Hindi niya ako sinagot na ang ibig sabihin nalang yun ay hindi ko kilala kaya tumahimik nalang ako at umupo nalang sa kama. Parang may ng katawan ko na nagsasabing kilala ko si Asungot noon pa. Pero sa pagkakaalam ko ngayon ko lang siya nakilala. Baka isang guni guni nalang yun. Minsan nga nanaginip ako sa isang bata na parati kong kasama sa panaginip ko. Basta naririnig ko nalang na ang tawag niya sa akin ay Lollipop girl. Baka matindi lang ang imagination ko sa buhay kaya hanggang sa panaginip nadadala ko. Minsan nga naitanong ko yun kina Mama't Papa pero sabi naman nila hindi naman yun ang tawag nila sa akin nung bata pa ako bago ako magroon ng amnesia. Si Tol at si Elise lang naman raw ang naging kaibigan ko. Baka nga isang imagination lang yun na nabuo ng aking panaginip.

"Sophia."-nakaupo na rin si Asungot sa kama ko. Magkatabi lang kami.

"Mmm?"-wala akong masabi.

"Sa tingin mo ba magiging masaya tayo pagkatapos ng lahat ng ito?"-naguluhan ako sa sinabi niya.

"Huh?"-ako

"Pagkatapos nitong kalokohan natin itong kontrata magiging masaya ba talaga tayo pagkatapos nito?"-nagulat ako ng maintindihan ko ang sinabi niya.

"Hindi ko lang alam baka oo o baka hindi, depende na rin sa kapalaran kung anong gusto niya. Bakit?"-ako

"Wala lang may naisip lang naman ako."

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now