Napatingin nalang si Irene sa lalaki habang nakakunot ang noo. "Anong ibig mong sabihin?"

"Sabi na magsasalita ka e. Ako nga pala si Taeyong Eugene Santos. Pero pwede mo ko tawaging Eugene o Huge, 'yung english ng malaki tutal malaki naman yung ano ko. Pero pwede mo rin naman akong tawaging Taeyong," nakangiti ito ng malaki.

Pakealam ko ba?! Hindi ko naman tinatanong e. Kairita, ha? Isaksak ko sayo baba ni Hoseok e.

Napapoker-face nalang siya saka hindi pinansin ang lalaking 'FC'. Wala siyang interes dito dahil nakalaan na ang kanyang mga mata only for Jeon Jungkook. Pero pwede rin because okay naman sa standards niya ang lalaki. Pero hindi parin.

"Hindi mo ba talaga ako papansinin? Sige, sasabihin ko nalang, marami rin naman kasing nagkakandarapa dyan kay Jeon, pati narin kay Park. Crush ko nga 'yan e. Kaya marami rin ang gustong paghiwalayin sila-pero hindi ako kasama du'n, ha? Pero hindi talaga papatibag 'yung dalawa. Almost two years narin sila, on and off relationship, base sa mga naririnig ko," sunud-sunod na paliwanag ni Eugene kaya napatingin nalang sa kanya si Irene. "Pakilala ka naman, ate. Hehe."

"Aiko. Irene Aiko," simpleng pagpapakilala niya habang tinitignan ang lalaki mula ulo hanggang paa. "Bakit mo ba 'ko kinakausap?"

Pinakita naman ni Eugene ang mahiwagang ngiti niya. "Wala. Ilang araw na kita kasing napapansin dito sa campus grounds. Palibut-libot ka lang. Tapos minsan sinusundan kita. Tapos ang layo lagi ng tinitignan mo. Hehehe."

So ano na ngayon?

"Okay," simpleng sagot nalang niya saka muling tinignan sila Jungkook. Ay! Sayang, wala na tuloy sila. Hindi ko na napansin. Bwisit na Eugene.

"Ahhm, ate Aiko?" muling hirit ni Eugene bago pa nakaalis si Irene.

"Anong ate Aiko? Gago ka ba? Diesiocho palang ako!" iritang sabi ng dalaga. Kurutin ko singit mo e!

"Ay, pasensya na. Sorry, Aiko. Kasing-edad lang pala kita," sabi nito saka tumawa.

"Oh, anong kailangan mo?"

"Pwede ba kitang maging kaibigan? Ano, kasi, bago palang ako dito sa SOPA. Wala pa kong nakakaclose."

"K," tipid na sagot niya saka nag-flip ng hair at umalis. Gan'to na ba talaga ako ka-ganda? Maganda nga, hindi naman napapansin ni Jungkook. Para saan pa ang pagiging maganda?

*•*•*

Tapos na ang class hours ni Jungkook. Kaya tapos na rin ang work hours ni Irene. Ni-request niya 'yun kaya sabay lagi ang uwian nila.

Nakasuot na ng pang-civilian si Irene saka nakatali, ready-to-go-home na. Pagkalabas na pagkalabas ng janitor's basement ay napatalon sa gulat ang dalaga nang nakita si Eugene sa harap ng pinto, nakaabang, mukhang manyak-gwapong manyak. Kung makangiti kasi.

"Kingina, nakakatakot ka naman, Gene. Pwede ba magsabi ka naman? Inis! Saka pa'no mo ba nalamang nandito ako?" nakapameywang na tanong niya saka inayos sa balikat ang dalang bag.

"Nagtanong ako du'n sa isang janitress. Trish daw 'yung pangalan." ngumiti nanaman ang binata sa kanya.

Marunong bang sumimangot ang lalaking 'to?

Jungkook is Mine [completed]Where stories live. Discover now