Nel saka Aiko? 'Diba Aiko ang pangalawang pangalan ni Irene? Malamang siya si Aiko!

"Ahh, maraming salamat po. Pwede ko bang malaman kung nasa'n si Aiko ngayon?" nakangiting tanong ulit ni Jungkook.

"Sa basement namin! Pwede kitang samahan papunta du'n. Huehuehue."

Type siguro ako ng janitress na 'to.

Umiling-iling si Jungkook. "Hindi na po. Alam ko naman kung saan 'yun e. Sige, salamat po. Aalis na 'ko," sabi niya saka mabilis na tumakbo palayo sa babaeng mapangahas.

Rinig naman niyang sumigaw ang janitress sa kanya. "Kuya, hindi mo pa natatanong kung sino ako! Marivic ang pangalan ko!"

Napailing nalang si Jungkook saka bahagyang natawa. Si ate talaga o, wala naman akong pakealam sa pangalan niya e.

*•*•*

Nang nakarating na sa harapan ng pinto ng basement, walang pakundangang binuksan agad ni Jungkook ang pinto ng tahimik. Nadatnan niya ang isang babaeng nakatalikod habang nagtatali ng buhok. Mula sa hibla ng buhok nito hanggang sa maliit nitong mga paa, si Irene nga 'yun!

"Irene," mahinang sambit ni Jungkook saka lumapit sa babae. Agad namang humarap si Irene dahil nakilala niya ang boses ng nagsalita.

Hindi nakapagsalita ng ilang saglit ang dalaga. Nakatingin lang ito sa kanya at nakatingala. Niyakap niya si Jungkook.

"Namiss kita, Irene beybeh," bulong ng binata. Kinilig naman ang keps ni Irene pero pinigilan niya dahil medyo nagtatampo pa siya kay Jungkook.

Agad namang kumalas sa pagkakayakap si Irene saka sinuntok with full force sa mukha si Jungkook kaya napahawak ang binata sa kanyang magandang mukha. "Aww, sht."

Bakit ba palagi nalang akong sinusuntok ng babaeng 'to.

"Ow! Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita sinuntok mo pa 'ko," napapangiwing sabi ni Jungkook.

"Tarantado ka! Aalis-alis ka ng walang paalam tapos ngayon sasabihin mong nami-miss mo 'ko?! Ulol! Sinong niloko mo?!"

"Pero namiss naman talaga kita, Irene," pag-depensa ni Jungkook.

"May pa-iwan-iwan ka pa ng letter! Akala mo ba nakakaiyak 'yung ginawa mo?! Hindi! Hindi ako umiyak! Hindi ako umiyak, gago!"

"Hindi ko naman tinatanong, Irene, kung umiyak ka ba o hindi e," mahinahong sabi ni Jungkook habang hinihimas ang kaliwang pisngi niya. Napangiwi siya sa sakit. Bakit ba ang bigat ng kamay ni Irene?

"Dalawang buwan na ang nakalipas! Akala mo ba naging madali sa'kin lahat?! Ha?! Ano?! Tumigil ka nga sa katititig mo! Gago! Oo na, namiss kita!"

'Yun lang naman 'yung hinihintay niyang sabihin ni Irene e. Ngumiti siya saka muling niyakap ng mahigpit si Irene. "Andami mo pang sinabi, namiss mo rin naman pala ako."

Namiss niya talaga ng sobra ang dalaga. Ang pagiging madaldal nito, ang palaging pananapak, at pangyayakap sa kanya nito.

"Oh, bakit ka umiiyak?" natatawang tanong ni Jungkook nang maramdaman niya ang pagbasa ng uniform niya at narinig niya ang paghikbi ni Irene. Kumalas siya sa pagkakayakap saka tinignan ang nakayukong dalaga. Hinawakan niya ang magkabilaang braso nito. "Tumigil ka nga, Irene. Mukha kang tukmol. Mas maganda na tuloy si Judy sa'yo," natatawang komento ng binata nang mapansing umiiyak si Irene.

Tumigil sa pag-iyak ang dalaga saka sumimangot. "Ulol! E'di siya na maganda! Nag-effort pa 'kong pumunta dito tapos malalaman kong mas maganda lang pala si Duday sa'kin. 'Ge, palagi mo nalang akong sinasaktan. Aalis nalang ako," malungkot na sabi niya saka nagsimulang maglakad papunta sa pinto.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon