"Oh, ano nanaman 'yang iniisip mo? 'Wag mo sabihing-PUT-" tanging nasambit nalang ni Roderick dahil bigla siyang niyakap ni Irene habang patalun-talon at patili-tili pa.

"Salamat talaga sa idea, kuya Deeck! Hehehe! Ang galing-galing mo talaga! Babayaran ko talaga lahat n utang na loob ko sayo!" malakas na sigaw ni Irene saka na tumakbo palayo habang sumisigaw-sigaw parin.

Nagkibit nalang ng balikat si Roderick saka bumalik sa ginagawa niya.

*•*•*

Ang galing talaga ni kuya Deeck. Alam ko na ang gagawin ko. Maghahanap ako ng bakanteng trabaho sa loob ng SOPA. Na-e-excite na 'ko! Makikita na rin kita sa wakas, Jungkook!

Kasalukuyang nagtatago sa likod ng puno si Irene habang pasilip-silip lang sa gate entrance ng SOPA kung saan nag-aaral si Jungkook. Naisip niyang madali lang namang mahanap ang binata dahil sa tangkad nito. Kumpara naman sa mga ibang estudyanteng nakikita niya, ang laki talaga ng kaibahan ni Jungkook.

Nanlaki naman ang mga mata niya nang muling nakita si Jungkook, for the first time. Halos mag-iisang linggo na siyang naghihintay sa iisang pwesto para lang makita si Jungkook. Napasandal siya sa puno at napatalikod habang hinahabol ang hininga. Napahawak naman siya sa dibdib niya dahil ang bilis ng tibok ng puso niya na para bang hinahabol siya ng sampung kabayo. Malamang dahil na-e-excite siya at tuwang-tuwa siyang nakita na niya rin sa wakas ang binata.

Muli siyang lumingon at tinignan ang binata. Ngayon lang niya napansin na nakaakbay pala ito sa isang babae.

Si Joy?! Nagkabalikan pala sila?! OMG!

Bigla naman siyang napasimangot nang nakita niyang tuwang-tuwa ang mukha ni Jungkook habang nakikipag-usap kay Joy. Halos hindi na nga makita ang mga mata nito sa kakangiti. Ganu'n din si Joy. Sobrang saya talaga nila sa isa't-isa.

Napakagat nalang siya sa labi saka napayuko. Ano pa bang in-e-expect niya? Na sa kanya magkakagusto si Jungkook? Na babalik din ito sa kanya? Syempre hindi, magkakabalikan talaga ang dalawa.

Nakita niyang tinapat ni Joy ang hawak nitong ice cream sa labi ni Jungkook. Sinubukan naman itong dilaan ng binata kaso nilalayo ito ni Joy sa kanya kaya nagmukhang tanga ang binata. Nagtawanan nalang ang dalawa pagkatapos.

Napaisip tuloy si Irene. Nang minsan bang nagkasama sila, gan'yan din tumawa at ngumiti si Jungkook?

Heh! Nevermind nalang! Okay na 'ko kahit nagkabalikan na sila. Gusto ko lang naman talagang makita si Jungkook e. 'Yun naman talaga ang pinunta ko dito, 'diba?

Okay na 'ko.

Pero kasi parang may kulang...

Tinitigan lang niya ang dalawa habang malapit na silang makapasok sa entrance ng SOPA. Napasinghap naman siya nang nakita niyang hinalikan ni Joy si Jungkook ng mabilis sa labi saka ngumiti.

Ay! Pota. . .Hindi pala. Hindi pala okay.

Maghahanap talaga ako ng paraan para makapasok sa SOPA nang hindi nag-aaral.

Kailangan kong mayakap si Jungkook. At sapakin sa mukha.

*•*•*

Kinabukasan...

Masayang-masaya na naglalakad sa hallway ng unang palapag ng SOPA si Irene, suut-suot ang uniporme ng mga janitress sa SOPA, nakatali ang buhok at nakasuot ng cap, habang may hawak-hawak na mop at baldeng may laman na tubig.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon