"ANAK NG---" tanging nasambit nalang ni Irene.

Tangina talaga. Anong pinagsasasabi nitong matandang 'to? Naulol amputa.

"So, ano na iha?"

"Next time nalang pag magkita ulit tayo," wika ni Irene sabay takbo at tinuloy ang paghahanap kay Jungkook.

Kingina talaga ng matandang iyon. Ako pa ang niloko ampota. May pa-english english pa. Maawa na sana ako e. Sayang pa tuloy oras ko.

"Jungkook, how do I live without you?!" madramang sigaw ni Irene, napapasabunot pa sa kanyang nakatali at magulong buhok.

"How could I ever. . .ever survive?!"

"Jungkook, mababaliw ako kung mawawala ka kaya please lang bumalik ka na!" medyo napapaluhang sigaw ni Irene habang patulo na nililibot ang paningin sa buong lugar.

Naman kasi Jungkook e! Tinakasan mo ba ako?

"Anong sabi mo? Mababaliw ka kung mawawala ako?"

Napatigil sa pagda-drama si Irene nang marinig ang malamig at pamilyar na boses ng isang lalaki mula sa kanyang likod. Napaharap siya at nakitang nakangisi ang lalaki ng malaki sa kanya.

Sa sobrang saya ay hindi niya muna pinansin agad si Lanlan-ang taong may-ari ng dirty river kung saan niya nakita si Jungkook-na nasa likod lang ng binaya at nakatingin sa kanilang dalawa.

Agad na niyakap ni Irene si Jungkook ng ilang mga segundo at saka sinuntok ito sa mukha pagkatapos.

"Kingina mo, ha. Mawala ka pa ulit tatapyasin ko na 'yang ilong mo."

"Aray ko! Bakit?! Aish!" bulyaw ni Jungkook saka hinimas ang kanyang pisngi na sinuntok ng pagkalakas-lakas ni Irene.

"Anong bakit?! Naglakad lang ako ng mabilis tapos nawala ka na, huh?!" sigaw ni Irene sa binata, dahilan para umusbong muli ang mga chismoso't chismosa sa paligid.

Palibhasa insecure. Inirapan nalang ni Irene ang mga echoserang froglets na nakikiusyoso sa away nilang dalawa.

"Yan, patampo-tampo ka pa kasi. Hindi naman ako nawala e. Bigla kasi akong kinausap neto." nginuso ni Jungkook si Lanlan na nasa likod lang nito habang hinihimas-himas ang kanyang pisngi na sinuntok ng dalaga.

At ang puta sa likod, papikit-pikit pa ng mata na akala mo ay may beautiful eyes. Halos matanggal na ang mga eyeballs ni Irene sa kakairap niya kay Lanlan. Malanding 'to. Ulol, matangos lang ilong mong hayop ka. Wala kang karapatan.

"Hehehe. Hello, Irene," bati ni Lanlan sa malalim nitong boses saka nagpacute pa.

Ito talagang baklang 'to. May sakit na nga sa katawan, kerengkeng pa. Sayang kagwapuhan e. Gwapo sana tapos ang tangos ng ilong. Kaso ang jupangpang na niya tapos ang jontot pa. Then hanggang balikat pa yung haba ng hair. Yun nga lang kasing tigas ng walis.

Sikat na bakla si Lanlan sa bayan nila dahil pakalat-kalat lang ito at patambay-tambay kung saan-saan. Bukod sa medyo ngo-ngo ito at hirap magsalita ay hindi ito nakakalakad at nakakagapang lang. Pudpod ang mga tuhod nito at ang laki at kapal ng kalyo.

"Oo na. Ano nanaman ba kailangan mo, ha?" mataray na tanong ni Irene kay Lanlan saka napa-cross arms pa across her chest.

Palagi namang gan'yan si Irene kay Lanlan. Sanayan nalang 'yan.

"N-natitipuhan ko kasi 't-tong kaibigan mo. Hehehe. A-a-ano ba n-name nya? Sa'n sya nakatira? Ndi niya s-sinasabi e," nauutal-utal na sabi ni Lanlan, due to his condition.

Jungkook is Mine [completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن