Chapter 20: Meet the family

184 10 0
                                    

[Chapter 20: Meet the family]

TROY’S POV


Habang lumalaki, naging mailap ako sa tao. Nahihirapan akong makisama’t makisalamuha. Palagi akong nasa tabi, tahimik, nagmamasid at nag-iisip. Sa tabi na walang makakapansin sa existence ko. Tahimik dahil hanggang sa isip ko lang umiikot ang mga gusto kong sabihin. Palihim na nagmamasid sa mga taong nasa paligid at iniisip kung anong klase silang tao.

I became antisocial when I was six years old. Nasa loob ako ng klase nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka. It was nausea. Dahil sa pangyayaring ito, nagsimula akong tuksuhin at i-bully ng mga kaklase ko. Nakakahiya. Nakakapanlumo. Nakakababa ng tingin sa sarili. Tumatak talaga sa isip ko ang mga ginawang pagpapahiya sa akin ng mga ito. Kaya sa tuwing sumasagi ito sa aking isip, gusto ko na lang maglaho sa mundo.

Doon ako nagsimulang dumistansya sa mga tao. Pakiramdam ko tatawanan nila ako. Huhusgahan. Ipapahiya. Lumaki akong walang maraming kaibigan. Tanging si Baron at Calvin lamang ang naging malapit sa akin dahil naging kagrupo ko ang mga ito sa group research no’ng Senior High School.

Sabi nila, mahirap daw akong basahin. Mahirap lapitan at mahirap makuha ang interest. Pero hindi nila alam, simple lang ako. Walang ibang hilig kundi ang manood ng Hollywood movies, tumugtog ng gitara, magpinta at gumuhit. Dito ko itinuon ang interest ko. Ngunit sa pagdating sa akin ng cellphone ni Jordan at makilala si Kylie, biglang nagbago ang lahat. Nagbago ang buhay at mundo ko. At aaminin kong masaya akong nangyari ang bagay na ito.

I really changed a lot. I learned to come out from my comfort zone and try to socialize. I discovered many things about myself that I haven’t know before. I did some things that I never thought I can do. And it was all because of this girl I’ve met in such a strange way. It was because of Kylie.

Totoo nga ang kasabihan na, “Behind a successful man is a woman”. Behind my success and better changes happened in my life was because of the support and motivation of my girl.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Kylie habang naglalakad kami. Pagkatapos ng pambihirang dance performance na ipinakita namin sa kanya, umalis kaming dalawa ng school at dumiretso dito sa mall para ituloy ang celebration ng una naming monthsary.

“Hey, Troy!” Napalingon ako sa kanya. Nakangiti ito habang nakatingin lang sa nilalakaran namin.

“Ang saya-saya mo, ah.”

“Syempre! Hindi ko inaasahan ang surprise mo kanina. Sobra mo akong pinasaya. I really appreciated your effort even your dance skill sucks,” aniya saka tumawa.

“Huwag kang mag-alala dahil ‘yon na ang huling beses na makikita mo akong sumayaw.”

Tumigil siya sa paglalakad at pumunta sa harapan ko kaya napahinto rin ako sa paglalakad. Natatawa niya akong pinagmasdan kaya umiwas ako ng tingin pero hinawakan niya ang baba ko at pilit na hinarap sa kanya.

“Huwag kang sumimangot. Nagbibiro lang ako. I don’t care even you don’t dance well. I still love you. So, don’t frown. Smile,” aniya kaya ngumiti na ako. “Ayan! Ang gwapo talaga ng boyfriend ko kapag nakangiti.”

Bumalik na siya sa tabi ko at muling hinawakan ang kamay ko. Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad papuntang sinehan. Pero bago pa man kami makarating do’n, dumaan muna kami ng rest room dahil ihing-ihi na raw siya.

Habang hinihintay ko siyang lumabas, may biglang tumawag sa akin. Sinagot ko ang tawag dahil galing ito sa kapatid kong si Trina.

“Bakit?” bungad ko rito.

“Nasa’n ka raw, Kuya?”

“Nasa school pa rin. May practice kami ngayon, eh.”

“Ah, gano’n ba? Busy ka siguro. Pasensiya na Kuya kung naistorbo kita.”

Game Changer Where stories live. Discover now