Day 17: Jordan

126 11 0
                                    

[Day 17: Jordan]

KYLIE'S POV

"Okay ka lang? Parang buong araw kang lutang at tahimik," Sambit ni Helen.

"Okay lang ako, Helen. Don't worry."

"Sigurado ka?" paninigurado pa nito kaya ngumiti ako at tinanguan na lang siya. Pero parang hindi pa siya kumbinsido.

"May iniisip lang ako pero okay lang talaga ako."

"Sige na. Hindi na kita kukulitin at wala rin akong balak alamin kung ano 'yang iniisip mo. Alam ko naman kung sino ang palaging laman niyan, eh. Si Troy."

"Of course not!"

"Kung wala siya sa isip mo, eh 'di nasa puso mo siya, gano'n?"

"Helen!" saway ko pero tumawa lang siya.

Pagkatapos ng klase, naisip kong hanapin si Eunice para kausapin siya. Nilibot ko ang buong campus para mahanap siya pero bigo akong makita ito. Kailangan ko siyang makausap para matahimik ako.

Buong araw akong lutang dahil binabagabag ako ng ipinasa sa 'king text message ni Troy kagabi. Hindi ko magawang paniwalain ang sinasabi rito hangga't hindi ko ito marinig mismo mula sa dalawang tao—si Eunice at Jordan.

"Miss Cordovez?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Automatic na napangiti ako nang makita kung sino ito.

"Yes, Ma'am Judy?" tugon ko.

"May hinahanap ka yata."

"Ah, si miss Andaya lang po."

"Eunice Andaya?" paninigurado nito at tumango ako. "Nag-drop out na siya no'ng isang araw."

"Talaga po? Bakit daw po?" hindi ko makapaniwalang tugon kay Ma'am.

"Wala rin akong alam. Personal daw," sagot ni Ma'am kaya napatango na lang ako. "Oo nga pala. Tinawag talaga kita para sana alokin na sumali ng Miss Intrams."

"Ay, naku, Ma'am! Hindi po ako mahilig sa pageant. Sorry po pero hindi po ako sasali."

"Pero sayang naman ang ganda at talino mo kung hindi mo ipapakita sa iba."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Organizer na rin po kasi ako sa isang activity."

"Gano'n ba? O, sige. Wala na rin naman siguro akong magagawa kaya mauuna na ako."

Pag-alis ni Ma'am Judy ay binalak ko na rin umuwi. Wala na rin naman akong pag-asa na makita pa si Eunice dito sa campus. Mas lalo lang akong kinabahan sa pag-alis ni Eunice sa school. Bakit kaya siya nag-drop out? Tama kaya itong kutob ko?

Nawala ang iniisip ko nang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong dinukot sa bulsa at binasa ang text message na galing kay Troy.

From: trxy
Kumusta ang araw? Okay ka lang?
Received: 5:53pm

To: trxy
Heto, parang tanga. Kanina pa lumilipad ang utak sa kaiisip.
Sent: 5:54pm

From: trxy
Nasa'n ka?
Received: 5:54pm

To: trxy
Pauwi na.
Sent: 5:55pm

From: trxy
Gusto mo magkita tayo para may makausap ka?
Received: 5:56pm

To: trxy
Hindi na. Baka pagod ka at maraming gagawin. Ayaw ko naman maging istorbo sayo. Don't worry, kaya ko 'to.
Sent: 5:56pm

From: trxy
Basta tandaan mo na. . .
I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away.
Received: 5:57pm

To: trxy
Naks. May pa-Charlie Puth ka pa diyan, ah! Pero thank you so much.
Sent: 5:58pm

From: trxy
Wala 'yon. Ingat sa pag-uwi.
Received: 5:59pm

From: trxy
Mag-text ka kapag nakauwi ka na ha?
Received: 5:59pm

To: trxy
Sige po, boss. Haha.
Sent: 6:00pm

Pagdating ko ng bahay, bumungad sa akin si Mama at Papa. Hindi ko akalain na alam na nila ang tungkol sa amin ni Jordan. Wala na akong kawala kaya dapat ko nang sabihin sa kanila ang totoong nangyayari sa amin ni Jordan.

"Kailan pa hindi nagpaparamdam sa 'yo si Jordan?" tanong ni Papa.

"Halos mag-iisang buwan na po," tugon ko.

"Bakit anak? May nangyari ba sa inyo?" nag-aalalang tanong ni Mama.

"Wala po. Hindi naman po kami nag-away. Wala po kaming naging problema. Basta isang araw, hindi na po siya nagparamdam sa akin."

"Hindi mo rin ba alam kung saan sila lumipat?"

"Hindi po," nakayukong sagot ko.

Nakita ko ang disappointment sa mukha ni Papa at ang lungkot sa mata ni Mama. Naiintindihan ko naman sila dahil naging saksi sila sa pagmamahalan namin ni Jordan. Siguradong hindi nila gusto ang nangyayari ngayon dahil pinagkatiwalaan nila kami nang ipaglaban namin sa kanila ang relasyon namin kahit tutol sila noon.

Pagkatapos akong kausapin at kumain ng early dinner, pumasok na ako ng kwarto dahil marami pa akong gagawin. Kailangan ko pang gawin ang assignments ko at bilang isa sa mga napiling organizer, magpa-plano pa ako ng activity para sa Intramurals.

From: trxy
Nakauwi ka na?
Received: 6:27pm

To: trxy
Oo, nasa bahay na ako. Sorry kung hindi kita na-text. Nakalimutan ko.
Sent: 6:28pm

From: trxy
Okay lang basta safe kang nakauwi.
Received: 6:28pm

To: trxy
:)
Sent: 6:28pm

From: trxy
Ang tipid naman ng sagot mo. Haha.
Received: 6:29pm

To: trxy
Wala akong maisip na i-text eh.
Sent: 6:30pm

From: trxy
Anong ginagawa mo?
Received: 6:30pm

To: trxy
Doing my assingment and planning for Intramurals. Oo nga pala. Can I ask any suggestions para sa magandang activity na pwedeng gawin for Intramurals?
Sent: 6:31pm

From: trxy
Games. 'Yung mga usong laro noon.
Received: 6:31pm

To: trxy
Mayro'n nang ganyan.
Sent: 6:32pm

From: trxy
Booths. 'Di ba uso at patok ang mga ganyang pakulo sa school event?
Received: 6:33pm

To: trxy
Oo nga 'no? Nice idea!
Sent: 6:33pm

To: trxy
Pero ano namang mga booths?
Sent: 6:34pm

Natigilan ako nang hindi na galing kay Troy ang sumunod na text message. Galing na ito sa isang unregistered number. Hindi ko inaasahan na galing ang message na ito sa taong matagal ko nang hinihiling na magparamdam na ulit sa akin.

From: 09*********
Hi babe, this is Jordan. Sorry kung ngayon lang ako nagparamdam sayo. Alam kong marami kang katanungan na gusto mong malaman ang kasagutan kaya pwede bang magkita tayo? I know that you're mad at me but let's meet tomorrow, after your class? I'll answer anything you want to know.
Received: 6:35pm

Game Changer Where stories live. Discover now