Day 8: Meeting

170 15 0
                                    

[Day 8: Meeting]

TROY'S POV

From: Kylie
Happy Sunday, babe! Ang saya ko! Finally at magkikita na ulit tayo. Excited na ako sa pagkikita natin mamaya. Omg! Hindi ko mapigilang kiligin.
Received: 8:50am

From: Kylie
Anong gusto mong suotin ko, babe? Magpapaganda ba ako? Pero kahit hindi ako mag-ayos, ang ganda ko pa rin dahil natural beauty ako, ang sabi mo nga. Hehehe.
Received: 8:52am

From: Kylie
Babe, mag-date tayo diretso ha? Gosh! 'Di na ako makapaghintay na makita ka.
Received: 8:55am

From: Kylie
Pero bago ang date, mag-usap muna tayo. Marami akong katanungan. I need an explanation from you.
Received: 8:58am

From: Kylie
Hey babe! Hindi ka man lang magre-reply? Tss.
Received: 9:05am

From: Kylie
Sige na nga. Baka busy ka kaya hindi ka maka-reply. Hindi na muna kita kukulitin. Just see you later, babe! Yieee!
Received: 9:06am

Kung kailan ko naman binalak kitain si Kylie para sabihin sa kanya ang totoo, saka naman may mangyayari para hindi ito matuloy. Sabik na sabik pa naman siya. Aasa na naman siya dahil sa akin.

"Troy, mamaya na ang cellphone. Kailangan na natin makaalis at tanghali na. Tara na!"

"Opo, Pa!"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at ibinulsa ang cellphone bago sumunod kay Papa. Paglabas ko ng bahay, nakasakay na siya sa pickup kaya sumakay na rin ako. Isinama ulit ako ni Papa sa poultry house para tumulong doon kaya hindi ko masisipot si Kylie mamaya.

Habang nasa daan, hindi ko mapigilang mapa-isip. Dapat mag-text na ako kay Kylie para sabihin sa kanya na hindi ako makakarating. Baka kasi umasa siya at maghintay hangga't hindi dumadating ang boyfriend niya—na ako naman talaga. Marahil iniisip niya na ang boyfriend niya ang makikipagkita sa kanya.

Kinuha ko sa bulsa ang cellphone para i-text na sana siya pero hindi pa man ako nakaka-type ng isang salita ay bigla itong kinuha ni Papa. Itinago niya ito sa loob ng kanyang bulsa.

"Masyado kang distracted ng cellphone kaya ako muna ang hahawak nito. Ibabalik ko na lang sa 'yo mamaya."

"Pero Pa—"

"Troy, anak, huwag puro cellphone ang inaatupag. May tamang oras para gumamit nito at sa oras na ito, trabaho muna."

Hindi na ako nagsalita pa dahil wala rin namang mangyayari kung makikipagtalo pa ako sa kanya. Strikto si Papa at kung anong sinabi niya, that's final. Wala kang magagawa kundi ang sumunod.

Habang tumutulong sa gawain sa poultry house, lutang ako. Walang ibang laman ang isip ko kundi si Kylie. Tumakbo ang oras at patuloy ang paggawa. Gusto kong lapitan si Papa para kunin ang cellphone at i-text si Kylie pero abala ito.

Lumipas ang buong araw. Nang dumating ang alas singko, hindi na ako mapakali. Sigurado akong naghihintay na siya sa park. Alam kong marami na rin siyang text message sa sandaling ito. Sana hindi naman basahin ni Papa.

Dumaan ang alas singko hanggang sumapit ang alas sais, saka lang tinapos ni Papa ang trabaho. Nasa pickup na kaming dalawa ngayon pauwi ng bahay. Ibinalik niya na sa akin ang cellphone at kasalukuyan kong binabasa ang messages na pinadala ni Kylie.

Game Changer Where stories live. Discover now