Chapter 2: Tour around Manila

168 8 0
                                    

[Chapter 2: Tour around Manila]

KYLIE’s POV


Umalis kami ng apartment, eight in the morning. Sinamahan kami ni Russel sa pamamasyal sa ilang parte ng Maynila. Hindi naging mahirap ang pag-iikot namin dahil service namin ang kotse nito.

Unang pagkikita pa lang namin ni Russel sa personal pero minsan ko na siyang nakita nang ka-videochat ito ni Helen. Mabait siyang tao at nakikita ko naman ang genuine love and sincerity niya sa kaibigan ko kaya hindi ako tutol at support lang ako sa kanila.

Ang una naming pinuntahan ay ang Rizal Park o mas kilala ngayon bilang Luneta Park. Nagpicture-picture kami doon dahil sobrang ganda. Kaya siguro maraming namamasyal doon na mga tao.

Next, after Luneta Park, we headed to walled city and oldest district in Manila, the Intramuros. Inikot namin ang buong Intramuros kaya nakita namin ang Palacio Del Gobernador, Manila Cathedral, Plaza Roma, Bahay Tsinoy, Casa Manila and the beautiful fountain at Fort Santiago’s park. Pumasok din kami sa main gate ng Fort Santiago at pumunta sa Rizal Shrine kung saan nakita ko ang mga memorabilia ni Rizal na naka-display.

After our tour in Intramuros, we went to Binondo, the Chinatown in Manila. Tumingin kami ng mga tinda sa ilang stalls at stores. We tried some Chinese food and check other stores that sell things such as bracelet, necklace and ring that give luck. Binilhan nga ako ng bracelet ni Helen na swerte raw sa pag-ibig. Baliw talaga siya kahit kailan.

Alas tres na ng hapon nang nasa daan na kami papunta sa pinakamalaking mall sa bansa, ang SM Mall of Asia. Ito na siguro ang last destination namin for our enjoyable trip today. Natagalan kami sa Intramuros at Binondo kaya kaunti lang ang napuntahan namin.

First time kong makapasok ng MOA. Talaga namang sobrang laki at magandang mall ito. Mawawala yata kami ni Helen dito kung kami lang na dalawa ang magkasama pero mabuti na lang at may kasama kaming taga-Manila at ilang beses nang nakapasok dito.

Pumasok kami sa isang kainan dito sa mall. Nagugutom na kasi kami dahil ilang oras na ang nakalipas nang huling kain namin. Naupo na kami ni Helen sa isang table habang si Russel ay nagpunta ng counter para mag-order.

“So, Kylie, what do you think about Russel?” tanong sa akin ni Helen.

“Well, he’s okay for me. Mabait siya, madaling pakisamahan, gentleman—”

“And good-looking, right?” tuwang-tuwang tanong niya.

“Oo, I can see na gwapo siya.”

“He is a perfect boyfriend! Hindi ko na yata siya hahayaan na makawala sa pagkakahawak ko.”

“Naku, Helen. Hindi maganda ang maging possessive. Baka masakal ‘yan at maging rason pa ng pagkasira ng relasyon ninyo.”

“Don’t worry, Ky. Hindi ako magiging mahigpit at possessive girlfriend sa kanya. Alam ko na lahat nang sobra ay masama.”

“Good,” sabi ko at napalingon sa isang direksyon kung saan may nahagip ang mga mata ko.

Pinakatitigan ko ang isang lalaking nakatalikod sa counter. He looks like someone I know. Na-alarma ako nang maglakad na ito palabas ng restaurant na hindi ko man lang nakukumpirma kung tama ang hinuha ko.

“Helen, wait lang. Babalik din agad ako,” paalam ko.

“Teka! Saan ka pupunta?”

Hindi na ako nag-abala pang sumagot sa tanong ni Helen dahil nagmamadali akong lumabas ng restaurant para habulin ang lalaki. Ewan ko kung ba’t hindi ako matahimik hangga’t hindi ko nasisiguro kung sino ito.

Game Changer Where stories live. Discover now