Chapter 4: What happened to Troy?

175 8 0
                                    

[Chapter 4: What happened to Troy?]

KYLIE’S POV

Nakaupo ako sa isang bench kung saan ang tinext kong tagpuan namin ni Helen para sabay kaming mag-lunch. Magulo at malalim ang iniisip ko. Kanina pa ako nakatulala at walang pakialam kahit ramdam ko ang init ng paligid sa tirik ng araw dahil tanghaling tapat.

“Hey, Kylie!” sambit ni Helen matapos maupo sa tabi ko. “Tara na? Hindi raw makakasama si Russel sa atin mag-lunch dahil...” Tumigil siya sa pagsalita at tiningnan ako. “Okay ka lang ba?”

Hindi ko alam kung iiling o tatango ako sa kanya. Lutang talaga ako kaiisip sa nangyari kanina sa amin ni Troy. Nakakabaliw isipin kung bakit hindi niya ako kilala.

“Ba’t ganyan ang itsura mo? Anong nangyari sa ‘yo?” tanong niya.

Hindi ko alam kung anong itsura ang nakikita sa ‘kin ngayon ni Helen. Maybe I looked so puzzled and surprise. Paano ba naman na hindi ako magkakagan’to matapos kong makita si Troy na hindi na ako kilala ngayon.

Hindi ako makapag-isip. Ang daming tanong ang gumugulo sa isipan ko. Ano ‘yon? Bakit gano’n? Bakit hindi niya na ako kilala? May nangyari ba sa kanya? Nagka-amnesia ba siya? Or galit siya sa akin kaya sadyang kinalimutan na ako?

“Hoy, Kylie! Ano ba? Anong nangyari?” ulit ni Helen dahil hindi ko siya pinansin. Lumilipad pa rin ang isip ko.

“Helen, si Troy kasi.”

Natatawa niya akong tiningnan. “Oh? Anong tungkol sa kanya? Nakita mo na naman siya pero mistaken identity lang kaya napahiya ka ulit?”

“Hindi, hindi ganyan. Nakita ko na talaga siya pero...”

“Pero?”

“Hindi niya raw ako kilala.”

“Ano? Totoo ba ‘yang sinasabi mo?”

Tumango ako. “Bakit gano’n? Bakit hindi niya ako kilala, Helen?”

“Teka lang. Sure ka ba na si Troy talaga ang nakita mo? Baka naman kamukha niya lang.”

“Sigurado ako kasi nilapitan ko siya at pinagmasdang maigi. Ang laki ng pinagbago niya. Hindi lang physically pati personality niya ay parang nagbago rin.”

“Okay, let’s say na si Troy nga ‘yon pero sa ngayon ay kumalma ka muna, Kylie,” sabi niya para kalmahin ako. “Dito mo siya nakita, marahil dito rin siya nag-aaral kaya makikita pa rin natin siya.”

“Anong pang silbi na makita natin siya kung hindi niya naman ako kilala?”

“Kaya nga aalamin natin kung anong nangyari at bakit hindi ka niya nakikilala,” aniya saka tumayo habang hila ang kamay ko. “For now, kumain muna tayo dahil gutom na ako at sobrang init dito! My gosh!”

Tahimik lang ako habang tinatahak ang daan papuntang cafeteria. Pumila kaming dalawa sa counter para bumili ng pagkain. Halos mainis na sa akin ang tindera dahil hindi ako makasagot agad dahil wala sa kanya ang atensiyon ko.

Maraming kwento si Helen pero hindi ko naman masyadong napakinggan. Malalim pa rin ang isip ko. Ginugulo pa rin ito ni Troy. Kaunti lang ang nakain ko dahil wala akong gana.

Naghiwalay ulit kami ni Helen para bumalik sa kanya-kanya naming classroom. Pagkaupo ko, nakatulala lang ako sa kawalan hanggang sa maramdaman kong may katabi na ako.

“Baka malunod ka,” sambit nito.

Napatingin ako sa kanya na kunot noo. “Ha?”

“Ang lalim ng iniisip mo kaya baka malunod ka niyan,” nakangising sabi niya.

Game Changer Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu