Day 10: Troy

161 14 0
                                    

[Day 10: Troy]

KYLIE'S POV


From: trxy
Good morning! Ngayon sana ang day 10 mo. Sabi ko nga sa text ko kagabi, ako na ang magtutuloy ng natitirang mga araw mo. Ngayon ang day 1 ko.
Received: 7:14am

From: trxy
Magsisimula na ang klase namin. Mamaya na lang.
PS. Have a good day and take care.
Received: 7:16am

Binura ko na ang contact name ni Jordan at pinalitan ko ng trxy. Pinalitan ko ng "x" ang vowel "o" para hindi madaling basahin. Dahil hindi na rin naman ang boyfriend ko ang may hawak nito, mas mabuting i-rename contact ko na ito.

Napailing ako sa inis. Bakit ba text pa rin ito nang text? Hindi ba siya makaintindi na ayaw ko nang magkaroon ng connection sa kanya? Saan siya kumukuha ng lakas ng loob para i-text pa ako matapos niya akong paasahin na siya si Jordan? Tsk.

Pinagmukha akong tanga nitong lalaking 'to. Umasa ako. Inakala kong siya si Jordan. Ang sakit ng ginawa niya sa akin. Alam niya naman na sobrang nami-miss ko na ang boyfriend ko pero nakuha niya pa akong paglaruan.

"What's the problem, Ky? Bakit hindi ata ma-ipinta ang mukha mo?" tanong ni Helen.

Dahil wala kaming klase ngayon sa isang subject, hinila ko siya palabas ng classroom papunta sa isang bench. Nagkuwento ako tungkol sa pag-text ko kay Jordan na ang nakakatanggap pala ay 'yung lalaking Troy ang pangalan. Lahat ng nangyari ay nakuwento ko sa kanya.

"Oh my God. Gwapo ba 'yan?" nakangiting tanong nito pagkatapos kong magkuwento.

"Sa haba ng sinabi ko, 'yan talaga ang tinanong mo?"

Natawa siya. "Syempre para pwede mong ipampalit kay Jordan kung hindi na ito magpakita pa sa 'yo."

"Helen, babalik si Jordan. Sigurado ako. Alam kong mahal niya ako kaya hindi niya 'yon gagawin. Pero kung sakali man na ganyan nga ang mangyari, mali. Maling gawin kong pampalit ang tao kay Jordan. Kahit pinaasa niya ako, hindi niya deserve maging rebound ko. Everyone deserves to find their true love."

"Aww. Ang bait mo talaga!" aniya at niyakap ako. Nang pumiglas siya, tiningnan niya ako. "Kung ayaw mo sa kanya, ibigay mo na lang sa akin."

"Hindi pwede!" Nanlalaki ang mga mata ko na tumanggi sa sinabi niya.

Ngumisi si Helen sa inakto ko. "At bakit naman hindi pwede?"

"Kasi ano... kasi gusto kong maputol na ang connection namin. Kapag binigay ko siya sa 'yo, hindi mawawala ang connection dahil—"

"Okay, okay. You don't have to explain, Kylie. Hindi ko aagawin si Troy. He's all yours," aniya at malapad na ngumiti.

"Correction, he is not mine," sabi ko na ikinatawa niya. "Pero anong dapat kong gawin sa kanya para tigilan niya na ako?"

"Wala kang dapat gawin. Hayaan mo siyang mag-text. Friendship lang naman ang gusto niya. Bakit hindi mo ibigay?"

"He lied to me, Helen. Pinaasa niya akong siya si Jordan."

"Pinaasa ka niya o ikaw ang umasa? Hindi niya naman sinabing siya si Jordan 'di ba?"

Natahimik ako sa sinabi ni Helen. Tama siya. Hindi nga nito sinabi na siya si Jordan. Ako lang ang nag-isip nito at nag-akala. But still, he didn't tell me the truth right away.

"Pero hindi niya agad sinabi na hindi siya si Jordan. May kasalanan pa rin siya sa 'kin."

"Nag-explain naman ata siya sa 'yo kung bakit hindi siya agad nakapagsabi ng totoo."

"Ang lame ng reason niya kaya hindi ko talaga kayang tanggapin na maging kaibigan siya!"

"Eh, paano kung lame din ang reason ni Jordan kung bakit ilang linggo siyang walang paramdam sa 'yo? Hindi mo rin ba siya tatanggapin?"

"Ibang usapan naman 'yan."

"You're being unfair," aniya. "Hay! Ewan ko sa 'yo. Balik na tayo sa loob. Ayun na si ma'am!"

Buong araw pa rin nag-text si Troy. Ang mga nangyari at ginawa niya sa araw na ito ang halos laman ng text niya. Binabasa ko ang mga 'to pero hindi ako nagre-reply.

Okay sana ang first encounter namin. Tinulungan niya ako pati ng mga kaibigan niya do'n sa magnanakaw pero nagagalit talaga ako sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay pinaglaruan niya ako. Nagmukha akong tanga. Umasa pa ako. Tss!

From: trxy
Good evening. Just got home. Nakauwi ka na rin ba?
Received: 6:48pm

From: trxy
Sorry sa patuloy na pangungulit. Alam kong galit ka dahil hindi ka nagre-reply. May karapatan kang magalit dahil sa pagtago ko ng totoo pero maniwala ka. Hindi ko ginawa iyon para lokohin ka o paglaruan.
Received: 6:51pm

From: trxy
Seryoso ako nang sabihin kong tutulungan kita sa paghahanap sa boyfriend mo.
Received: 6:52pm

From: trxy
Kung may kailangan ka, text mo lang ako. Availabale ako anytime.
Received: 6:55pm

Napabuntong-hininga ako at binitawan ang cellphone. Tumayo ako mula sa kama at lumapit sa bintana ng kwarto ko. Napatingala ako sa kalangitan. Maraming bituin kaya biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Jordan sa akin noon.

He once told me na kapag nag-doubt ako sa pagmamahal niya sa akin, tingnan ko lang daw ang mga bituin at subukan kong bilangin. Nagreklamo ako noon. Paano ko naman mabibilang kung sobrang dami. Napangiti ako sa sagot niya.

"Kung gaano karami ang bituin, gano'n kita kamahal. My love for you is infinite."

His love for me is infinite pero nasa'n siya ngayon? Sana magpakita ka na sa akin, Jordan. Unti-unti na akong nawawalan ng trust sa sinabi mo. I'm starting to doubt your love for me. May hinihintay pa nga ba ako sa 'yo? Babalik ka pa ba?

Namalayan ko na lang ang pagtulo ng luha sa 'king mga mata. Bumalik ako ng kama at doon umiyak. Ang hirap maghintay sa taong mahal mo lalo na kung wala kang assurance kung babalik pa ba ito sa 'yo.

Game Changer Donde viven las historias. Descúbrelo ahora