Epilogue

270 13 0
                                    

[Epilogue]

KYLIE’S POV

Napangiti ako nang marinig ang tunog ng isang sasakyan na tumigil sa tapat ng apartment. Mula sa aking kwarto ay napatakbo ako palabas para salubungin ang kanina ko pa hinihintay. Nakita ko si Troy na kapapasok lang ng apartment. Agad ko siyang nilapitan at sinunggaban nang mahigpit na yakap. Nang kumalas kami sa yakap, hinalikan ko naman siya sa labi.

Ewan ko ba. Nagkita pa lang kami kahapon at magkausap sa cellphone kanina pero parang isang taon kaming nagkahiwalay. I missed him so much.

“Get a room, you two!” sigaw ni Helen saka umirap. Pareho kaming natawa sa inakto nito.

“Ano? Ready na ba kayo?” tanong ni Troy.

“Yes. We are ready!” Hindi maalis ang malaking ngiti sa aking mga labi.

“Nandito ka na pero wala pa si Russel. Nasa’n na ba siya?” tanong ni Helen.

“Papunta na rin ‘yon dito. Nagpakarga lang ng gasolina para hindi tayo maubusan mamaya sa biyahe.”

It’s Christmas break kaya naisipan namin ni Helen na umuwi sa probinsya kasama ang mga boyfriend namin. We decided to spend our vacation there para na rin ipakilala namin ni Helen ang aming mga boyfriend sa aming pamilya. At gusto rin kasi ni Troy na bumisita roon at dalawin ang kanyang lolo at lola.

Alam na rin naman ng pamilya ko ang tungkol sa relasyon namin ni Troy. Natuwa pa nga ang dalawa kong kapatid nang ipaalam ko ito. Mukhang nakuha agad ni Troy ang blessing ng mga kuya ko.

Ilang sandali pa ay dumating na rin si Russel dala ang kotse nito na siyang gagamitin namin papuntang probinsya. Nagtulungan si Russel at Troy na ilagay ang mga gamit namin sa trunk ng kotse. Nang okay na ang lahat, sumakay na kaming apat at agad umalis.

Anim na oras ang biyahe kaya magsasalitan sa pagmamaneho sina Troy at Russel para may time ang isa na magpahinga. Si Russel muna ang nasa driver’s seat at nakaupo naman si Helen sa passenger’s seat. Kaming dalawa naman ni Troy ay nasa backseat.

Abala ang couple sa unahan namin. Wala silang pakialam sa amin. Parehong may earphones ang mga tainga nila pero hawak ni Russel ang kamay ni Helen habang ang isang kamay nito ay nasa manibela.

Sinandal naman ni Troy ang ulo ko sa dibdib niya at pinag-intertwined ang mga daliri namin. Five months na kami as a couple. Ang bilis talagang lumipas ng panahon lalo na kung masaya at nag-e-enjoy ka.

“Sa bahay ka namin tutuloy, ah? Nasabi ko na rin naman sa pamilya ko at pumayag naman sila,” sabi ko. “Nagpaalam na rin akong mag-i-stay tayo for two days sa bahay nina Lolo Empoy at Lola Lidia pero may bilin sila. Dapat hiwalay daw ang higaan natin doon.”

“For sure, gano’n din ang sasabihin nina Lolo at Lola. Hindi rin sila papayag na magtabi tayong matulog,” nakangiting aniya. “Gano’n naman talaga dapat. Hindi magandang magtabi ang isang couple hangga’t hindi pa sila kasal. Lalo na tayong wala pa sa tamang edad. We should be responsible. Dapat alam natin ang ating limitasyon.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Ang gentleman niya talaga. Siya yung tipo ng boyfriend na hindi niya lang ipaparamdam sa ‘yo na mahal na mahal ka niya kasi siya yung tipo ng boyfriend na marunong maghintay at rumespeto. Hanggang holding hands, hugs at kisses lang kami at hindi na lalampas doon.

Habang nasa biyahe, mayamaya ang paghalik ni Troy sa kamay kong hawak nito. At sa tuwing ginagawa niya ito, parang natutunaw ang puso ko. Nakasandal pa rin ang ulo ko sa dibdib niya kaya nakangiti ako habang pinapakinggan ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

Game Changer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon