Day 20: Truth

118 9 0
                                    

[Day 20: Truth]

KYLIE'S POV

From: trxy
Good morning! Bakit hindi ka na nag-reply kahapon?
Received: 8:48am

To: trxy
Sorry may nangyari lang.
Sent: 8:49am

From: trxy
Gano'n ba? Pwede ba tayong magkita mamayang uwian?
Received: 8:49am

To: trxy
Bakit?
Sent: 8:50am

From: trxy
Basta. Mamaya ko na lang sasabihin.
Received: 8:51am

To: trxy
Okay.
Sent: 8:51am

To: trxy
Mamaya na lang. Marami pa kasi akong aasikasuhin para sa Intramurals.
Sent: 8:52am

From: trxy
Okay. Huwag kang magpagod masyado.
Received: 8:53am

Tinago ko na ang cellphone sa bag at bumalik sa ginagawa ko. Friday ngayon at wala ng lectures dahil abala na ang lahat para sa Intramurals next week. Kasama ko ang ilang organizers dito sa isang room para mag-finalize ng mga ginagawa namin.

"They are all handsome! My God!"

Narinig kong sabi ni Helen kaya napatingin ako sa kanya. Ilang organizers ang nakapaligid sa kanya habang nakatingin sa hawak niyang folder. Lahat sila ay nakangiti at mukhang kinikilig.

"Ano ba 'yang tinitingnan nila?" tanong ko kay Joan.

"Ano pa nga ba? Eh 'di 'yung background information ng dalawang school na makakalaban ng school natin ngayong Intramurals."

Napailing-iling na lang ako at hindi na lang ito pinansin. Isang week gaganapin ang Intramurals. Maraming activities na nakahanda katulad ng fun and games, exhibition, game booths and tournament for various sports in which our school competes against other schools.

Napasulyap ako sa pinto nang may maaninag ang peripheral vision ko na isang figure. Nagulat ako nang makita si Jordan na nakatayo sa bukana ng pinto habang nakatingin sa akin. Ngumiti siya nang magtagpo ang mga mata namin.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Wala naman sa kanilang nakapansin dahil nakatuon ang atensiyon nila sa kanilang ginagawa. Naglakad ako palapit sa kanya at hinila siya sa isang lugar na walang tao.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Dito rin ako nag-aaral 'di ba?" nakangiting sagot nito.

"Yeah, tama ka naman," napatango na sabi ko. "Pero nag-usap na tayo. Huwag ka nang pupunta sa lugar kung nasa'n din ako. Kung pwede ay layuan mo na ako?"

"I don't want to," seryosong sabi niya.

"Huwag mo na akong pahirapan, Jordan! Just focus with Eunice. She needs you."

"Hindi nga tayo sigurado kung ako ba talaga ang nakabuntis sa kanya," sabi niya at hinawakan ang mga kamay ko. "Kaya kung pwede, Kylie, habang hindi pa napapatunayan na ako ang ama ay bumalik tayo sa dati, ha? Please?"

Napapikit ako. Umiling. Kung patuloy siyang ganito, baka bumigay ako. Baka makalimot ako. Nagiging mahina ako pagdating sa kanya. Hindi ko kinakaya kapag nakikiusap siya sa akin.

"Jordan. . ." sambit ko at nagsimula na naman akong umiyak. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ako. Patuloy ako sa pag-iyak.

"Stop crying, babe. I don't like to see you crying."

Pumiglas ako sa yakap at tiningnan siya sa mga mata. Napahinga ako nang malalim. Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Hindi ko na kayang panindigan ang unang naging desisyon ko. Ang hirap.

Game Changer Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt