Chapter 11: Going out with Grey

149 11 0
                                    

[Chapter 11: Going out with Grey]

KYLIE’S POV

Nakangiti akong pumasok ng classroom. Hindi ko rin alam kung bakit sobrang good mood ko ngayon. Feeling ko ang ganda at gaan ng pakiramdam ko sa araw na ‘to. Napansin din ito ni Helen kanina kaya panay pang-aasar siya sa akin bago kami umalis ng aparment.

Nagkuwento kasi ako sa kanya kagabi tungkol sa dinner date namin ni Troy. Ayaw ko nga sana magkuwento kaya lang kinulit niya ako nang kinulit hanggang sa magsalita ako. Kapapasok ko lang ng apartment kagabi, agad niya akong inusisa. Tinanong niya ako kung ano raw naganap sa date namin ni Troy.

“Good morning!” nakangiting bati ko sa naabutan kong seatmate. Si Grey. Wala pa si Clara.

Na-weirduhan ako nang wala akong natanggap na tugon mula sa kanya. Naglagay pa itong earphones sa tainga na parang ayaw akong makausap. Wala yata siyang balak na pansinin ako. Dedma si kuya.

Ano kayang problema nito? Akala ko ba ayos lang naman kung  hindi ako nakasama sa kanya kahapon pero bakit ganito siya sa akin ngayon?

“Galit ka?” tanong ko pero hindi ito sumagot kaya inalis ko ang isang earphone sa tainga niya at muli siyang tinanong. “Galit ka sa akin ‘no?”

“Don’t talk to me.”

“Hala. Bakit? May nagawa ba akong mali?”

Matalim ang tingin niya sa akin at nakasimangot ang mukha niya. Parang batang nagta-trantrums. Anong problema nito?

“Akala ko ba wala ka sa mood kahapon? Pero bakit kay Troy sumama ka? Ang unfair.”

Napakagat ako ng labi at nag-isip ng sasabihin. Nakita niya pala kaming magkasama ni Troy kahapon kaya siya nagkakaganito. Ang unfair nga naman no’n sa kanya. Nakaka-guilty.

“Kasi birthday niya kahapon,” sabi ko pero hindi siya sumagot kaya nagsalita ulit ako. “Sige, babawi ako sa ‘yo today. Sasama ako kung saan mo man gustong pumunta.”

Dahil sa sinabi ko, lumiwanag ang mukha niya at lumabas ang ngiti sa kanyang mga labi. Masaya siyang tumingin sa akin.

“Totoo ba ‘yan?”

“Oo nga. Promise.”

“Okay, then let’s have our first date later.”

Mabilis nagdaan ang mga oras. Nang dumating ang break time, sumabay kami ni Clara para bumili ng snacks namin. Bumalik din agad kami ng classroom at do’n na lang kami kumain. May twenty minutes lang kasi kami for break time.

“Kylie, samahan mo naman ako mamaya kay Troy. May ibibigay lang akong regalo sa kanya. Birthday niya kahapon ‘di ba?”

Napaisip ako sa sinabi ni Clara. Muntik ko nang makalimutan. Kailangan ko rin palang bigyan ng regalo si Troy. Sa sobrang occupied ang isip ko ng mga pangyayari kahapon, nakalimutan kong bumili ng regalo.

“Sige. Bibigyan ko rin siya ng regalo kaya sumabay ka na sa akin.”

“Okay. Ipakilala mo rin ako sa kanya, ah?” she said and I forced a smile before I nodded.

When lunch break came, I didn’t bother go to cafeteria to eat lunch. Lumabas ako ng school at pumunta sa malapit na mall para maghanap ng pwede kong iregalo kay Troy. Nakiusap pa ako sa security guard at nag-isip ng palusot para hayaan ako nitong palabasin. Pumayag naman ito kaya lang kailangan ko raw iwan ang school ID ko.

Pagdating ko ng mall, nagmadali akong maghanap dahil may isang oras lang ako para makabalik. I can’t decide what to buy for Troy. Nalilito ako. Hanggang sa may makita akong isang stall na nagtitinda ng mga cute na key chains. Lumapit ako rito at nagtingin-tingin.

Game Changer Where stories live. Discover now