Day 2: Kylie

301 21 1
                                    

Troy’s POV

Madalas sabihin sa akin ng mga taong sumusubok kumausap sa akin na ang hirap ko raw kilalanin at maging kaibigan. Hindi raw ako palasalita at hindi mahilig makisalamuha. Hindi raw ako madaling basahin at bihira lang may makakuha sa interes ko. Alam ko ‘yon dahil isa akong antisocial.

Nagsimula ang pagiging antisocial ko noong middle school. I was bullied back then. Nakaranas ako ng matinding pagpapahiya mula sa mga kaklase ko. Yung tipong hindi ko na makayang i-angat ang paningin ko at parati na lang nakayuko ang ulo ko, trying not to meet anyone’s eyes.

Dahil sa bullying na naranasan ko noon, nagkaroon ako ng takot na makisalamuha sa mga taong nasa paligid ko. Pakiramdam ko ay wala akong puwedeng pagkatiwalaan at maging kaibigan dahil sa takot na muli kong maranasan ang nangyari noon. Takot na akong maging tampulan ulit ng tukso at tawanan. Kaya minabuti kong i-distansiya na lang ang sarili ko sa iba.

Simula nang maging mailap ako sa tao, bihira na lang akong magkaroon ng pakialam o interes sa mga tao sa paligid. Ngunit, nitong mga nagdaang araw, may nagbago sa akin bigla. Pansin ko ‘yon, at alam ko kung ano ‘yon. It was her. It was because of Kylie. She caught me.

Hindi ko alam kung anong mayro’n sa kaniya at sa may-ari nitong cellphone at nagawa nilang makuha ang interes ko. They triggered my curiosity. Their story keeps bothering me, and that made me pay attention.

Pangalawang araw na ngayon nang magsimula ang deal ni Kylie. Katulad noong 1st day, madalas pa rin siyang mag-text. At hindi ko maintindihan kung bakit inaabangan ko ang bawat pag-beep ng cellphone at hindi pinapalampas basahin ang kada text message na pinapadala niya.

Inaayos ko ang aking higaan nang ma-receive ko ang unang text message ni Kylie ngayong araw. Nagmamadali kong tinapos ang pag-aayos ng higaan at kinuha ang cellphone. Binuksan ko ang inbox at binasa ang text niya.

From: Kylie
Good morning, babe! Maaga akong nagising dahil may pasok na naman.
Received: 5:36 AM

“Magandang umaga rin, Miss Cordovez.”

Palabas na sana ako nang kwarto pero napahinto ako nang mag-text ulit siya. Kinuha ko ulit ang cellphone at binasa ito.

From: Kylie
Mamaya na ako magte-text. Maghahanda muna ako sa pagpasok para di ma-late. Love you!
Received: 5:38 AM

I wonder how can she still manage to tell him those words even he’s not showing up to her? Hindi ba dapat magalit siya rito?

From: Kylie
Babe, on my way to school na ako. Ang aga ko diba? Actually late na nga ako. 7AM start ng class namin today. Haha! Lagot ako kay Ma’am. Huhu!
Recieved: 6:49 AM

Napangiti ako bigla pagkabasa ng text. Kailangan niya nang magmadali para hindi siya malagot sa kaniyang guro. Mahuhuli din sana ako dahil traffic sa daan. Mabuti na lang at naka-motor ako kaya nakakapag-overtake ako at hindi na-stuck sa traffic. Kadarating ko nga lang sa eskuwelahan nang pumasok ang message niya.

Malaki rin talaga ang naitutulong kung may sariling sasakyan. Hindi ako nahihirapang pumasok sa eskuwela. Hindi ko na kailangan mag-abang sa mga pampasaherong sasakyan at pumila o makipag-agawan. Dahil sa niregalong motor sa akin ni Papa, napadali ang pagpasok ko sa eskuwela. Nakatipid na ako sa pamasahe, nakaiwas pa ako sa traffic.

From: Kylie
Babe, mabuti na lang at hindi ako na-late. Mas nauna ako kay Ma’am. Ang bilis kasi magmaneho ng sinakyan kong jeep. Share ko lang.
Recieved: 7:05 AM

Nakaupo ako sa classroom at naghihintay ng guro namin nang mag-text uli siya. Good to know that she didn’t get late. After a minute, she texted again.

Game Changer Where stories live. Discover now