Chapter 19: So In Love

163 10 0
                                    

[Chapter 19: So In love]

TROY’S POV


“Hoy, love birds!” sigaw ni Helen kaya sabay kaming napatingin ni Kylie sa kanya. “Mauna na kami sa inyo. Dalian niyo na rin at baka mahuli kayo. Bye.”

Lumakad na ito paalis kasama si Russel at naiwan na lang kaming dalawa ni Kylie sa kanilang inuupahang apartment. Maaga akong gumising para masundo ko si Kylie at gano’n din ang ginawa ni Russel kay Helen. Masyado kaming in love sa dalawang magkaibigan na ito. Pareho siguro kaming itatapon sa mental facility kapag nawala sa buhay namin ang mga babaeng ito.

Isang buwan na ang lumipas nang maging official kaming magkarelasyon ni Kylie. Monthsary namin ngayong araw kaya may hinanda akong surpresa para sa kanya mamaya.

Awtomatiko akong napangiti nang makita siyang lumabas ng kanyang kwarto, nakasuot ng aming school uniform at nakasukbit sa balikat ang bag. Nakangiti itong naglakad palapit sa akin at mabilis akong hinagkan sa labi.

“Happy 1st monthsary, baby.”

Sasagot sana ako sa sinabi niya pero napahinto ako nang kunin niya ang kamay ko. Pinagmasdan ko lang siya habang may sinusuot siya sa kamay kong isang bracelet na kulay silver. May nakaukit ditong pangalan naming dalawa.

“Binigay mo sa akin itong kwintas no’ng birthday ko kaya gusto ko rin bigyan ka ng bagay na pwede mong isuot at dalhin saan ka man magpunta. Ingatan mo ‘to katulad ng pag-ingat ko nitong binigay mo sa ‘king kwintas. Happy monthsary ulit. I love you so much!” wika niya matapos masuot ang bracelet sa akin.

“I love you too. Ang ganda naman nitong bracelet,” sabi ko saka siya hinalikan sa noo. “Don’t worry, I’ll take care of it just like how I take care of you. Happy monthsary din sa ‘yo, baby.”

Nagmadali na kaming umalis ng apartment at tumungo ng eskwelahan. Mahuhuli na kami sa unang klase. Pagdating namin ng school, kinausap ko muna siya bago kami naghiwalay.

“Manood ka mamaya ng game namin, ah?”

Ngumiti siya at tumango. “I will. Hindi ko papalampasing ‘di panoorin ang laban ng baby ko.”

Matapos akong halikan sa pisngi, nagmamadali na siyang naglakad paalis para habulin ang kanyang unang klase habang tinungo ko naman ang building ng Architecture department.

Napahugot at napabuga muna ako nang malalim na hininga bago binuksan ang pinto ng classroom. Kagat-labi kong sinalubong ang paningin ng Professor ko na natigil sa pagtuturo dahil sa pagpasok ko bigla. Napakamot ako sa batok dahil sa hiya.

“Bakit ngayon ka lang, Mr. Cardenal? Sampung minuto ka nang late.”

“Sorry po, Sir. Traffic po kasi sa dinaanan ko.”

Napailing na lang ito at pinaupo na ako. Halatang ayaw na akong bigyan ng sermon para ‘di na maabala at maituloy niya na ang discussion. Nakipag-fist bump ako kay Russel nang maupo ako sa tabi niya. Nakangisi ang loko habang nakatingin sa akin.

“Traffic daw. Ano bang nangyari at na-late ka? Nagharutan pa kayo ni Kylie ‘no?”

“Sira! Binigyan niya lang ako nitong bracelet,” nakangiting sabi ko. “Yung gagawin mamaya? Dapat ayos lahat, ah.”

“Huwag kang mag-alala, bro. Plantsado na ang surpresa mo kay Kylie mamaya. Si Helen pa ba?” nakangisi nitong sabi at proud na proud sa girlfriend.

Napangiti ako nang dumapo ang paningin ko sa binigay na bracelet ni Kylie. Hinaplos ko ito at pinagmasdan ang pangalan naming dalawa bago ko itinuon ang atensiyon sa lesson ni Prof.

Game Changer Where stories live. Discover now