Day 25: Shoutout

149 10 0
                                    

[Day 25: Shoutout]

KYLIE'S POV

Hindi natuloy ang game nila Troy kahapon dahil nagkaroon ng kalituhan sa schedule. Hindi pa pala maglalaban ang school nila Troy sa isa pang school kaya ang school namin at 'yung isa pang school ang nagharap kahapon. Nanalo ang school namin sa kanila.

Ngayon araw maghaharap ang school nila Troy at 'yung natalong school kahapon. Kung sino sa dalawang school ang mananalo ngayon ay ang makakaharap ng school namin sa finals. Sa school muna nananatili ang lahat ng basketball players para hindi na hassle sa kanila. May mga provided foods at tulugan naman ang school.

Maaga akong pumasok para panoorin ang game nila Troy. I promised him yesterday that I will watch their match today. Bandang 8AM ang simula ng game. Kung sila ang mananalo ngayon, sila ang makakalaban ng school namin sa finals na magsisimula bukas hanggang Friday.

Kahapon ay hindi ako tinigilang kulitin at asarin ng mga kasamahan ko. Itinutulak nila ako kay Troy at sinasabing bagay daw kaming dalawa. May chemistry daw kami. Pero lahat ng sinabi nila ay hindi ko na lang pinansin. Hindi pa ako handang buksan ulit ang puso ko sa iba. Pinapahilom ko pa rin ang sugat. Ayaw ko ring gamitin ang isang tao para lang makalimot o maka-move on.

Nakasalubong ko si Helen kaya sabay na kaming pumunta ng court para panoorin ang basketball match nila Troy at ng isa pang school. Pagdating namin do'n ay hindi pa naman nagsisimula pero marami nang tao. Pansin ko rin na mas favor ang schoolmates ko sa school nila Troy kaysa sa isang school.

Kami na lang dalawa ni Helen ang magkasama ngayon. 'Yung ibang kasamahan kasi namin ay nagbabantay sa booths. Nakokonsensiya nga ako dahil dapat tumulong kami sa pagbabantay pero sila na rin mismo ang nagsabi at nagtulak pa sa akin na manood ngayon. Hay.

"Okay lang talaga na manood tayo habang nagbabantay sila? Nakakahiya naman at unfair sa kanila," wika ko kay Helen na nasa tabi ko at abala sa paglalagay ng liptint.

"Huwag ka na diyan mag-worry. Sila na mismo ang nagsabi kaya keep calm and enjoy your bebe's game."

"Bebe?" kunot noo kong tanong tapos ngumiti siya nang nakakaloko kaya alam ko na agad ang tinutukoy niya. "Ugh, Helen! Stop teasing me with Troy. Utang na loob."

Natawa na lang siya sa inakto ko. Nagpatuloy siya sa paglalagay ng liptint kaya nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko habang nakatuon ang paningin sa gitna ng court at naghintay na mag-start ang game. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito.

From: trxy
Can I ask another good luck wish?
Received: 8:12am

Bahagyang napangiti ako nang mabasa ang message ni Troy. Magta-type na sana ako ng ire-reply pero natigilan ako nang mang-asar si Helen dahil nabasa niya rin ito.

"Ayiiih! Diyan talaga nagsisimula ang lahat."

"Naku, Helen. Tigilan mo na 'ko," I said as I rolled my eyes. Napangiwi lang ito at tumawa.

To: trxy
Good luck. Manonood ako. Nasa dating spot lang kami nakaupo ni Helen :)
Sent: 8:15am

"Naks! Ang sweet," kantyaw pa ni Helen pero hindi ko na lang pinansin.

Mayamaya lang ay lumabas na ang dalawang teams ng magkaibang school. Agad na tumingin sa gawi ko si Troy at nakangiting kumaway. Tipid lang din akong ngumiti dahil pinagtitinginan ako ng mga taong malapit lang sa pwesto namin.

Nagsimula ang laban. Pareho itong magagaling kaya dikit ang laban. Madalas si Troy at dalawa pa niyang teammates ang nakaka-score sa team nila. Kagaya kahapon ay maingay pa rin ang loob ng court. Puno pa rin ang bleachers pero hati ngayon ang support ng mga audience. Todo cheer si Helen sa team nila Troy habang ako ay tahimik lang na nanonood.

Game Changer Where stories live. Discover now