Day 23: Intramurals

135 9 0
                                    

[Day 23: Intramurals]

KYLIE'S POV

Maaga akong nagising dahil ngayong araw ang simula ng Intramurals namin. Kailangan kong pumasok nang maaga dahil mayro'n pa kaming aasikasuhin at dapat ihanda.

Pagdating ko ng school, marami-rami nang tao. Pinuntahan ko ang mga kasamahan kong organizers. Dumiretso ako sa quadrangle kung saan nakapuwesto ang mga activities na hinanda namin ngayong Intramurals week.

"Kylie!" tawag ni Helen at tumakbo pa palapit sa akin, sabay sunggab ng yakap.

"Ang OA naman nito. Parang isang taon tayong hindi nagkita, ah."

"Because I still feel bad to you," nakanguso niyang sabi.

"Hep, hep! Ayaw ko nang makarinig ng tungkol diyan. Simula sa araw na ito, wala na tayong dapat pag-usapan tungkol sa past love life ko. I want to start over again so let's just focus in the present, okay?"

"Okay po, madam!" masiglang sagot niya at biglang kumapit sa braso ko habang naglalakad kami. "Hanga ako sa 'yo dahil ang bilis mo yatang naka-move on."

"Honestly, hindi pa ako tuluyang nakaka-move on pero kung hindi ko papalayain ang sarili ko at patuloy akong magpapakulong sa nangyari, hindi ako uusad. Kailangan kong tulungan ang sarili ko. Walang ibang mas makakatulong sa akin kundi ang sarili ko kasi nasa akin ang desisyon kung pipiliin kong maging masaya ulit o patuloy magpalamon sa lungkot at hinanakit."

"Tama 'yan, Kylie! Hindi pa end of the world. May nawala man pero may darating na bago. Marami pang magagandang bagay na darating sa 'yo."

Alas otso nang magsimula ang Intramurals sa araw na ito. Wala muna ngayong tournament dahil puro games, booths at activities muna ang ganap. Bukas magsisimula ang labanan sa iba't ibang sports. Bukas din ang dating ng mga schools na lalaban dito sa school namin.

This morning, games at booths ang ganap na mismong hinanda naming mga organizers. In the afternoon, bandang 1pm ay magsisimula ang Ms. and Mr. Intrams na gaganapin sa auditorium.

'Yung ilang teachers sa iba't ibang department ang naging head sa palaro. Mayro'ng sack race, pokpok palayok at iba pang traditional Filipino games. Hindi naman ako nag-abalang sumali sa mga 'yon dahil wala ako sa mood. Nagbabantay din ako sa Shoutout booth kasama si Helen. Shoutout booth ang activity na na-assign sa aming dalawa.

May limang booths. Una ang Shoutout booth. Dito ay pwedeng magpa-shoutout tapos magbabayad lang ng 5 pesos. Sa Food booth naman ay huhuli ng mga taong nakasuot ng kulay itim at puti. Kailangan nilang kumain ng mga exotic foods at kapag hindi nila kayang kainin, magbabayad sila ng 20 pesos. Sa Criminal booth naman ay huhuli ng mga taong nakasuot ng kulay red at yellow then ikukulong. Para makatakas, kailangan mag-piyansa ng 10 pesos. Sa Marriage booth naman ay huhuli ng mga taong nakasuot ng blue at green. Tatanungin sila kung marriage or pay, 20 pesos ang payment kapag tumanggi sa kasal. Sa Kissing booth ay randomly ang paghuli. Depende sa trip ng mga nanghuhuli kung sino ang gusto nilang hulihin at anong booth sila dalhin. Ang perang makukuha namin sa activity na ito ay gagamiting fund para sa future projects ng Student Council.

Abala kami sa kuwentuhan ni Helen nang may lumapit na tatlong babae at nagbigay ng limang piso saka isang piraso ng maliit na papel. Kinuha ito ni Helen at mabilis naman na umalis ang tatlo.

"Shoutout kay Daniel ng ABM 12-B! Mula sa 'yong secret admirer! Ayiee!" anunsyo ni Helen sa microphone.

Connected ang gamit naming microphone sa speakers na nakapalibot sa buong campus kaya maririnig talaga ng kahit sino ang mga shoutout na sinasabi namin. Ilang pang magkakasunod na shoutout ang ginawa namin. Nagsasalitan na lang kaming dalawa.

Game Changer Where stories live. Discover now