Day 21: Breakup

123 9 0
                                    

[Day 21: Breakup]

KYLIE'S POV

"Let's have lunch together!"

Nagulat ako nang may kumapit bigla sa braso ko pagtayo ko sa kinauupuan. Tiningnan ko kung sino ito. Si Helen. Hindi ko ito pinansin at inalis ang pagkakapit nito sa akin. Inayos ko ang mga gamit ko. Tahimik lang ako nang bigla itong magsalita.

"Kylie?" naguguluhan nitong tawag sa akin. "Pansin ko na kanina mo pa ako hindi pinapansin. May problema ba tayo?"

Wala siyang nakuhang sagot mula sa akin. Nanatili akong walang kibo. Matapos kong mailigpit ang mga gamit ko, lumabas na ako ng room papuntang cafeteria para kumain ng lunch. Saturday ngayon pero nandito kaming mga organizers sa school para tapusin ang task namin.

Ramdam kong nakasunod sa likuran ko si Helen pero nagpatuloy ako sa paglalakad. Napahinto lang ako nang bigla niya akong hatakin paharap sa kanya. Naguguluhan ang itsura niya nang makaharap ko siya.

"Why are you ignoring me?"

"What do you think is the reason, Helen?" tugon ko sa kanya.

"Oh, God! I'm not a fortune teller, Kylie. Deretsuhin mo na lang ako kung ano bang problema."

"I just can't believe. Of all people, how could you kept it to me all this time? Bakit hindi mo sa akin sinabi?"

"What are you talking about?"

"Alam mong may relasyon sina Jordan at Eunice pero hindi mo man lang sa akin sinabi! Magkaibigan tayo, 'di ba?"

Kitang-kita ko kung paano siya nabigla. Tension spreads all over her face. "So alam mo na? Paano? Kailan pa?"

"Kung hindi ko pa nalaman, wala kang balak sabihin sa akin? Hahayaan mo lang na maging tanga ako sa panloloko sa akin ng boyfriend ko?"

"Kylie, hindi ko gustong itago sa 'yo ang bagay na 'yan."

"Eh, anong rason mo at itinago mo sa akin?"

"Because I don't want you to get hurt."

"It's better to get hurt with truths than lies, Helen. Kahit gaano pa kasakit, kailangan nating malaman ang totoo."

"I'm sorry. Pero hindi lang naman 'yan ang reason kung bakit hindi ko masabi sa 'yo, eh."

"So, ano pa?"

"Natatandaan mo pa ba 'yung maling ginawa ko noon? 'Yung nag-cheat ako para hindi mabawi sa akin ang scholarship ko?" tanong niya at tumango ako. "Jordan threatened me. Kapag nagsumbong daw ako sa 'yo, ipagkakalat niya ang ginawa kong pag-cheat noon hanggang sa makarating ito sa guidance office. Natakot ako kaya imbes na magsalita ay itinikom ko ang bibig ko. I'm really sorry, Kylie."

"Nagawa 'yon ni Jordan?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Siguro marami ka pang hindi alam sa kanya. He's a bastard. Alamin mo kung ano bang klaseng tao siya," sabi niya. "And that's why I am pushing you for Troy. Gusto kong kalimutan mo na si Jordan at mapunta ka sa tamang tao."

Buong araw ay lumilipad na naman ang isip ko. Sobrang naguguluhan na ako. Ang dami kong tanong. Gaano ko nga ba kakilala si Jordan? Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Helen tungkol sa kanya?

Game Changer حيث تعيش القصص. اكتشف الآن