Chapter 16: His side

169 11 1
                                    

[Chapter 16: His side]

TROY’S POV

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Tama bang sumuko na ako kay Kylie at sundin ang gusto niya? Naguguluhan ako. Itinutulak ako palayo ng babaeng mahal na mahal ko. Gustong-gusto ko siyang makasama pero gusto niya akong lumayo sa kanya. Masakit para sa akin na pinagtutulakan ako palayo ng taong mahal ko.

Ayaw ko man siyang layuan pero sinunod ko ang gusto niya. Ayaw ko siyang pahirapan. Kung ang paglayo ko sa kanya at ang paglapit ko sa kaibigan niya ang gusto niyang gawin ko, then, I’ll do it for her. Gano’n ko siya kamahal.

Siya ang unang babaeng unang kumuha ng atensiyon ko. Ang unang kumuha ng puso ko. Ang unang babaeng minahal ko. Kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya. Kahit ano handa akong gawin kahit kapalit pa no’n ay masaktan ako.

Pero ang hirap ng pinapagawa niya sa akin. Ang hirap para sa akin na layuan na lang siya. Ang hirap gustuhin ang isang babae kahit siya naman talaga ang laman ng puso ko. Mahal na mahal ko siya at wala na akong ibang mamahalin kundi siya lang.

Tss. Bakit ganito ang tadhana sa aming dalawa ni Kylie? Bakit sobra nitong mapaglaro?

Akala ko sa muli naming pagkikita, matutuloy na ang naudlot noon. Akala ko inilaan kami ng tadhana para sa isa’t isa kaya muli kaming pinagtagpo. Akala ko magsisimula na ang kwento namin ngayon pero maraming hadlang. Are we really destined to each other or there is someone meant for each of us?

“Hi, mommy!” masiglang sigaw ni Russel kaya napatingin ako sa tinitingnan niya.

Nakita ko si Helen at Kylie na kasalubong namin. Nakangiting lumapit si Russel kay Helen at nagyakapan silang dalawa. Hinalikan pa ni Russel ang ulo nito. Biglang napunta ang paningin ko kay Kylie na mabilis nag-iwas tingin nang magtama ang mga mata namin.

Damn, Kylie! Kung pwede lang sana... gusto rin kitang lapitan, yakapin at halikan ngayon.

“Hey, Troy!” pagbati ni Helen kaya ngumiti ako at tinanguan siya. “Ano? Sabay na tayong kumaing apat?”

“Sure, mommy.”

“Pasensiya na, ‘di ako makakasama sa inyo,” agad na sabi ko at kumunot ang noo ni Helen habang walang imik naman si Kylie.

“Ay, bakit naman?” tanong ni Helen.

“May makakasama na akong mag-lunch.”

“Gano’n ba? Mas mahalaga ba ‘yang taong ‘yan kaysa amin—kay Kylie?” Napalunok ako sa tanong ni Helen. Napahugot ako nang malalim na hininga. “Charot lang! You’re so tense. Sige na, mauna na kami sa ‘yo.”

Tumango ako at naglakad na silang tatlo paalis. Pinagmasdan ko lang si Kylie. Sa tuwing hindi ko siya pinapansin, naninikip ang dibdib ko. Nahihirapan ako. Hindi ko talaga gustong umaktong cold at walang pakialam sa kanya kahit yung totoo ay miss ko na siya at ang sakit para sa akin na ang lamig ng pakikitungo ko sa kanya. Pero kakayanin ko. ‘Yon ang hiling niya kaya tutuparin ko ito.

Naglakad na rin ako habang nag-iisip. Ang dami nang nangyari sa mga lumipas na araw at buwan. Maraming nagbago sa sarili at sa buhay ko pero hindi nagbago ang nilalaman ng puso ko. Loyal pa rin ito at naghihintay na mahalin din ni Kylie.

Hindi ko akalain na makikilala ko ang babaeng una at tanging mamahalin ko dahil lang sa cellphone na binili ko noon. Hindi ko inaasahan na sa loob ng thirty days ay mahuhulog ang loob ko sa kanya. Dahil sa mga mensahe na pinadala niya at pinadala ko ay mas nakilala ko siya at nakilala niya rin ako.

Naging tulay ang cellphone ni Jordan para magtagpo ang mga landas namin. Those messages for thirty days from the girl named Kylie were the reason why I started to change. Nakilala ko ang sarili ko. Nagawa kong harapin ang mga bagay na hindi ko magawa noon. Nawala ang pagiging antosocial ko at higit sa lahat, natutunan kong magmahal.

Game Changer حيث تعيش القصص. اكتشف الآن