Day 13: JSS News

145 13 0
                                    

[Day 13: JSS News]

KYLIE'S POV

Nasa sulok ako ng classroom at nagmumokmok habang nakikinig ng music. Walang klase ang lahat ng classroom sa oras na ito dahil may conference ang mga teachers ngayon tungkol sa nalalapit na Intramurals ng school.

Ilan sa mga kaklase ko ay lumabas para gumala at isa na do'n si Helen. Ang iba naman ay nanatili rito sa room. Napapikit ako nang hindi ko na matiis ang sakit ng mga mata ko dahil sa nakikita ko ngayon. Kanina pa naghaharutan ang kaklase kong couple. Walang respeto. Bitter ako ngayon kaya huwag silang magharutan sa harapan ko! Tss.

"Kylie!" Saka lang ako napadilat ng mga mata nang tawagin ako ni Helen na tumatakbo palapit sa kinauupuan ko.

"Bakit?" tugon ko matapos tanggalin ang earphones sa tainga ko.

"May nasagap akong tsismis sa JSS!"

Napakunot noo ako sa sinabi niya dahil hindi ko ito maintindihan. "JSS?"

"The ABM beauties! Don't you know them?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Umiling ako kaya napangiwi siya. Bakit? Gaano ba kasikat ang JSS para dapat ko silang makilala? Magsasalita sana ako para tanungin siya sa JSS na tinutukoy niya pero natigilan ako nang maalala ko ang unang sinabi niya.

"Anong tsismis pala ang nalaman mo diyan sa sinasabi mong JSS?" nagtataka kong tanong.

"Actually, hindi ko masyadong napakinggan pero malinaw kong narinig na nabanggit nila ang boyfriend mo," sabi niya na ikinagulat ko.

"Sigurado ka?"

"Mas mabuti kung sila ang kausapin mo kaya tara at puntahan na lang natin."

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at mas nauna pang naglakad kay Helen na naramdaman kong sumunod naman sa akin. Itinuro ni Helen kung saan ko makikita ang JSS at sa building ng ABM niya ako dinala.

Tinawag ni Helen ang sinasabi niyang JSS sa loob ng isang classroom at ilan sandali lang ay nasa harapan ko na ang tatlong magagandang babae. Napatulala ako nang ilang segundo sa mukha nila. Hindi nga maitatanggi na sila ang ABM beauties.

"Sila ang JSS na sinasabi ko," wika ni Helen at isa-isa niyang pinakilala ang mga ito. "Joanna Ronquillo, Shaira Joy Dacquel at Shiela Santos."

"OMG! Ang isa sa GAS beauty!" sambit ng babaeng Shiela ang pangalan habang nakatitig sa akin. Tipid ko lang itong nginitian.

"Anong kailangan ninyo sa amin?" tanong naman ng isa pa na Shaira ang pangalan.

"Hi. Ako si Kylie Cordovez at siya naman si Helen Trinidad," pakilala ko. "Gusto lang namin kayong makausap. Kilala niyo ba si Jordan Rivero?"

"What about him?" tugon ni Joanna.

"May itatanong lang kami tungkol sa kanya, pwede ba?" sabi ko at tumango naman sila. Sumenyas ako kay Helen na agad naman nitong naintindihan.

"Girls, sorry. Hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap ninyo kanina pero narinig ko kasi na nabanggit ninyo si Jordan. Ano 'yung pinag-uusapan ninyo tungkol sa kanya?"

"Wala naman. Nabanggit lang namin siya randomly. Nagpunta kasi kami sa isang bar para mag-celebrate ng birthday ni Shiela at nakita namin si Jordan that night with Eunice kaya napag-usapan namin siya," pagkuwento ni Shaira.

"What? He was with Eunice that night?" gulat at 'di ko makapaniwalang tanong.

"Yeah, I'm sure that it was Jordan and Eunice," sagot ni Joanna. "Kaya nga na-crious din ako. Hindi ba ikaw ang girlfriend ni Jordan? Pero bakit si Eunice ang kasama niya nang gabing iyon?"

Kumirot ang puso ko at parang nanlambot ang tuhod ko nang marinig ko ang mga sinabi nila. Hindi ko matanggap ang mga nalaman ko. Pakiramdam ko ay nagsisinungaling lang sila sa akin. Ayokong mag-isip agad ng kung ano-ano. Gusto kong makausap si Jordan at pakinggan ang side niya. Baka may dahilan siya kung bakit magkasama sila ni Eunice.

Lutang ako nang bumalik ng classroom. Sobrang lalim ng iniisip ko at gulong-gulo na ako. Para akong sasabog. Kinakati akong makita si Jordan sa mga oras na ito. Hindi ko gustong pag-isipan siya nang masama. Hihintayin ko siya at papakinggan ang paliwanag niya.

Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag para i-text si Troy. Nag-isip ako kung anong sasabihin. Nagsimula akong mag-type at ganito ang kinalabasan ng message ko sa kanya.

To: trxy
Sa bar ba talaga napulot ang cellphone ng boyfriend ko?
Sent: 3:34pm

From: trxy
Oo raw. 'Yan ang sinabi sa akin nang makausap ko ang nakapulot nito.
Received: 3:35pm

From: trxy
Bakit mo natanong ulit? May balita ka na ba sa boyfriend mo?
Received: 3:35pm

To: trxy
Meron pero hindi ko alam kung totoo ba o hindi.
Sent: 3:36pm

From: trxy
Ah, okay.
Received: 3:37pm

To: trxy
Can I ask you a favor?
Sent: 3:37pm

From: trxy
Sure. Ano 'yon?
Received: 3:38pm

To: trxy
Let's meet tomorrow. I need your help.
Sent: 3:40pm

Game Changer Where stories live. Discover now