Chapter 17: Can't stop the feeling

161 8 0
                                    

[Chapter 17: Can’t stop the feeling]

TROY’S POV

Nitong dumaang weekend, wala akong ibang ginawa kundi ang manatili sa bahay at mag-isip. Umisip ng dapat gawin sa sitwasyon naming tatlo nina Clara at Kylie. At ngayon, may desisyon na ako. Sasabihin ko ang totoo kay Clara at ipaglalaban ko ang nararamdamam ko para kay Kylie. Mahal na mahal ko si Kylie. Wala na akong ibang gusto kundi siya lang.

Matapos ko siyang ihiga sa kanyang kama noong araw na lasing siya, napaisip ako habang nakatitig sa kanyang mukha. Hindi ko kayang mawala siya sa akin kaya ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

Alam kong may masasaktan pero buo na ang desisyon ko. Naisip ko rin na unfair kay Clara na hindi niya alam kung anong meron sa pagitan namin ni Kylie. Unfair para sa kanya na kaya ko siya nilalapitan at pinipilit gustuhin ay dahil ‘yon ang gusto ni Kylie na gawin ko. Mabuting tao si Clara. Deserve niyang maging masaya at mahalin nang totoo pero hindi ako ang magbibigay no’n sa kanya. Hindi ako ang para sa kanya dahil may nilalaman na ang puso ko. Alam kong may ibang lalaking na nakalaan para ibigay ‘yon sa kanya. Sigurado ako.

Humugot ako nang isang malalim na hininga nang makita ko si Clara na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. May baon siyang ngiti sa mga labi. Hindi ko mapigilang makonsensya dahil ako ang magiging dahilan ng pagkawala nito mamaya.

But, I have to do this. I have to tell her the truth. Masasaktan ko siya sa gagawin ko ngayon hindi dahil gusto ko talaga siyang saktan, kundi dahil gusto ko siyang palayain para mahanap ang totoong pag-ibig na para sa kanya.

“Hi!” she greeted still wearing her smile when she got in font of me. “Bakit gusto mo akong makita ngayon? Anong meron?”

“May gusto kasi akong sabihin sa ‘yo.”

“Hm? You’re very serious, it’s making me nervous,” natatawang aniya. Naupo siya sa bench na kinauupuan ko. “I have to sit. Parang seryoso at mahaba ang pag-uusapan natin ngayon.”

The prolonging silence was making me awkward that I had to looked away and took a deep breath. I looked down and let out a sighed. Ilang beses akong napakamot sa batok habang nag-iisip kung paano sisimulan ang aking sasabihin.

“Tell me what you want to say,” she said smiling.

I gathered a strength to be able to speak. Kaya mo ‘yan, Troy. Gagawin mo ito hindi lang para sa sarili mo. Para din ito sa kanya.

“Clara,” tawag ko sa kanya. “May gusto ka sa akin, hindi ba?”

Nagulat siya sa lumabas sa bibig ko pero ilang sandali lang ay natawa siya. “Masyado ba akong obvious at nalaman mo?”

Hindi ako sumagot. Nagsalita siya ulit.

“So, ano? Are you gonna pursue me or are you gonna turn me down?”

“Sorry, Clara. Hindi ako ang lalaking para sa ‘yo. I’m already committed with someone else and it’s—”

“It’s Kylie, right?” pagputol niya sa sinasabi ko.

Gulat at nagtataka akong tumingin sa kanya. “Pa’no mo nalaman?”

“Napansin ko lang. Masyado kang obvious, eh,” sagot niya at pilit ngumiti. “No’ng una pa lang tayong nagkakilala, napansin ko na agad. Alam ko na agad.”

“Pero bakit hindi mo sinabi?”

“Kasi gusto kong kay Kylie o sa ‘yo mismo ito marinig. Malay ko bang mali naman ang iniisip ko,” saad niya saka tumingin sa malayo. “The way you look and stare at her, it’s full of admiration. Your eyes filled with love and happiness everytime you see her. And when you see her with Grey, you get jealous. Kaya pa’nong hindi ko mapapansin na may feelings ka para kay Kylie?”

Game Changer Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora