Chapter 5: Reminisce

162 13 0
                                    

[Chapter 5: Reminisce]

KYLIE’S POV

When Helen and I got home, I shut myself inside the bedroom. Bigla na lang akong umiyak habang nakadapa sa kama. Ang sakit ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nasasaktan nang ganito.

Ano bang nangyayari kay Troy? Nasa’n na ang Troy na nakilala ko noon? Yung Troy na sobrang bait at laging nandyan sa tuwing kailangan ko? I missed that kind of Troy. Sana bumalik na siya.

Medyo tumahan na ako sa pag-iyak nang makarinig ako ng katok sa pinto. Hindi ako nag-abalang tumayo para pagbuksan si Helen. Ayokong makita niyang nagkakagan’to ako.

“Ky, okay ka lang?” tanong nito.

“Oo, Helen. Don’t worry about me.”

“Labas ka muna. Kain tayo ng dinner. May dalang fried chicken si Russel.”

“Kayo na lang. Wala akong ganang kumain, eh.”

“Okay, sige. Magtitira na lang kami para may makain ka kapag nagutom ka.”

“Thank you,” tugon ko.

Bumangon ako sa kama at kinuha ang cellphone sa bag. Bumalik ulit ako sa kama at naupo. Pinindot ko ang message application at binuksan ang naging conversation namin ni Troy noon.

I didn’t delete even a single message. Lahat nandito pa. Hindi ko alam kung ba’t hindi ko ito binubura. Binasa ko ulit ang messages niya simula sa umpisa dahil gusto kong balikan ang dating Troy na nakilala ko.

From: trxy
Good morning!
Received: 6:15am

From: trxy
Hindi na ako ang babe mo but I can be your baby instead. Joke. Troy nga pala ang pangalan ko. Nice to meet you.
Received: 6:16am

Napangiti ako. The first two messages I received from him. Hindi ako nag-reply no’n dahil nainis ako sa kanya. Hindi niya man lang sinabi na hindi si Jordan ang nakakatanggap ng messages ko kundi siya.

From: trxy
Alam mo bang late talaga akong gumising kaya late rin akong pumapasok sa eskwela? Pero magmula nang mag-text ka, maaga na akong nagigising. I’d like to thank you for that.
Received: 6:17am

Late siyang pumapasok sa school pero dahil sa akin ay nagbago ‘yon. Maaga na siyang gumigising. Paano ko naman nagawa ‘yon? Napaisip ako hanggang sa maalala ko ang maagang pag-text ko no’n kay Jordan. Marahil ‘yon ang dahilan.

From: trxy
Alam kong pinagbawalan mo akong i-text ka pero hindi ko kaya eh. Naging parte ka na—ang messages mo ng ilang araw ko. Nasanay na ako kaya pwede bang makipagkaibigan sa 'yo?
Received: 6:18am

From: trxy
Ako naman ngayon ang magte-text. Hindi mo kailangan mag-reply. Hindi kita pipilitin. Hayaan mo lang sana ako.
Received: 6:20am

Kung noong mabasa ko ito ay wala akong naramdamang kung ano, ngayon na binasa ko ulit ito ay parang may kung ano’ng kumiliti sa puso ko.

From: trxy
May pasok ngayon kaya maghahanda muna ako. Gising ka na ba? Gumising ka na rin. Mag-ingat ka sa pagpasok.
Received: 6:21am

From: trxy
Papuntang eskwelahan na ako. Sakay sa motor ko. Ikaw? Pumasok ka ba?
Received: 6:45am

From: trxy
May instructor kayo? Anong ginagawa mo ngayon? Busy ka ba?
Received: 8:54am

Game Changer Where stories live. Discover now