Chapter 15: Anguish

163 11 0
                                    

[Chapter 15: Anguish]

KYLIE’S POV

“Good morning!”

Nagulat ako nang si Troy ang bumungad paglabas ko ng apartment. Nangunot ang noo ko habang nagtatakang nakatingin sa kanya. Hindi ko inaasahan na nandito siya. Wala naman kaming kasunduan na sabay kaming papasok sa school ngayong araw ng Lunes.

Sinarado ko ang gate nang makalabas ako bago balingan ang lalaking nasa harap ko.

“Bakit ka nandito?”

“Sinusundo ka. Tinext kasi ako ni Helen na hindi ka raw nakasabay sa kanila kaya pinuntahan kita rito.”

“Hindi ka na sana nag-abala pa. Kaya kong mag-commute.”

Imbes na magsalita, inabutan niya lang ako ng helmet. “Sumabay ka na sa akin. Baka mahuli ka sa klase.”

Hindi na ako nagreklamo pa. Sayang ang ipinunta niya rito kung tatanggihan ko at isa pa, na-miss ko rin ang pagsundo niya sa akin. Nang makasakay sa motor, nag-drive na siya paalis. Pagdating namin ng school, hindi ko inaasahan na si Clara ang bubungad sa amin.

Walang emosyon siyang nakatingin sa amin. Halata ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha na makita kaming magkasama at sabay na dumating. Agad ko siyang nilapitan nang makababa ako ng motor ni Troy.

“Hi, Clara!” pagbati ko na tipid lang na ngiti ang iginanti niya. “Nagkasabay lang kami ni Troy papuntang school.”

“I see,” sabi niya at tinawag si Troy. “Tuloy pa ba tayo mamaya?”

Lumakad palapit sa amin si Troy. “Oo naman. Bakit? May ibang lakad ka na?”

Umiling si Clara. “Wala naman.”

Natahimik ako at napaisip. Saan naman kaya ang lakad nila mamaya? At gaano na kaya sila ka-close para magkaroon ng lakad na silang dalawa lang?

“Let’s go, Kylie!” pag-aya ni Clara.

“Teka lang. Mauna ka na, Clara. May sasabihin muna ako kay Kylie.”

Bahagyang nalukot ang mukha nito pero napatango na lang ito at naglakad paalis. Pansin ko na parang nagtataka at nagdududa si Clara sa amin ni Troy simula pa no’ng Sabado nang bigyan ako ng teddy bear ni Troy. Pakiramdam ko rin na hindi nito nagustuhan na sabay kaming pumasok ni Troy ngayong araw.

Ugh! I should push him away. Dapat inilalapit ko siya kay Clara at inilalayo sa akin pero bakit hinahayaan ko pa rin siyang lumalapit? Hays.

“Kylie,” tawag ni Troy.

“Ano bang sasabihin mo?”

“Gusto ko lang itanong kung gusto mo rin bang sumama sa amin ni Clara mamaya sa—”

I cut him off. I shouldn’t get swayed!

“Kayo lang naman ang may usapan sa lakad na ‘yan kaya bakit ako sasama?” tanong ko.

“Para fair sa ‘yo. Alam kong hindi mo naman gustong itulak ako palayo pero dahil—”

“Troy, hindi ba sinabi ko na sa ‘yo noon na tapusin na natin kung anong mayro’n sa atin? I already stopped you for courting me. Ano bang hindi maliwanag do’n?” I said seriously. “Please, stop. Nakakapagod na.”

“Kylie, ‘yan ba talaga ang gusto mo? Gusto mo bang tigilan at layuan na kita?” mahinang tanong niya na bumasag sa puso ko.

I stood firmly even my knees were trembling. I clenched my fists, struggling for control and took a deep breathe then nodded.

Game Changer Where stories live. Discover now