Chapter 14: Double date

155 9 0
                                    

[Chapter 14: Double date]

KYLIE’S POV


Sa buhay natin, palaging may choices. Sa bawat choices, kailangan isa lang ang piliin. At sa bawat pagpili, minsan ay gumagawa tayo ng desisyon na kahit hindi natin gusto at alam nating masasaktan tayo, gagawin pa rin natin dahil kailangan o ‘yon ang sa tingin nating tama.

May bumabagabag sa akin at alam ko kung ano ito. Hindi ako pinapatahimik nang naging desisyon ko. Ang bigat sa pakiramdam. Gusto ko man bawiin pero nagawa ko na. Wala nang atrasan. Dapat ko na lang panindigan.

Ako kasi yung tipo ng tao na handang magparaya para sa ikabubuti ng lahat at ikasasaya ng iba. Mas okay na ako na lang ang masaktan at magdusa. Hindi ako mapapanatag at matutuwa kung may ibang nasasaktan para sa kaligayahan ko.

Pero bakit sa buhay ko, palagi na lang ako ang dapat magparaya? Bakit kailangan kong masaktan? Hindi ba ako pwedeng maging masaya na lang at walang dehadong iba?

Una, si Jordan. Kailangan ko siyang isuko noon dahil mas kailangan siya ni Eunice at nang magiging anak nila. Hanggang ba naman ngayon? For the second time around, kailangan ko na naman magparaya? Kailangan ko na naman masaktan? Kailangan ko na naman bitawan ang isang lalaki? Nakakapagod nang masaktan.

Napakurap ako at bumalik mula sa malalim na pag-iisip nang may kamay na pumagaypay sa harapan ng mukha ko. Napatingin ako kay Grey na nakangiti sa akin.

“Tulala ka. Anong iniisip mo? Ako na naman ba?” nakangisi niyang tanong.

“Sorry to disappoint pero hindi ikaw.”

“Ang killjoy mo naman. Dapat sinakyan mo na lang ang trip ko,” nakanguso niyang sabi “Sige, kumain ka na. Mamaya mo na ako isipin.”

Natawa at napailing na lang ako sa sinabi nito. Nagpatuloy ako sa pagkain. Si Grey ang kasama ko ngayon sa tanghalian dahil hindi ko nakasama si Clara. May kasama raw siyang iba. Napa-angat kay Grey ang tingin ko nang magsalita ulit siya.

“Pansin ko nitong mga dumaang araw na palaging magkasama ang dalawang ‘yon?” aniya at may nginuso.

Napalinga ako at sinundan ang tinuturo niya. Nabigla ako nang mahagip ng mga mata ko ang itinuturo ni Grey. Natigilan ako at napako ang paningin ko sa kanila. Naramdaman ko ang kirot sa puso ko. Napabuntong-hininga ako at iniwas ang tingin.

Bakit na naman ako nasasaktan? Dapat in-expect ko nang ganito ang kalalabasan nang ginawa kong paglalapit kina Troy at Clara. Dapat tanggap ko ito pero bakit masakit? Bakit sobra akong apektado?

Magmula no’ng araw na nakita kami ni Troy na aalis ni Grey, naging mailap na siya sa akin. At nitong mga nakaraang araw, palagi silang magkasama ni Clara. Nakakapanibago lang na hindi ako masyadong pinapansin ni Troy.

“May something ba sa kanila? Akala ko ba nanliligaw ‘yang si Cardenal sa ‘yo pero bakit ibang babae naman yata ang—”

“Hayaan mo na sila. Hayaan na natin sila.”

He shrugged. “Kung suko na siya sa ‘yo, ako hindi. I will continue pursuing you, Kylie.”

Tipid akong napangiti kay Grey. Bukod sa kaklase at kaibigan, wala na akong ibang pagtingin sa kanya. Wala na akong nararamdamang iba. Habang hindi pa lumalalim ang pagtingin niya sa akin, kailangan kong gumawa ng paraan. Ayoko siyang paasahin kung hindi ko naman maibabalik ang binibigay niya sa akin.

“Grey, huwag kang magagalit o magbabago,” paninimula ko matapos humugot nang malalim na hininga. “Huwag ka nang—”

Pinahinto niya ako sa pagsasalita kaya hindi ko natuloy ang binabalak kong sabihin sa kanya. May dinukot siya sa kanyang bulsa at ipinakita sa akin. Napakunot noo ako.

Game Changer Where stories live. Discover now