Chapter 1: New beginning

189 13 0
                                    

[Chapter 1: New beginning]

KYLIE’S POV

Matapos magbayad sa driver, bumaba ako mula sa taxi at sinalubong ng yakap ni Helen. Tinulungan niya akong kunin mula sa back compartment ang mga gamit ko at bitbitin ito papasok sa gate. Kadarating ko lang galing probinsya at lumuwas dito sa Maynila para dito ituloy ang pag-aaral ko ng kolehiyo.

“Halika, pasok ka,” wika niya.

Iginiya niya ang daan papasok sa loob ng apartment. Two weeks na ang lumipas nang lumuwas siya rito sa Maynila para mag-enroll sa aming dalawa at makahanap ng apartment na pwede naming tirhan. Mabuti na lang at ang boyfriend niya for five months ay taga-Manila kaya may nakatulong sa kanya sa paghahanap.

“Nice, Helen. Ang ganda ng nakuha mong apartment kahit maliit lang,” sabi ko habang manghang pinagmamasdan ang kabuuan ng apartment.

“Thanks to Russel for helping me,” aniya patukoy sa kanyang boyfriend.

Nilibot ko ang buong apartment. Simple lang ito at mura lang daw ang rent fee. May maliit na living room pagpasok ng main door. Sa right side nito ay dalawang bedrooms. Iisa lang ang dining area at kitchen na nasa dulong bahagi.

May ilang kagamitan na provided na ng landlady katulad ng set of sofa, center table at maliit na television. May dining table din na good for four person. Bawat bedroom ay may tag-isang kama at wooden closet. ‘Yung ibang kagamitan at appliances na kailangan namin, si Helen at ang boyfriend niya na raw ang bumili. Nagbigay lang ako ng cash.

“Two days pa bago ang start ng klase, anong gusto mong gawin natin sa two days na ‘yan?” tanong ni Helen habang kumakain kami ng dinner.

Nagtulungan kami sa pagluluto ng kakainin namin. Ako ang nagsaing at siya naman ang nagluto ng hotdog at itlog para sa ulam namin. Wala raw kaming stock ng pagkain kaya ‘yon muna ang ulam namin. Hindi pa naman daw siya nag-grocery dahil madalas sila sa labas kumain ng boyfriend niya simula nang pumunta siya rito.

“Bukas ay maglilinis tayo ng apartment at pagkatapos ay mag-grocery tayo para may stock tayo ng pagkain. Bumili na rin tayo diretso ng school supplies. And for the next day ay mamasyal tayo dito sa Maynila since matagal na no’ng huli kong punta rito.”

“Okay,” tugon niya.

We continue eating in silence but a thought suddenly came into my mind. Nag-alangan akong itanong kay Helen ang tumatakbo sa isip ko pero sa huli ay tinanong ko pa rin ito.

“Helen, can I ask you something?”

“Go,” sagot niya habang abala sa pagkain.

“Last week ka pang nandito, hindi ka naman yata papayag na mag-isa lang dito, ‘no?”

Napahinto siya sa pagkain at napatingin sa akin na nakataas ng kilay. “So, anong iniisip mo?”

“Wala. Naisip ko lang na baka dito namamalagi ang boyfriend mo tapos may milagro kayong—”

“Hoy! Wala kaming ginawa katulad ng iniisip mo!” sigaw niya. “At kalilipat ko lang kahapon dito.”

“Ah, okay. Dito ba siya natulog kagabi?”

“Hindi.”

“Weh? Hindi ka natakot matulog mag-isa?” pang-iintriga ko.

“Why would I? Nasa Maynila ako kung saan maraming tao at kapitbahay. Duh!”

“O, relax lang. Nagtatanong lang naman ako,” natatawang sabi ko.

“Oh, God. I hate you and your suspicious way of thinking. Tsk!”

Game Changer Where stories live. Discover now