Day 7: This is it

162 17 0
                                    

[Day 7: This is it]

TROY'S POV

Agad kong tinungo ang kwarto pagdating ng bahay. Buong maghapon akong wala sa bahay dahil isinama ako ni Papa sa poultry house upang tumulong sa gawain doon. Kumulang kasi ang trabahador kaya pinakiusapan muna ako ni Papa na tumulong muna.

Pagpasok ko ng kwarto, napahinga ako nang maluwag nang makita ang cellphone na nasa dati pa rin nitong kinalalagyan kanina. Nakalimutan ko itong dalhin kaya naiwan dito. Mabuti na lang at hindi naman siguro pumasok si Trina rito. Mahilig kasi 'yon pumasok sa kwarto ko at mangialam sa mga gamit ko.

Kinuha ko ang cellphone at agad itong tiningnan. As expected, mayro'n itong unread messages. Hindi ako nagdalawang-isip na basahin ang lahat nang ito. Hindi ko kayang palampasin na hindi basahin kahit isang message niya.

From: Kylie
Hi babe! It's been 1 week since I started sending messages to you. At sa loob ng isang linggo na 'yan, siguro lagpas isang daan na ang na-send ko sa 'yo pero isang text lang ang natanggap ko at hindi na nasundan pa.
Received: 8:26am

From: Kylie
Sabado ngayon kaya team bahay lang ako. Pero noon kapag weekend, pupunta ka rito sa bahay at susunduin ako. Dadalhin mo ako sa bahay niyo para manood ng anime. I really miss that time, babe.
Received: 8:42am

From: Kylie
Babe, anong magandang gawin today?
Received: 9:32am

From: Kylie
Kapagod! Pinalinis ako ni Mama ng bahay. Huhuhu! Nakita niya kasi akong walang ginagawa. Pero okay lang para naman hindi kita masyadong ma-miss. Ang unfair, eh. Parang 'di mo naman kasi ako nami-miss.
Received: 11:25am

From: Kylie
Happy lunch! Dami kong kinain dahil sa pagod ko kalilinis. Baka magkaroon na naman ako ng baby fats. Tsk!
Received: 12:19pm

From: Kylie
Ang boring, babe! Isang text naman diyan, oh!
Received: 1:15pm

From: Kylie
J O R D A N ♡ K Y L I E
Received: 2:09pm

From: Kylie
Wew! Nababaliw na ako, babe! Hahaha!
Received: 2:10pm

From: Kylie
Kagiging ko lang. Nakatulog pala ako.
Received: 5:24pm

From: Kylie
Bakit hindi na, nagpaparamdam pa?
Bakit pakiramdam ko, wala ka nang gana?
Wala akong bukambibig kundi puro sana,
Sana magpakita na, sana bumalik ka na.
Received: 5:48pm

From: Kylie
How was my poem, babe? Do you like it? Halata ba kung anong nararamdaman ko habang sinusulat 'yan?
Received: 5:49pm

From: Kylie
Babe, do you still love me? Feeling ko kasi nawawalan ka na ng gana kaya hindi ka nagpaparamdam.
Received: 6:55pm

From: Kylie
Just tell me what's really going on, babe. I deserve to know it.
Received: 6:59pm

From: Kylie
Babe, sana sabihin mo sa akin kung ayaw mo na. Kung tinatapos mo na ang lahat sa atin. Ang sakit kasi umasa sa wala. Kung hindi mo na ako mahal, sabihin mo lang. Kung gusto mo na akong tumigil, sabihin mo lang. Kung anong magpapasaya sa 'yo, sabihin mo lang at gagawin ko.
Received: 7:03pm

Natigilan ako nang mabasa ko ang huling message ni Kylie na limang minuto pa lang ang nakalilipas nang matanggap ko. Napa-isip ako. Biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi sa akin no'ng dalawang tukmol kahapon sa park. Their words really striked me.

"Bakit ka naman naguguluhan sa gagawin?"

"Pare, umaasa 'yung tao. Akala niya boyfriend niya pa rin ang tinitext niya. Ang the best mong gawin ay i-text na siya at sabihin na hindi ikaw ang boyfriend niya. Solve ang problema mo!"

"Mismo! Huwag mo nang patagalin dahil masasaktan lang siya at patuloy aasa. Kawawa naman. Mahal na mahal niya ang boyfriend niya pare kaya sobra siyang nangungulila. Masasaktan siya kapag nalaman niyang hindi ikaw ang boyfriend niya pero mas masasaktan siya kung patuloy mo siyang papaniwalain na ikaw ang minamahal niya."

"Pare, gawin mo ang nararapat. Kahit anong mangyari, deserve niyang malaman ang totoo."

Napahugot ako nang malalim na hininga. Nag-isip kung anong dapat kong gawin. Sa tuwing nababasa kong nalulungkot siya dahil sa pangungulila sa kanyang boyfriend, parang may kung anong sakit akong nararamdaman din.

At ngayon natauhan na ako. Dapat sa simula pa lang ay sinabi ko na sa kanya ang totoo para hindi na siya umaasa at nasasaktan nang ganito. Isa akong gago! Pero ngayon, itatama ko na ang maling nagawa ko. Gagawin ko na ang matagal ko na dapat na ginawa. Muli akong napahugot ng malalim na hininga at nagsimulang mag-type ng message para sa kanya.

To: Kylie
Good evening, Kylie. Magkita tayo bukas sa park. Alas singko ng hapon. May kailangan akong sabihin sa 'yo.
Sent: 7:15pm

Game Changer Where stories live. Discover now