Chapter 12: Stay away

162 13 1
                                    

[Chapter 12: Stay away]

KYLIE’S POV

“Good-bye, class!” paalam ni Prof bago lumabas ng classroom.

May next subject pa pero ilan sa mga kaklase ko ay lumabas din kasunod ni Prof. Maging si Grey ay nagpaalam sa akin na lalabas muna siya para bumili ng kanyang maiinom. Napatingin ako kay Clara nang magsalita ito.

“Aba. Nagpaalam pa talaga si Grey sa ‘yo. Parang maganda ang naging date niyo kahapon, ah.” Umiling ako’t ngumiti na lang sa kanya. I know she’s just teasing me. “Saan nga ba kayo nagpunta kahapon ng lalaking iyon?”

“Kahit saan. Kumain kami sa isang Korean restaurant tapos nagpunta ng mall. Kahit ayaw ko, ibinili niya ako ng damit, sapatos at bag. Nanood din kami ng sine, naglaro sa arcade at kumain ng ice cream. Pagkatapos, hinatid niya na ako sa apartment.”

“Wow. Kahit mukhang playboy, alam niya rin pala ang mga gano’ng bagay. Akala ko kasi puro pakikilandian lang ang alam niya but I was wrong.”

“Honestly, Clara, hindi naman talaga siya yung tipong bad boy. Kung titingnan, para siyang bad boy pero mabait naman siya. Marunong makisama at showy siyang tao. Madali mo lang basahin.”

“Do you think you will fall in love with him?”

Bahagya akong natawa. “Hindi naman gano’n pero—”

“Pero posible.”

“Siguro, pwede, kung ‘yon ang nakatadhana.”

“So, you also believe in destiny.”

Tumango ako. Ilang sandali kaming natahimik kaya nag-isip ako ng bagong topic na pwede kong sabihin.

“Binigay ko na nga pala yung regalo mo kay Troy. And he liked it. Thank you raw.”

“Talaga?” tuwang-tuwa niyang sambit.

“Oo. Pwede niya raw gamitin sa paglalaro ng basketball.”

“Binili ko talaga ‘yon para magamit niya sa paglalaro. Napansin ko kasi na parang dalawang sapatos lang ang pinagtitiyagaan niyang gamitin,” sabi niya. “Anong sinabi mo nang itanong niya kung kanino galing?”

“Sabi ko sa kaibigan ko. Sinabi ko rin na ipapakilala kita sa kanya.”

Nakita kong natuwa siya sa sinabi ko. Lumiwanag ang mukha niya at pumuslit ang ngiti sa kanyang mga labi.

“Pwedeng ipapakilala mo na ‘ko sa kanya mamaya?”

“Oo naman.”

“At pwedeng ipaglapit mo na rin kami sa isa’t isa? Gustong-gusto ko kasi talaga siya. Please, kahit ‘yon lang ang gawin mo para sa akin, Kylie?”

I was quiet while walking with Clara. Papunta kami ngayon sa parking area kung saan naghihintay sa amin si Troy. After ng dismissal namin, tinext ko siyang magkita kami sa school garden.

“Kylie, kinakabahan ako.”

Narinig kong sabi ni Clara kaya nilingon ko siya. “Mabait naman si Troy. Huwag kang kakabahan.”

“Alam ko naman na mabait siya pero gano’n naman talaga kapag gusto mo ang isang tao ‘di ba? Yung kakabahan kang lumapit at kausapin siya.”

Ngumiti ako at tumango. Habang naglalakad, hindi ko maintindihan kung bakit mabigat ang pakiramdam ko. Parang ang bigat at hirap din ihakbang ng mga paa ko. Tila ayaw nilang pumunta sa school garden. Pakiramdam ko’y pinipigilan nila ako sa gagawin ko.

Game Changer Onde histórias criam vida. Descubra agora