Day 27: Cordovez Brothers

120 7 0
                                    

[Day 27: Cordovez Brothers]

KYLIE'S POV

Maingay at tuwang-tuwa ang mga kasabayan naming naglalakad ngayon palabas ng court. Maganda at exciting ang naging basketball match ng school namin at school nila Troy sa finals. School namin ang nanalo sa Game 2 na nangyari kaninang umaga at school pa rin namin ang nanalo ngayong Game 3 na katatapos lang kaya ang school namin ang nag-champion.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng suot kong pantalon nang tumunog ito. Binasa ko ang dalawang messages na natanggap ko galing kay Troy.

From: trxy
Kylie?
Received: 4:56pm

From: trxy
Nasa'n ka? Sabay na tayo. Hatid kita?
Received: 4:56pm

Nagulat ako nang biglang hablutin sa akin ni Helen ang cellphone. Aagawin ko na sana pero pinigilan niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero tawa lang ang ibinalik niya sa akin.

"Sige. Hintayin kita dito sa school lobby," sabi niya habang nagta-type sa cellphone ko.

Wow. Siya na mismo ang nag-reply para sa akin. Hindi man lang ako tinanong kung okay lang ang tinext niya. Baliw din talaga 'tong si Helen. Tss!

"Ayan. Hehe," nakangising sabi niya, sabay abot ng cellphone ko pabalik.

"Malala ka na," nasabi ko na lang pero tinawanan niya lang ito.

Naupo muna kami habang naghihintay sa pagdating ni Troy. Hindi pa man nag-iinit ang puwitan namin sa couch na kinauupuan namin ay tumayo bigla si Helen at humarap sa akin.

"I will go ahead first. Pinapauwi pala ako nang maaga ni Mama," aniya.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo. "Teka lang! Iiwan mo 'kong mag-isa matapos mong papuntahin si Troy dito?"

"Sorry, Kylie," sabi niya. "Kaya mo na 'yan. Hindi ka naman gagawan ng masama ni Troy 'no."

"Hindi naman sa gano'n pero—"

"Bye, Kylie!" paalam niya at saka tumakbo paalis.

Wala na akong nagawa kundi bumalik sa pagkakaupo. Napasimangot ako sa ginawang pang-iiwan sa akin ni Helen. Hindi na sana niya tinext si Troy kung iiwan niya lang din ako. Nahihiya kasi akong makaharap si Troy. I don't know why I'm feeling awkward with Troy after the marriage booth. Hays!

Ilang sandali pa at dumating na ang hinihintay ko. Suot niya pa rin ang jersey ng school nila at may nakasukbit sa balikat niya na sports bag. Naiilang akong ngumiti nang ngitian niya ako.

Bago lumabas ng school ay dumaan muna kami ng men's room. Nagpalit muna siya ng kanyang damit. Naka-white shirt at pants na lang siya paglabas namin ng school.

"Ako nang magdadala ng bag mo," pagprisinta niya habang naglalakad kami.

"Hindi na. Magaan naman 'to."

"Nagutom ako dahil sa paglalaro kanina. Okay lang ba kung dumaan muna tayo sa isang kainan?"

"Yeah, sure. May alam akong malapit na food park dito."

Sumakay kami ni Troy sa isang tricycle papunta sa sinabi kong food park. Hindi naman ito kalayuan kaya 10 minutes lang ay nakarating na agad kami. Traffic sa dinaanan namin kaya medyo na-stuck pa kami.

Naglakad kami sa open area kung sa'n nagkalat ang mga food truck and stalls sa paligid at nasa gitna naman ang mga mesa at upuan. Ang daming tao. Shocks!

"Noon, hindi ko magawang pumunta sa maraming tao pero ngayon, nagiging madali na lang sa akin. Because of your encouragement, I can do things now that I think it's impossible to happen then. I'm really thankful to you, Kylie."

Game Changer Where stories live. Discover now