Day 19: Letting Go

128 9 0
                                    

[Day 19: Letting Go]

KYLIE'S POV

Tama ba ang naging desisyon ko? Tama ba na binitawan ko si Jordan kahit alam kong mahal na mahal ko pa rin siya at mahihirapan akong kalimutan siya? Kailangan ko ba talagang magparaya kahit ako ang masaktan?

Ang hirap. Ang sakit. Bakit nangyayari 'to sa akin? Ano bang masamang ginawa ko at kailangan ko itong pagdaanan? Wala naman akong ibang ginawa kundi ang magmahal lang.

"Hey Kylie?"

"Hm?"

"Okay ka lang? Kanina pa kita kinakausap pero parang hindi ka nakikinig."

"Sorry. Marami lang iniisip. Ano nga ulit ang sinasabi mo?"

"Nevermind. I think you need to go home and have some rest. Bukas na lang natin ipagpatuloy ito," wika ni Joan Laude, co-organizer ko sa hinahanda naming activity para sa Intramurals week.

"Sige. Thank you," nakangiting sabi ko.

I'm always spacing out. Ilang araw na akong ganito simula nang magparamdam ulit si Jordan. Hindi na ako maka-concentrate sa mga ginagawa ko. Hindi pa rin ako matahimik kahit pinutol ko na kahapon ang namamagitan sa amin ni Jordan.

Nagparaya ako. I became selfless. I should be proud of myself pero hindi ko magawang maging masaya. Parang labag sa kalooban ko. Gusto kong bawiin ang naging desisyon ko at bumalik kami sa dati ni Jordan. Nakakatanga. Ang hirap palayain ng taong una mong pinapasok sa puso mo.

Nakalabas na ako ng campus at naglalakad papuntang sakayan nang tumunog bigla ang cellphone ko. Napahinto ako at tiningnan ang natanggap kong message mula kay Troy na kahapon pa nagte-text sa akin.

From: trxy
Hi! Pang-ilang message ko na ito ngayong araw pero hindi ka pa rin nagre-reply 😔 May problema ba?
Received: 5:21pm

From: trxy
Kahapon ka pa hindi nagre-reply sa mga text ko. Okay ka lang? Anong problema?
Received: 5:23pm

From: trxy
May nangyari ba? You can tell me.
Received: 5:23am

From: trxy
Kylie?
Received: 5:24pm

To: trxy
Sorry. Wala lang ganang mag-text.
Sent: 5:25pm

From: trxy
Bakit? May problema ba?
Received: 5:25pm

Nagta-type sana ako ng reply kay Troy nang may biglang humawak sa braso ko at hilahin ako nito papunta sa isang eskinita na madalang daanan ng mga tao. Halos humiyaw na ako dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa akin. Huminto ito at saka ako binitawan.

"Eunice?" bulalas ko saka napakunot noo. "Anong problema mo? Bakit mo ako dinala rito?"

"Bakit nagkita kayo ni Jordan kahapon? Anong pinag-usapan ninyo?"

"It's none of your business," sagot ko.

"Stop seeing Jordan and stay away from him! For your information, magkakaroon na kami ng anak!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko kayang pakinggan. Parang kutsilyo ang mga sinasabi niya na unti-unting bumabaon sa puso ko. Sobrang sakit.

"Alam ko na buntis ka at siya ang ama kaya huwag ka nang masyadong praning. Nakipaghiwalay na ako sa kanya para panagutan ka niya," sabi ko na pilit humugot ng lakas para sabihin 'yon.

"So, what? Do you want me to thank you for that? You wish!" nakangisi nitong sabi. "Dapat lang na maghiwalay kayo. Hindi kayo ang para sa isa't isa. Hindi—"

Isang malakas na sampal sa pisngi ang binigay ko sa kanya dahilan para matigil siya sa pagsasalita. Kumawala ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilang sumabog dahil sa bigat ng nararamdaman ko ngayon.

"You have no right to talk to me like this! Ang kapal ng mukha mo! Ikaw na nga ang sumira sa magandang relasyon namin, ikaw pa ang may lakas ng loob para maging ganito?!"

"How dare you?!" galit niyang sigaw habang hawak ang pisngi. Akmang sasampalin niya rin ako pero agad kong nahawakan ang kamay niya.

"Tumigil ka na, Eunice. You are soon to be a mother so stop being a bitch!"

Ayaw pa rin niyang magpapigil kaya umalis na lang ako sa lugar na iyon at iniwan siya. Wala akong interest na makipagtalo pa sa kanya. Ginawa ko na ang tama kaya wala na akong pakialam.

Pagdating ko ng bahay, hindi ko inaasahan na makikita ko si Jordan. Kasalukuyan niyang kausap si Mama at natigil lang sila nang dumating ako. Agad siyang tumayo at ngumiti sa akin pero hindi ko 'yon pinansin.

"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyon kong tanong.

"Kylie, gusto kong mag-usap tayo."

"Wala na tayong dapat pag-usapan. Tinapos ko na ang lahat sa atin 'di ba?"

"Anak, kailangan ninyong mag-usap," sabi ni Mama at lumabas ng bahay para iwan kaming dalawa.

"Jordan, umalis ka na. Tapos na tayo."

Tinalikuran ko siya at akmang pupunta na sa kwarto pero bigla niya akong niyakap mula sa likod kaya natigilan ako. Napapikit ako at sinubukang pigilang umiyak pero nabigo ako.

"Babe, mahal kita. Ayokong maghiwalay tayo."

"Jordan, please! Huwag mo nang gawing komplikado ang lahat. Hindi na tayo pwedeng magkabalikan. May responsibilidad ka na sa ibang babae."

Pinilit kong alisin ang pagkakayakap niya sa akin. Nang makawala sa kanya, naglakad na ulit ako papuntang kwarto pero muli akong napahinto sa sinasabi niya.

"Babe, nagkamali ako at pinagsisisihan ko 'yon. Please give me another chance. Everybody deserves a second chance, right?"

Pumihit ako paharap sa kanya. Nagtagpo ang mga mata naming puno ng mga luha. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago sagutin ang sinabi niya.

"Yeah, everybody deserves a second chance but it depends on the situation."

"Bakit ang bilis mong bumitaw? Hindi mo na ba ako mahal?"

"God knows how much I love you, Jordan! Gustong-gusto kitang bigyan ulit ng chance. Gusto kong bumalik ulit tayo sa dati. Kung wala lang apektado na piliin ko ang sariling kaligayahan, tatanggapin ulit kita at kakalimutan ko ang nangyari. Pero hindi ko kayang maging makasarili. So, please, Jordan? Tumigil ka na."

"I will not stop pursuing you until we get back together."

"Stop it Jordan! Please? Pinagbawalan na ako ni Eunice na lapitan ka."

"Huwag kang makinig sa kanya. Wala siyang karapatan para pagbawalan ka."

"May karapatan siya dahil ikaw ang ama ng pinagbubuntis niya!"

"Hindi naman tayo sigurado na ako talaga ang nakabuntis sa kanya."

"What do you mean?" nagtataka kong tanong.

"Isang beses lang na may nangyari sa amin," wika niya. "Kilala natin siya 'di ba? She's a playgirl. A terrible flirt. Marami siyang nakakasamang lalaki."

Natigilan ako sa sinabi niya. Gumulo bigla ang isipan ko at nagsimulang mapaisip. Posible nga bang hindi siya ang nakabuntis kay Eunice?

Game Changer Where stories live. Discover now