[Day 3: Confused]
From: Kylie
Ohayo, babe! It's so cold!! Kagabi pa umuulan. Sarap nga ng tulog ko, eh. Ayaw ko pa sanang bumangon kaya lang may pasok pa. Tss! Btw, suot ko nga pala ngayon ang jacket na niregalo mo sa akin noon. Pakiramdam ko, yakap mo na rin ako. Hihi.
Received: 6:42amFrom: Kylie
Babe, nakakainis! Papasok na ako ng school nang biglang may dumaang sasakyan sa harapan ko. 'Yung tilamsik tuloy ng tubig-ulan sa daan napunta sa akin. Buti na lang suot ko ang jacket mo. Naisip ko tuloy na kahit wala ka sa tabi ko, you're still protecting me.
Received: 6:58amFrom: Kylie
Babe, classroom na ako. 'Pag hindi na ako naka-text, that means, may klase na kami.
Received: 7:08amFrom: Kylie
Babe, pasensiya na kung maghapon akong hindi nakapag-text. Sobrang busy, eh. Nangako ako sa 'yo na mag-aaral ako nang mabuti 'di ba? Kaninang umaga, puro kami discussion. Pagdating naman ng hapon, may PE kami at naglaro ng sports kaya hindi ko masingit ang pag-text. Sorry, babe.
Received: 6:58pmFrom: Kylie
Babe, huwag kang magtampo 'pag hindi ako nakakatext, ah.
Received: 7:00pmFrom: Kylie
Babe, kain lang ako.
Received: 7:05pmFrom: Kylie
Babe, katatapos ko lang kumain ng dinner. Balak ko sanang manood ng tv nang maalala kong kailangan kong mag-sulat ng tula para sa Filipino subject namin. Any theme daw basta may tugma, tatlong saknong at apat na taludtod. To be present tomorrow in front. Ano kayang isusulat ko?
Received: 7:21pmFrom: Kylie
Mamaya na lang, babe. Susubukan ko munang gumawa ng tula.
Received: 7:22pmFrom: Kylie
Babe, I made it! Hindi ko akalain na makakagawa ako ng tula. Gusto mo bang mabasa? Sige, wait lang.
Received: 8:40pmFrom: Kylie
Nangungulila sa mga yakap mo
Hinahanap ang presensiya mo
Ang isip ko ay nalilito
Kailan ka babalik sa piling ko?
~
Ako'y naguguluhan at nalulumbay
Hindi makuntento at mapalagay
Pakiramdam ko'y wala akong buhay
Gusto ko nang mahawakan ang iyong kamay
~
Kahit anong mangyari ay mamahalin kita
Kaya bumalik ka na at magpakita
Handa akong intindihin at pakinggan ka
Maghihintay ako sa pagbabalik mo sinta
~
Ano, babe? Okay na ba 'yan? Tungkol 'yan sa 'yo kasi wala akong ibang maisip kundi ikaw. Sobra-sobrang miss na talaga kita.
Received: 8:43pmFrom: Kylie
Bahala na. 'Yan na ang tula ko. Kapagod mag-isip, eh. Alam mo naman na tamad rin ako minsan. Haha.
Received: 8:45pmFrom: Kylie
Babe, matutulog na ako. Gusto kong maagang matulog ngayon. Sakit kasi ng katawan ko dahil sa PE kanina. Gusto na rin kitang mapanaginipan.
Received: 8:47pmFrom: Kylie
Sa panaginip na lang kasi kita nakakasama, nayayakap at nahahagkan. Oo, babe. Nasa panaginip kita lagi kaya gusto ko nang matulog. See you in my dreams! Mahal kita. Good night.
Received: 8:50pmTROY'S POV
Napabuntong hininga ako matapos mabasa ang huling message ni Kylie sa araw na ito. Pinatong ko sa bedside table ang cellphone at saka ako nahiga sa kama. Napatitig ako sa kisame at nag-isip.
Sobra namang mahal ni Kylie ang boyfriend niya at base sa mga kuwento niya, mukhang mahal din siya nito. Pero nakakapagtaka lang kung bakit kaya tatlong linggo na itong hindi nagpaparamdam sa kanya? Ano kayang nangyari dito? Posible bang may nangyari sa kanila kaya hindi na ito nagpakita?
Mariin akong napapikit at tumagilid sa pagkakahiga. Ano kayang mangyayari kapag nalaman niyang hindi na ang kanyang boyfriend ang nakakatanggap ng message niya? Magagalit ba siya sa akin? Kung i-text ko na kaya siya?
Hays. Nagtatalo ang puso at isip ko. Dahil nakokonsensiya ako, tinutulak ako ng isip kong i-text na siya at sabihin ang totoo pero todo pigil naman itong puso ko dahil parang natutuwa ito kapag nababasa ang message niya. Naguguluhan na ako! Ano bang dapat kong gawin?
BINABASA MO ANG
Game Changer
Teen FictionTroy Kieron Cardenal became antisocial because of an embarrassing experience he had in his elementary days, a reason why he's still single since birth. But, his normal life will suddenly change after buying a lost cellphone from his friend. For the...