Chapter 13: Moment of heartbreak

154 12 2
                                    

[Chapter 13: Moment of heartbreak]

KYLIE’S POV

Paggising ko ngayong umaga, hindi na ako nagulat pa nang makitang medyo namamaga ang mga mata ko. Anong oras na nga ba ako tumigil kakaiyak kagabi? Hindi ko nga alam kung anong oras na rin ako nakatulog.

Kahit ramdam ko ang antok at wala akong ganang pumunta ng school, kailangan kong pumasok. May quiz kami sa dalawang subject at may gagawing activity sa isa pang subject.

Matapos ng pag-uusap namin ni Troy kagabi, iniwan ko na siya sa labas ng apartment. Dire-diretso akong pumasok sa loob ng kwarto at dinaanan lang sina Helen at Russel sa sala. Ilang beses akong kinatok ni Helen pero hindi ko siya pinagbuksan. Nanatili lang akong nakahiga sa kama habang dinadaan sa pag-iyak ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko gustong gawin ‘yon kay Troy pero ayaw ko rin naman na madismaya si Clara. Wala na akong maisip gawin. Masyado na akong naipit sa sitwasyon naming tatlo. Pero bakit gano’n? Akala ko magiging okay na ang lahat. Akala ko magiging ayos lang ako kapag ginawa ko ‘yon. Hindi pala. Ang sakit sa puso. Nakakadurog.

Nakasuot na ako ng uniform paglabas ko ng kwarto. Nagulat ako nang hindi lang si Helen ang naabutan ko sa dining area. Kasama niya rin sa pagkain ng agahan si Russel at Troy na nakasuot ng uniform. Agad akong napaiwas ng tingin nang magsalubong ang paningin namin ni Troy.

Balak ko sanang bumalik sa kwarto kaya lang natigilan ako nang tawagin ako ni Helen at ayain maupo. Wala na akong nagawa kundi ang ilagay muna sa sofa ang bag ko at makisalo sa kanila. Naupo ako sa tapat ni Helen at kung pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana ay sa tabi pa talaga ni Troy.

Hindi tuloy ako mapakali. Matapos ang pag-uusap namin kagabi, talagang naisipan niya pang pumunta rito? Mugto pa naman ang mga mata ko at halatang puyat. Paano kung mapansin nila ito? Hays! Bakit kasi kay aga-aga ay nandito ang dalawang ito?

“Your eyes are swollen. Did you cry last night?” nag-aalalang tanong ni Helen.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Naku! Ito talagang si Helen, pahamak. Bakit nilalaglag niya ako ngayong araw? Nakakainis siya.

Pilit akong ngumiti. Mabuti na lang at may naisip akong dahilan. “Pinasahan kasi ako no’ng kaklase ko ng movie. Pinanood ko kagabi. Hindi ko alam na sobrang nakakaiyak pala,” I said and faked a laugh.

“Gano’n? Pasahan mo rin ako at nang mapanood ko mamaya,” sabi niya kaya napaisip ulit ako ng palusot.

“Ay, na-delete ko na. Pagkatapos kong mapanood kagabi, binura ko agad.”

“Ngek. Sayang naman,” saad niya saka napanguso. “Nga pala, maaga silang pumunta rito para sumabay sa atin sa pagpasok,” sabi ni Helen at tumango lang ako.

“Ewan ko ba kung anong naisip nitong si Troy at tinawagan ako nang maaga para lang pumunta kami rito at makasabay sa in—” Naputol ang sinasabi ni Russel nang mapansin kong sinamaan siya ng tingin ni Troy.

“Nagrereklamo ka? Ayaw mong makasabay kami?” tanong ni Helen kay Russel na naniningkit ang mga mata.

“Hindi naman gano’n, mommy. Syempre gusto kong palagi kitang kasama,” sagot ni Russel.

Nagpatuloy lang sa ka-sweet-an ang dalawa habang tahimik naman kaming dalawa ni Troy. Pero ilang sandali lang ay tumingin siya sa akin at nginitian pa ako na parang walang nangyari sa aming dalawa kagabi.

Game Changer Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt