Chapter 8: Reliable

149 11 0
                                    

[Chapter 8: Reliable]

KYLIE’S POV

Dalawang linggo na ang nakalipas nang magsimula ang pasukan kaya dalawang linggo na rin ang lumipas nang makita ko ulit si Troy. Sa mga lumipas na araw ay hindi ako tinigilang kulitin ni Troy para suyuin. Araw-araw na hindi ako matahimik dahil sa pangungulit niya. Isali mo pa si Grey na dumagdag din sa kaguluhan.

Last week, nalaman na ni Clara na magkakilala kami ni Troy. Kinabahan ako nang mga oras na ‘yon dahil naabutan niya kaming dalawa ni Troy na nag-uusap sa school garden. Hindi ko malaman kung anong sasabihin kay Clara. Tinawag ko siya para lumapit pero umiling siya bago naglakad paalis.

Akala ko noon ay galit si Clara pero nang lapitan ko siya para kausapin, naging maayos naman. Hindi siya galit. Hindi raw siya lumapit dahil nahihiya siya kay Troy. Baka raw kasi maging engot siya sa harapan ng crush niya.

Tinanong niya ako kung paano kami nagkakilala ni Troy. Sinabi ko lang na galing kami sa parehong probinsya pero hindi ko binanggit sa kanya kung paano mismo kami nagkakilala ni Troy. Hindi ko rin sinabi na nanliligaw si Troy. Hindi ko alam kung paano sasabihin dahil hindi ko alam kung anong kalalabasan kapag sinabi ko ‘yon. Si Clara ang unang taong naging close ko sa school at ayaw ko naman na magkasira kami dahil sa isang lalaki because I valued friendship so much.

Unti-unti na ring nawawala ang sama ng loob ko kay Troy. Kita ko naman ang todo effort niya para suyuin ako. Ramdam ko pa rin yung dating pakikitungo niya sa akin noon. He’s still caring, understanding and affectionate towards me.

Alas nuwebe na nang umaga pero nasa bahay pa rin ako. Tinapos ko kasi ang project na kailangan i-submit today. Okay na sana ito kagabi kaya lang natapunan ko ng tubig kanina kaya nasira at kinailangan kong ulitin. Napatingin ako sa tumunog kong cellphone na nakapatong sa study table. Inabot ko ito at sinagot ang tawag ni Clara.

“Nasa’n ka na? Nandito na si Prof,” bungad niya agad.

Napabuntong-hininga ako. “Paalis na ako, Clara. Naghihintay lang ako ng masasakyan. Wala pang dumadaan, eh. Pa’no kapag hindi ko naabutan si Prof?”

“Don’t worry. Ako nang bahalang gumawa ng paraan. Kakausapin ko si Prof basta makapunta ka na agad dito.”

“Sige, sige, salamat!”

Nakakainis naman. Bakit kung kailan ako nagmamadali ay saka naman walang masasakyan? Paano ako makakahabol sa lagay na ‘to?

Ilang minuto pa ang nagdaan at hindi pa rin ako nakakasakay. Wala pa rin dumadaan na sasakyan. May idea na sana akong naiisip para ma-solve ang problema ko kaya lang ay nagdadalawang-isip pa ako. Hanggang sa wala na talaga akong choice kundi ang kunin ang cellphone ko at tawagan siya. Ilang ring lang ay sinagot agad nito.

“Nasa’n ka?” bungad ko. “May klase ka ba ngayon?”

“Wala, bakit?”

“P-Pwedeng pumunta ka ngayon dito sa apartment at sunduin ako? Nagmamadali kasi akong pumunta ng school kaya lang walang masasakyan, eh,” nahihiyang tanong ko. “Kung okay lang naman at hindi ka busy.”

“Pagdating sa ‘yo, walang busy-busy sa akin. I’m always available for you,” sabi niya. “On my way na ako.”

“Sige, hihintayin kita. Thank you, Troy.”

Naghintay na lang ako sa labas ng apartment. Ang bilis lang niyang nakarating. Mas matagal pa akong naghintay kanina sa pagdaan ng masasakyan kaysa sa pagdating niya.

“Troy Kieron, at your service, miss beautiful,” nakangiting sambit niya nang dumating siya sa tapat ng apartment.

Ngumiti lang ako bilang tugon. May kinuha siyang helmet at siya na mismo ang nagsuot nito sa akin. Umangkas na ako sa motor niya para makaalis na kami. Nagulat ako nang kunin niya ang dalawa kong kamay at ipaikot ito sa beywang niya.

Game Changer Where stories live. Discover now