Day 28: Confession

125 10 0
                                    

[Day 28: Confession]

KYLIE'S POV


Tinanghali na 'ko ng gising ngayong araw. Mabuti na lang at wala namang pasok dahil Sabado. Nakakapagod ang nagdaang mga araw kaya bumawi ako sa tulog. Napuyat din ako kaiisip kung saan nagpunta ang mga Kuya ko kasama si Troy kahapon.

Paglabas ko ng kwarto ay dumiretso ako papuntang kusina. Naabutan kong may sermon na nangyayari sa pagitan nina Mama, Kuya Kyle at Kuya Kevin sa sala.

"Sorry na, Ma. Hindi na 'yon mauulit," malambing na sabi ni Kuya Kyle.

"Hindi niyo ako madadaan sa sorry na 'yan! Kay tatanda niyo na pero nagawa niyo pa ring umuwi nang madaling araw na lasing!" galit na sigaw ni Mama. "Ikaw Kevin! Ikaw pa naman ang panganay na inaasahan namin ng Papa mo na gagabay sa mga kapatid mo pero maging ikaw ay pasaway din?"

"Pasensiya na po, Ma. May kinausap lang po kami ni Kyle kagabi tapos ayon, nagka-inuman na diretso," sabi ni Kuya Kevin.

Napakunot noo ako sa mga naririnig ko. Umuwi ang mga Kuya ko nang madaling araw na lasing? Napanganga ako sa biglang naisip ko. So, nag-inuman sila kahapon?

"Mga Kuya, totoo bang nag-inuman kayo kahapon?" panghihimasok ko sa usapan.

"Ano pa nga ba?" sagot sa akin ni Mama. "Diyos ko! Huwag kang tutulad sa mga Kuya mong 'to, Kylie!"

Galit na nag-walkout si Mama. Naiwan kaming tatlong magkakapatid. Lumapit ako sa dalawa kong Kuya na nakaupo sa mahabang sofa. Naupo ako sa pagitan nila para maki-tsismis sa nangyari kahapon.

"Kuya, what about Troy? Lasing din ba siya?" tanong ko.

"Bakit bunso? Concern ka ba sa kanya?" sagot ni Kuya Kyle saka ngumisi kaya napangiwi ako't umirap.

"Oo, lasing din siya." Kay kuya Kevin ako nakakuha ng matinong sagot.

"Hala! Bakit niyo pa kasi siya inaya? So, pa'no siya nakauwi kagabi kung lasing siya?"

"Don't worry, bunso. May tinawagan kami sa contact niya kaya may sumundo sa kanyang babae," nakangising sabi ni Kuya Kyle.

"Babae?" kunot noo kong tanong.

"Oo. Selos ka?"

"Hindi, ah!" giit ko.

"Mamatay man?"

"Kuya Kyle! Stop teasing me!" inis kong sigaw sa kanya pero tinawanan lang niya ako.

Mapang-asar talaga 'tong si kuya Kyle kahit kailan. No'ng nalaman niyang crush ko noon si Jordan, walang tigil siya sa pang-aasar sa akin. Then, heto na naman siya ngayon. Tss.

Patuloy sa pang-aasar si Kuya Kyle pero inawat na siya ni Kuya Kevin. Kinabahan ako dahil biglang nagseryoso si Kuya sa pagkausap sa akin.

"Maraming nakuwento sa amin si Troy. Pero huwag kang magalit sa kanya dahil pinilit talaga namin siyang magsalita. Piniga namin siya ng mga tanong kahapon dahil napansin namin ang biglang pagbago mo," wika ni Kuya Kevin.

Dumoble ang kaba ko sa sinabi ni Kuya. Marahil may alam na sila sa nangyari sa amin ni Jordan. Seryoso silang nakatingin sa akin at naghihintay na may sabihin ako pero hindi ako kumibo. Napayuko lang ako.

"Totoo ba na wala na kayo ni Jordan at niloko ka ng lalaking 'yon?" mariing tanong ni Kuya Kevin. "Sumagot ka, Kylie."

"Oo, kuya. Wala na kami dahil may nabuntis siyang babae," utal-utal kong sagot.

"Walang hiyang Jordan 'yon!" galit na sigaw ni Kuya Kyle.

Napakagat labi ako para pigilan ang sarili kong huwag umiyak pero kahit anong pagpigil kong hindi palabasin ang mga luha ay kumawala pa rin sila. Sa tuwing naaalala ko ito, nasasaktan ako at hindi ko talaga mapigilang umiyak.

Game Changer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon