Chapter 7: Be the best man win

173 12 0
                                    

[Chapter 7: Be the best man win]

KYLIE’S POV

No’ng sandaling mapasulyap ako sa pinto ng classroom at makita si Troy, hindi na nawala ang paningin ko sa kanya. Ilang sandali akong natigilan habang nakatitig lang sa kanya. Gulat at ‘di malaman ang gagawin. Hindi ko inaasahan na pupunta siya rito sa classroom at sasabayan ako sa pag-lunch.

Jusmeyo Helen! Bakit si Troy?

Mabuti na lang at wala na si Clara. Kanina pa siya lumabas ng classroom kasama ang ilan kong kaklase. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kapag nalaman niyang kilala namin ni Troy ang isa’t isa at minsan na itong nag-confess ng feelings sa akin.

“Anong ginagawa mo rito?” pagsusungit ko.

“Sasabayan ka sa pag-lunch,” nakangiting sagot niya.

Umirap ako at pinagpatuloy ang pagligpit ng mga gamit sa loob ng bag. Magsasalita ulit sana ako kaya lang ay biglang sumulpot sa gilid ni Troy si Grey kaya natigilan ako.

“Uy, look, who’s here? Parang may naligaw na Architecture student dito sa building natin,” nakangising wika nito at binalingan ng tingin si Troy. “Anong sadya mo at nandito ka, Cardenal?”

Hindi ito sinagot si Troy. Naka-focus lang ang paningin niya sa direksyon ko. Bakit pakiramdam ko ay hindi maganda ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa? May something kaya sa kanila?

Sinundan ni Grey ang tingin ni Troy kaya napunta rin ang paningin nito sa akin. Nakakunot noo na ito nang muling binalingan si Troy.

“Teka. Si Kylie Cordovez ba ang ipinunta mo rito?”

“Oo—”

“Hindi,” mariin kong sabi kaya natigilan si Troy sa sinasabi niya.

Biglang ngumisi si Grey at umiling. “Ow, magkaiba ang sagot niyo.”

Matapos kong maligpit ang mga gamit, naglakad na ako palabas ng classroom at nilampasan ang dalawa. Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Troy.

“Kylie...” sambit niya na nasa gilid ko at sumabay sa paglalakad. “Sorry na. Huwag ka nang ganito, please?”

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ng cafeteria. Agad akong pumila sa counter para bumili ng makakain. Nakabuntot pa rin sa likuran ko si Troy.

Matapos makabili, naghanap ako ng bakanteng mesa. Ilang sandali pa lang akong nakakaupo ay dumating na rin si Troy dala ang kanyang pagkain at naupo sa harapan ko. Hindi ko siya pinansin. Tahimik akong nagsimulang kumain.

“Kumusta ka?” tanong niya.

Wala akong imik. Patuloy lang ako sa pagnguya ng kinakain ko. Hindi rin ako tumitingin sa kanya. Malayo ang nararating ng mga mata ko para lang makaiwas sa tingin niya.

“Hanggang kailan mo ‘ko hindi papansinin? Nami-miss ko na ang kuwentuhan natin. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi ko na itinuloy ang prank,” malungkot niyang sabi at bumuntong-hininga. “Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ‘ko?”

He doesn’t need to do anything. I just want him to realize that the prank wasn’t funny at all. Na dapat hindi niya—nila ‘yon ginawa. It wasn’t a good joke.

“Ang drama. Ano ba kasing ginawa mo at parang galit siya sa ‘yo?” natatawang tanong ni Grey na biglang sumulpot sa table na inuukupa namin.

Pareho kaming napatingin ni Troy sa kanya. Bitbit nito ang tray na kinalalagyan ng kanyang pagkain at nakangising umupo sa tabi ko. Nakakunot ang noo ni Troy nang sandali ko siyang mapasadahan ng tingin.

Game Changer Where stories live. Discover now