Day 30: Farewell

164 10 1
                                    

[Day 30: Farewell]

KYLIE'S POV

Anong oras na natapos ang kasiyahan kagabi sa birthday debut ko. May ilang umuwi na pero mayro'n pa rin nanatili. Nag-sleepover na nga si Helen sa bahay. Nagsiksikan kaming dalawa sa kama. Tinulungan niya rin akong magbukas ng mga natanggap kong regalo mula sa mga bisita.

Isang magandang pouch ang niregalo niya sa akin. Laptop naman ang natanggap ko mula kay Papa at Mama. Kay Kuya Kevin ay sapatos at dress naman kay Kuya Kyle. 'Yung kwintas na regalo ni Troy ang una kong nabuksan.

Panay tukso pa nga sa 'kin si Helen kagabi bago kami matulog. Binabalikan niya ang mga nangyari sa amin ni Troy. Kilig na kilig ang loka. Tinulugan ko nga at nang matahimik na.

Ngayong araw ay sabay kaming pumasok ng school. Pinahiram ko muna siya ng uniform ko. Last week lang ang Intramurals pero back to normal na ulit ang klase. Lumipas ang buong araw na walang ibang ginawa kundi discussion.

Nagliligpit na ako ng mga gamit sa loob ng bag nang may makuha akong text message mula kay Troy. Halos nakalimutan ko na ang napag-usapan namin kagabi na magkikita kami ngayong araw.

From: trxy
Nasa labas na 'ko ng school niyo. Hihintayin kitang lumabas.
Received: 4:42pm

To: trxy
Sige, uwian na rin. Lalabas na ako.
Sent: 4:43pm

"Ayieee. Magkikita sila," panunukso ni Helen.

"Ang hilig mo talagang sumilip at magbasa ng text message sa akin, 'no?" nakasimangot kong sabi sa kanya.

Ngumiti lang siya tapos biglang lumapit sa akin. "Ang haggard mong tingnan, Kylie! Teka at lalagyan kita ng konting makeup para naman hindi ma-off si Troy sa 'yo."

"Helen, hindi mo na kailangan—"

"Hush," sambit niya kaya natigil ako sa balak kong pagreklamo.

Kumuha siya ng kung ano sa kanyang bag. Pinahiran niya ng facial cream ang mukha ko at saka nilagyan ng pulbos. She brushed a little amount of blush on my cheeks and put me a lipstick. Sinuklay niya ang nakalugay kong buhok at saka ako pinasadahan ng tingin.

"Okay na. You can go," saad niya.

"Even I really don't like what you did on my face, still, thank you," sabi ko.

Pinauna na akong paalisin ni Helen. Tinanong ko siya kung gusto niyang sumama pero tumanggi siya. Ayaw niya raw makasira ng date namin. As if naman na date ang tawag sa paglabas naming ito ni Troy. Well, friendly date.

Nang makalabas ako ng campus, namataan ko si Troy na nakaupo sa kanyang motor habang abala sa kanyang cellphone. Hindi niya ako napansin kaya palihim akong naglakad palapit sa kanya at saka siya ginulat. Tawang-tawa naman ako sa ginawa ko dahil muntik na siyang mahulog sa motor at maitapon ang cellphone.

Nag-peace sign ako matapos matigil sa katatawa. "Sorry, na-possess lang ng malokong espiritu."

Ngumiti lang siya at umayos ng pagkakaupo sa kanyang motor. Napatingin siya sa leeg ko. "Suot mo ngayon."

"Ang ganda kasi," nakangiting saad ko. "Sa'n nga pala ang punta natin?"

"Basta. Heto, isuot mo at sumakay ka na para makaalis na tayo," aniya matapos akong abutan ng helmet.

Game Changer Where stories live. Discover now