Chapter 3: New fellows

166 10 0
                                    

[Chapter 3: New fellows]

KYLIE’S POV

Sabay kaming pumasok ngayong araw ni Helen. Dahil mga baguhan pa lang kami, ayaw namin mag-isang pumasok. Nakasuot muna kami ng civilian dahil allowed pang hindi mag-uniform sa first week of class.

Simple lang ang suot ko, white blouse partnered with denim jeans and a pair of white sneakers. Si Helen naman ay nakasuot ng stripe fitted dress which is above the knee and also a pair of white sneakers. Matchy-matchy kami pagdating sa sapatos. Pareho din kami ng style ng mini backpack pero magkaiba ang kulay. Sa kanya ay pink leather bag habang black leather bag naman sa akin.

At dahil ito ang unang araw namin sa bagong school, nagprisinta ang boyfriend ni Helen na susunduin kami nito dahil nasa same school lang din ito nag-aaral. Ito nga ang nag-introduce ng school kay Helen. BS in Architecture ang course nito.

Pumasok ang kotse ni Russel sa magandang gate ng school at pumarada sa malawak na parking area. Pagbaba namin ng sasakyan, napatulala ako sa bumungad sa akin. Umawang nang konti ang bibig ko habang pinagmamasdan ang paligid.

“Dito tayo mag-aaral?” tanong ko kay Helen.

“Hindi. Dito tayo magbebenta ng kakanin,” pagbibiro niya. “Aba, syempre! Dito tayo mag-aaral.”

Napangiti ako. Kung gaano kalawak ng campus, gano’n din yata ang ngiti ko ngayon. Dahil wala ako noong enrollment, ngayon ko lang nakita itong school. Ganito pala ang school dito sa Maynila. Masyadong malaki, maganda at sosyal. Nakakalula ang lawak at taas ng ilang buildings. Walang sinabi rito ang dati kong school sa probinsya.

Humiwalay na ako sa love birds at nagkasundo na magkikita mamayang lunch. Nagtungo na ako sa isang building kung saan ang medicine course. Out of four floors, nasa second floor ang classroom ko. Agad akong pumasok sa loob. Bumungad sa akin ang classroom na kaunti pa lang ang estudyante.

Napayuko ako matapos matingnan ang kabuuan ng classroom. Naglakad ako at naupo sa gitnang bahagi ng room kung saan may nakatabi akong babae na nakasalamin at ngumiti sa akin.

“Hi! I’m Clara,” bati niya at inilahad ang kamay.

“Nice to meet you. I’m Kylie,” pakilala ko at nakipag-shakehands sa kanya.

“New student ka?” tanong niya at tumango ako. “Oh, welcome. Ako naman ay alma mater na ang school na ito. Dito na ako nag-aral since high school.”

“Talaga? So, high school and college university pala ‘to? Akala ko kasi college school lang ‘to,” sabi ko at nakangiti siyang umiling.

“So, why do you chose medicine?” tanong nito.

“Bata pa lang kasi ako ay gusto ko nang maging doctor. Aside sa nagagandahan ako sa uniform nila, gusto ko rin gumamot ng mga taong may sakit.”

“Same goes. Kaya pagbutihan natin ang pag-aaral para pumasa tayo at maging doctor.”

Ilang sandali pa ang lumipas bago may dumating na professor. Isang middle 40's na babae na may katabaan at halatang strikto. Hindi ko pa nakitang ngumiti simula nang pumasok. Hindi ito nag-lecture at hindi rin daw uso sa kanya ang introduction. Ultimo ang pangalan nito ay hindi sa amin sinabi. Kami na raw ang bahalang umalam.

Inamin nito na strict siyang prof at inconsiderate. Pinaalam nito sa amin ang rules sa kanyang subject. Hindi raw siya nadadaan sa lagay at pakiusap. Kapag bagsak, bagsak. Kinabahan tuloy ako.

Nasa kalagitnaan pa rin si prof ng pagsasalita nang may kumatok sa pinto at biglang bumukas. Iniluwa nito ang isang lalaking matangkad, semi-bald at maganda ang pangangatawan. Napansin kong nagtulukan pa ang mga babaeng nasa unahan ko na animo’y kinikilig.

Game Changer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon