Day 14: Finding out

146 13 0
                                    

[Day 14: Finding out]

KYLIE'S POV

To: trxy
Nasa'n ka na? Nandito na ako sa meeting place natin. Huwag mo naman akong paghintayin ulit nang matagal katulad no'ng dati.
Sent: 2:14pm

From: trxy
Lumingon ka sa likuran mo.
Received: 2:15pm

Napakunot noo ako sa reply niya. Naguguluhan man ay lumingon pa rin ako sa likuran. Nakita ko siyang nakasakay sa kanyang motor habang tinatanggal ang helmet. Inayos niya ang nagulong buhok at diretsong tumingin sa akin. Ngumiti siya nang magtama ang aming mga mata.

Mabilis kong binawi ang aking paningin at napakurap nang ilang beses. What the heck? Ilang segundo ko kaya siyang napagmasdan? Napakagat labi ako sa hiya.

Hindi ako umalis sa pwesto ko. Naghintay lang ako sa paglapit niya sa kinauupuan ko. Nasa labas ako ng isang ice cream shop kung saan sa bawat table ay nasisilungan ng malaking payong.

"Ang init dito. Bakit hindi ka na lang naghintay sa loob?" tanong niya.

"Trip ko lang," ang tanging sagot ko saka itinuro ang upuan sa tapat ko. "Have a seat."

Matapos siyang maupo, nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Wala ata siyang balak magsalita at nang maalala kong antisocial nga pala siya, ako na lang ang nagsalita para basagin ang katahimikan.

"Nag-order na ako habang naghihintay," sabi ko at tumango lang siya.

Geez. This is really awkward. Ganito ba talaga siya ka-unsociable? Paano siya magkakaroon ng girlfriend kung ganito siya ka-mahiyain? Bahagya akong natawa kaya napatingin siya sa akin.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi ka talaga masalita 'no? Bakit ka naging antisocial?" tanong ko pero parang nag-aalangan siyang sumagot. "Sige na. Makikinig ako."

Humugot siya nang malalim na hininga bago nagsalita. "Nagsimula ang pagiging antisocial ko sa isang pangyayari no'ng elementary days ko. May naging terror akong guro noong Grade 4. Nang minsang pinatayo ako nito para tanungin, hindi ako nakasagot kaya sa sobrang takot ko rito ay naihi ako sa short. Pinagtawanan ako ng mga kaklase ko. Nagsimula doon ang panunukso nila kaya simula no'n, nahihiya na akong lumapit sa iba at makipagkaibigan."

Naihi siya sa short sa takot? Some people will find it funny but for the person who experienced this, it can be their worst embarrassing experience that would always remind them until they grow up. At gano'n ang nangyari kay Troy. Minsan lang nangyari ang bagay na 'yon pero dahil sa mga taong paulit-ulit na pinaalala ang sandaling 'yon at tinukso siya, naging ganito siya. He became unfriendly because of that incident.

Some people are wicked. Imbes na tulungan ka at i-cheer up para bawasan ang mabigat mong nararamdaman, mas gagawin pa nilang katawa-tawa ang nakakahiyang nagawa mo.

"Ah, kaya pala," sambit ko. "Minsan talaga dahil sa mga naranasan natin, nagiging ganito o ganyan tayong tao kahit hindi naman gano'n ang ginusto natin."

Napatingin ako sa kanya nang ngumiti siya bigla. What's with this guy? May nasabi ba ako?

"Why?" tanong ko.

"Wala. Ang understanding mo kasi," nakangiting sabi niya.

I suddenly felt conscious of what he said while giving me a discomforting stare. Kaya bago pa man ako tuluyang malamon ng nararamdaman ko, iniba ko agad ang usapan.

"Anyway, gusto kong dalhin mo ako ngayon sa taong nagbenta ng cellphone sa 'yo. Gusto ko siyang makausap."

We decided to leave after we finished the foods we ordered. Nauna siyang maglakad at sinundan ko lang siya. Natigilan ako nang ma-realize kong palapit kami sa dala niyang motor. Nang makalapit na siya rito ay saka lang siya napatingin sa akin.

"Sumasakay ka ba ng motor?" tanong niya pero hindi ako nakasagot agad. "Don't worry, you'll be safe."

Nauna siyang sumakay at sumunod naman akong umangkas sa likuran niya. Hindi ito ang first time kong sumakay ng motor pero bakit kinakabahan yata ako?

"Kumapit ka at baka mahulog ka. Aalis na tayo," sambit niya matapos maisuot ang kanyang helmet.

Napatili ako at wala sa sariling napayakap sa kanya nang umandar kami bigla. Agad naman siyang tumigil. Mabilis akong pumiglas sa pagkakayakap at napakagat sa ibabang labi.

"Sorry," bulalas niya. "Okay ka lang?"

"Oo. Okay l-lang ako. Nabigla lang."

"Pwede ka naman kumapit sa akin para hindi ka—"

"Hindi. Okay lang."

Tumango ito at muling pinaandar ang motor. Napahinga ako nang malalim. Naging alerto na lang ako at umayos sa pakaupo para hindi na ulit mangyari ang kanina.

Pagdating namin sa lugar kung saan nakatira ang nakapulot ng cellphone ni Jordan, agad naming tinungo ang bahay nito. Ilang sandali lang ay nakaharap na namin ito.

"Ikaw pala 'yung girlfriend ng may-ari ng cellphone? Sorry miss kung pinabenta ko sa pinsan ko ang cellphone. Kailangan ko kasi no'n ng pera, eh."

"Pwede niyo po bang ikuwento sa akin ang lahat?" tanong ko rito. "I mean, kung saan at paano niyo po nakuha ang cellphone?"

"Pumunta ako ng bar no'ng gabing 'yon dahil nakipagkita ako sa mga kaibigan ko para mag-inuman. Doon sa mismong inupuan ko sa bar nakuha 'yung cellphone. Kinuha ko ito at hinanap kung sino ang may-ari. Nagtanong-tanong din ako pero walang nag-claim kaya kinuha ko na lang," kuwento nito. "Maraming 'yon text message pero agad kong binura dahil balak ko agad ibenta."

"Natatandaan niyo po ba kung kanino galing ang mga text message?"

"Galing sa mga nagngangalang Mama, Eunice at Kylie."

"Eunice po?" ulit kong tanong at tumango ito. "Sige po. Maraming salamat."

Matapos kong matanong ang mga gusto kong malaman, umalis na kami. Dahil sa lungkot at sakit na nararamdaman ko, natahimik ako at hindi ko na naisip na may kasama ako. Hindi niya naman ako kinulit. Sinabi ko sa kanya na gusto ko nang umuwi. Pumayag siya pero hindi siya pumayag na hindi niya ako ihatid sa bahay. Baka raw kasi may mangyari sa akin dahil parang wala ako sa sarili. Hindi naman ako tumanggi.

From: trxy
Kumusta ka?
Received: 5:49pm

To: trxy
Nagsisinungaling ako kung sabihin kong okay lang ako. Anyway, nakauwi ka na ba?
Sent: 5:50pm

From: trxy
Oo.
Received: 5:50pm

From: trxy
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyo ng boyfriend mo pero wag ka sanang malungkot. Magiging okay din ang lahat.
Received: 5:51pm

To: trxy
Sa tingin mo magiging okay pa kami? Parang may iba na siya eh.
Sent: 5:52pm

From: trxy
Sa tingin mo rin ba ay kaya niyang humanap ng iba?
Received: 5:53pm

To: trxy
Ewan. Baka. Pwede.
Sent: 5:53pm

From: trxy
Huwag ka munang magpadala sa emosyon. Alamin mo muna kung ano ba talagang nangyari sa kanya.
Received: 5:54pm

To: trxy
Paano ko malalaman kung hindi naman siya nagpapakita sa akin?
Sent: 5:55pm

From: trxy
Sorry kung wala akong magawa na pwedeng makatulong pero huwag mong hayaan na lamunin ka ng kalungkutan. Gusto kong masaya ka lang palagi kaya susubukan kong pasayahin ka habang wala ang boyfriend mo.
Received: 5:58pm

Game Changer Where stories live. Discover now