Day 29: 18th Birthday

154 9 0
                                    

[Day 29: 18th Birthday]

KYLIE'S POV

Paggising ko ngayong umaga, ang cellphone ko agad ang una kong inatupag dahil kanina pa ito may natatanggap na text messages. Nang tingnan ko ito, puro birthday greetings and messages ang laman nito galing sa mga close friends ko at mga kakilala.

Short greetings lang ang ibang message pero 'yung mga close friends ko ay nag-effort pa talaga at nag-text sa akin ng long birthday message. Parang maiiyak pa ako sa ibang nabasa ko dahil sobrang touching. Nakangiti ako habang isa-isa kong binabasa ang mga messages. Nawala lang ang ngiti ko nang mabasa ang isang message galing sa taong hindi ko inaasahang magte-text ngayong araw.

From: 09********
Hi Kylie! Hindi ako nagtext para kulitin at guluhin ka. I just want to greet you a happy birthday and wish you happiness. Sorry for everything.
- Jordan
Received: 6:12am

Napabuntong-hininga ako at pinigilang maiyak. Kung wala lang nangyari, sana sobrang saya at excited ko ngayong birthday ko. Sana abala na ako ngayon sa paghahanda para sa debut ko. Siya pa rin sana ang kokompleto sa 18th roses ko. Pero hanggang sana na lang ako. Malabo nang mangyari ang mga 'yan.

Matapos maayos ang higaan at ang aking sarili, lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa sala. Naabutan ko sina Mama at Papa na may kausap. Nagulat ako nang makitang si Helen ito. Anong ginagawa niya rito? Hindi ko naman siya pinapunta o ni hindi naman kami nag-usap na magkikita ngayong araw.

"Helen?" nagtataka kong tanong nang makalapit sa kanila. "Anong ginagawa mo rito?"

"Hi, birthday girl!" sambit niya at tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin para yakapin ako.

"Uulitin ko lang. Anong ginagawa mo rito?"

"Gusto sana kitang ayain mag-date ngayong araw. Tutal birthday mo naman kaya gusto kong gumala tayo today."

"Ha? Pero aalis din kami ngayong araw."

"Sige na, anak. Sumama ka muna kay Helen at nang sumaya ka naman ngayong birthday mo. Mamaya na lang tayo aalis pag-uwi ninyong dalawa."

Sinama nga ako ni Helen. Umalis kami ng bahay bandang alas diyes ng umaga. Pupunta raw kami ng mall pero sinabi ko sa kanya na dumaan muna kami ng simbahan. Nakasanayan kasi naming pamilya na magsimba kapag may birthday.

Pag-alis namin ng simbahan, dumiretso na kami ng mall. Kung saan-saan kami pumuntang dalawa. Nanood kami ng sine, naglaro saglit sa arcade at kumain sa food court pagsapit ng tanghalian.

Matapos naming kumain, pumasok naman kami sa isang establishment sa mall which offers massage. Halos dalawang oras ang ginugol namin doon kaya pareho kaming nakatulog. Ang gaan sa pakiramdam nang lumabas kami. Ang sunod na pinasok namin ay beauty salon. Nagpa-manicure and pedicure kami habang ginagawa ang new haircut namin. Nag-shopping kami ng mga damit at sapatos pagkatapos. Alas singko na ng hapon nang umalis kami ng mall. Inakala kong uuwi na kami ng bahay pero sa isang lugar kami pumunta.

"Anong gagawin natin dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"We're going to dress up!"

May itatanong pa sana ako pero hinila niya na ako papasok sa loob ng one-storey building. May sumalubong sa aming dalawang babae na agad akong kinuha at dinala sa isang room. Pinaupo ako sa harapan ng salamin at sinimulan akong ayusan. Napakunot noo ako dahil sa mga nangyayaring hindi ko maintindihan.

Kahit naguguluhan at gustong malaman kung anong nangyayari, tahimik lang ako habang inaayusan ng dalawang babae. They put makeup on me. Ginalaw nila ang bago kong gupit na buhok. Nilugay nila ito at kinulot ang dulo. Matapos akong malagyan ng makeup at maayos ang hairstyle, binigyan nila ako ng isang light pink na ball gown. Sobrang ganda nito at nakamamangha ang design at style.

Game Changer Where stories live. Discover now