Day 11: Friendship?

164 14 0
                                    

[Day 11: Friendship?]

KYLIE'S POV

Kanina pa ako check ng check ng cellphone. Nagtataka lang ako. Himala at hindi yata siya nagte-text. Nautahan na siguro siya na hindi kami pwedeng maging magkaibigan. Hindi niya siguro kinayang mag-text nang mag-text dahil wala naman siyang nakukuhang reply.

Dala ang pagkain namin, naupo kami ni Helen sa isang bakanteng table sa cafeteria. Lunch break namin ngayon. As usual, nag-uusap kami habang kumakain at ang usapan namin ay napunta na naman kay Troy.

"So he's not texting you?" tanong ni Helen.

"Yeah, and it's better. No disturbance," nakangiting tugon ko pero binigyan niya ako ng makahulugang tingin.

Kumakain pa rin kami ni Helen nang lumapit bigla sa table si Eunice. Napatigil ako sa pagkain at tiningnan ito habang napataas naman ng kilay si Helen dito. Naupo si Eunice sa harapan ko at ngumiti ng nakakaloko.

"What?" bulalas ko rito.

Bahagya itong tumawa. "May balita ka na ba kay Jordan?"

"And why are you asking her about that? It has nothing to do with you," wika ni Helen.

"Nah, I'm just curious. Baka hindi na kasi siya bumalik sa 'yo dahil may nagawa siyang—"

"Hay, naku girl! Tumigil ka nga! Just do flirting. Eh, tutal diyan ka naman magaling," ani Helen.

"Why are you so bad to me, Helen?" nakangiting tugon nito kay Helen tapos muli akong binalingan. "Eat well, Kylie. Baka kasi hindi ka na makakain nang maayos at hindi mo kayanin kapag nalaman mo ang rason kung bakit hindi na nagpapakita si Jordan sa 'yo."

"What do you mean?" mariing tanong ko pero wala siyang ibang sagot kundi isang nakakalokong ngiti bago tumayo at umalis. "Eunice!"

"Hayaan mo na siya, Kylie. Huwag kang maniwala sa bruhang may saltik na 'yon," sabi ni Helen.

Pagkatapos mag-lunch, bumalik na kami ng classroom. Na-digest ko na yata ang kinain ko pero hindi ko pa rin ma-digest ang pinagsasabi ni Eunice. Pakiramdam ko may makahulugan ang mga sinabi niya. Parang may alam siya tungkol kay Jordan.

Nasa malalim pa rin akong pag-iisip nang magulat ako sa biglang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nag-message. Hindi ako nagkamali sa hula ko. It's him again.

From: trxy
Good afternoon! Sorry kung ngayon lang naka-text. Kaka-load lang ulit eh.
Received: 1:02pm

From: trxy
Kumain ka na? I hope you didn't skip lunch. Stay healthy.
Received: 1:03pm

Akala ko ay natauhan na ang isang 'to. Hindi pa rin pala. Ang lakas din ng fighting spirit. Bahala siya diyan. Hindi pa rin ako magre-reply. Hindi pa rin matanggap ng isip ko ang rason niya. Pakiramdam ko pa rin ay pinaglaruan niya ako.

Nahihiya tuloy ako kapag naiisip ko na binasa niya lahat ng messages kong pinadala para sana kay Jordan. Nabasa niya lahat ang sweetness ko at pagiging clingy. Ano kayang reaction niya habang binabasa ang mga 'yon?

From: trxy
Alam mo bang hindi ako madaldal na tao? Ako 'yung tipong tahimik lang at mahirap daw basahin. Kaya namamangha talaga ako sa sarili ko ngayon na nagagawa kong mangulit sa 'yo.
Received: 1:05pm

Napairap ako matapos mabasa ang message niya. So, anong pinaglalaban niya? Bakit niya kailangan sabihin sa akin ang bagay na 'yan? Psh.

From: trxy
I'll send random facts for you to know me :)
Received: 1:07pm

From: trxy
Dalawa kaming magkapatid. Ako ang panganay.
Received: 1:08pm

From: trxy
Dalawa lang din ang kaibigan ko. 'Yung dalawang tukmol na kasama ko noon sa park.
Received: 1:09pm

From: trxy
Mananahi ang Mama ko habang namamahala naman ng poultry house ang Papa ko.
Received: 1:10pm

From: trxy
I'm a fan of Hollywood movies.
Received: 1:11pm

From: trxy
I love basketball and board games.
Received: 1:13pm

From: trxy
Additional infos about me
*My real name is Troy Kieron Cardenal
*18 years old
*Grade 12, GAS
*I play guitar
*Artist (drawing & painting)
*Nobody
*NGSB
Received: 1:15pm

Hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa. NGSB? Seriously? Wala pa siyang naging girlfriend since birth? That's unbelievable! Halos yata lahat ng lalaki ngayon ay hindi mapakali kapag wala silang girlfriend.

Well, kung antisocial nga siya, posibleng totoo na isa siyang NGSB. Siguro nahihirapan siyang maki-interact sa iba. Natigilan ako sa naisip.

Ang hirap siguro no'n para sa kanya. Kaya pala hindi siya nakipag-usap sa akin noong magpasalamat ako sa kanila. Ang dalawang kaibigan niya lang ang nakausap ko.

Ang hirap siguro no'ng feeling na gusto mo talagang makipagkaibigan pero hindi mo makagawa dahil nahihiya ka. Ang frustrating siguro no'n. Ang sarap magkaroon ng maraming kaibigan pero dahil sa sitwasyon niya, hindi niya 'to mararanasan.

Bigla tuloy akong nakonsensiya. Tumanggi pa naman ako sa friendship na inaalok niya. Ang sama ko naman. Bihira lang siyang makipagkaibigan pero pinagkait ko pa. Kung pumayag na kaya akong makipagkaibigan sa kanya?

Game Changer Where stories live. Discover now