Day 18: Explanation

126 12 1
                                    

[Day 18: Explanation]

KYLIE'S POV

Natupad na ang matagal kong hiling. Nagparamdam na ulit siya. Pero bakit hindi ko magawang maging masaya? Bakit nawala na ang excitement ko na magkikita na kami? Bakit imbes na matuwa ako nang mabasa ang message niya kagabi, bakit nasaktan ako?

Siguro dahil sa mga nalaman ko kaya nagbago ang lahat. Kung wala siguro akong natuklasan tungkol sa kanya at kay Eunice, siguro masaya at excited pa rin ako na makita siya. Pero nagbago na ang nararamdaman ko ngayon. Nalulungkot at nasasaktan ako. Natatakot akong makita siya at itanong ang mga bagay na gumugulo sa akin no'ng mawala siya bigla. Takot akong malaman ang totoong dahilan.

Makakaya ko bang marinig mula mismo sa kanya ang lahat-lahat? Makakaya ko bang malaman ang totoo? Dapat ba akong makipagkita sa kanya kahit alam kong masasaktan ako?

"Class dismiss!" sambit ng last subject teacher namin ngayong araw bago lisanin ang classroom.

"Helen, mauuna na ako. Sorry kung hindi ako makakasama sa 'yo."

"Okay lang. Sige na at baka naghihintay na 'yon."

Parang nawalan ako ng lakas nang marinig ang sinabi ni Helen. Kanina pa laman ng isip ko ang tinutukoy niya. Hindi ko ito magawang kalimutan. Naghihintay na nga ba siya? Ready na ba akong harapin siya?

Lumilipad lang ang isip ko habang tinatahak ang daan palabas ng campus. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko. Malalim din ang paghinga ko. Hindi ako mapalagay.

"Kylie?"

Nakalabas na ako ng school gate nang mapahinto ako sa narinig kong boses. Sigurado ako na siya 'yan. Kahit mahigit isang buwan ko siyang hindi nakita at narinig ang boses, nakatitiyak akong si Jordan ngayon ang nasa likuran ko at ang tumawag sa akin.

Nanatili akong nakatayo. Hindi ako makagalaw. Hanggang sa maramdaman ko ang paglakad niya palapit sa kinaroroonan ko. Ang lakas ng pagtibok ng puso ko sa kaba. Pinakalma ko ang sarili ko dahil parang matataranta ako.

Nang nasa harapan ko na siya, tahimik akong napatitig sa mukha niya nang ilang sandali. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Lahat ng sakit at takot na nararamdaman ko kanina ay biglang naglaho. Napasunggab ako nang mahigpit na yakap sa kanya. I really missed him so much.

Ramdam ko rin na sobra niya akong na-miss. Napahikbi ako sa balikat niya. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko habang nakayakap siya sa akin at nakayakap ako sa kanya. Isang minuto kaming nasa gano'ng posisyon bago niya ako dalhin sa park kung saan kami makakapag-usap nang maayos.

"It's stupid to ask you this but I want to know how have you been?"

"I was f-fine."

"I'm happy to hear that," sabi niya at sandaling natahimik pero muli siyang nagsalita. "I'm sorry. I'm sorry for being a jerk boyfriend to you. Sorry kung nawala ako bigla at hindi nagparamdam. Sorry for making you worried and lonely all this time. I'm sorry for everything, babe—Kylie."

"Sabihin mo sa akin ang lahat, Jordan," nanlalambot na sabi ko habang nakatitig nang direkta sa mga mata niya. "Sabihin mo kung bakit bigla kang nawala? Bakit hindi ka sa akin nagparamdam? Bakit ngayon ka lang?"

He let out a long sigh of misery. I can see the sadness on his face and tears are starting to form in his eyes. Seeing him with teary eyes breaks my heart. I want to give him a hug and comfort but I can't.

"Nagpakita na siya, Kylie. Matapos hindi magparamdam sa amin ng walong taon, gustong bumalik ng demonyong ama ko sa amin ni Mama pero hindi namin siya tinanggap. Nagalit siya. Parang nababaliw na siya. Gusto niya kaming patayin kaya lumipat kami at nagtago ni Mama."

"Bakit hindi mo 'yan sinabi sa akin? Sana natulungan ko kayo."

"Hindi ko gusto na pati ikaw ay madamay pa kaya—"

"Kaya kinalimutan mong may girlfriend kang nag-aalala sa 'yo? Hindi ka man lang nagparamdam kahit isang beses para naman mapanatag ako. Girlfriend mo ako 'di ba?"

"I'm sorry."

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin nang ilang sandali hanggang sa ako na mismo ang bumasag nito nang may maalala ako.

"May nakapagsabi sa akin na nakita ka sa isang bar ng gabi. Kung nagtatago kayo, bakit nagawa mo pang pumunta ng bar?"

"I was frustrated then. Wala akong maisip gawin sa sitwasyon namin ni Mama. Pakiramdam ko ay wala akong kwentang anak. Pumunta ako ng bar para kahit saglit, mawala sa isip ko ang mga problema."

"Bakit hindi mo man lang ako tinawagan no'n para may makasama at makausap ka?" tanong ko.

"Hindi ko na naisip."

"Hindi mo man lang ako naisip? Seriously? Ano ba ako sa 'yo, Jordan? Did you really considered me as your girlfriend?"

"Of course."

"Then why?" sambit ko at kumawala ang luha sa mga mata ko. "Why wasn't me? Imbes na ako ang kasama mo that time, bakit si Eunice?"

Kita ko ang gulat sa kanyang mukha nang mabanggit ko si Eunice. Based on his expression, it is true. He was with Eunice that night. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko.

"Wala kaming kasunduan na magkikita kami. It was just a coincidence. Tiyempo lang talaga na nagkita kami sa bar."

"Wala na akong pakialam kung magkasama kayo noon but tell me the truth, Jordan. May nangyari ba sa inyo ni Eunice nang gabing 'yon?" Namutla siya sa sinabi ko. Napayuko siya at napaiyak. Mas lalo akong nanghina.

"Lasing na ako noon. Wala na ako sa tamang pag-iisip kaya nangyari ang bagay na hindi dapat mangyari. I'm really sorry, babe."

Mariin akong napapikit saka muling bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko. Hindi ko pa rin kayang tanggapin at paniwalaan ang katotohanan. Sobrang sakit. Hindi ko akalain na magagawa niya 'yon.

"Babe, hindi ko ginusto 'yon. Patawarin mo ako, babe," sambit niya matapos kunin ang mga kamay ko. Inilapit niya ang mga kamay ko sa kanyang mga labi habang patuloy na humihingi ng tawad. "Babe, give me another chance, please?"

"Jordan. . ." sambit ko sa gitna ng paghikbi. "Mahal na mahal kita pero hindi na pwedeng bumalik tayo sa piling ng isa't isa."

"Kylie, please? Mahal na mahal din kita at hindi ko kaya na mawala ka sa akin. Just give me one last chance. Please, babe?"

"Hindi ko rin kayang mawala ka sa akin pero hindi ko rin makakaya na may isang bata na mawawalan ng ama dahil sa akin."

Natigilan siya sa sinabi ko. "What do you mean?"

"Buntis si Eunice at ikaw ang ama, Jordan. Kailangan ka nila," nanlalambot kong sabi pero napailing siya habang umiiyak. "Panagutan mo ang mag-ina mo. Alam mo ang pakiramdam na walang ama 'di ba? Huwag mo nang iparanas sa magiging anak mo ang naranasan mo, Jordan. Even it's so hard, I have to let you go."

Binawi ko sa kanya ang mga kamay ko at saka tumayo sa mula pagkakaupo. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi at sandaling tinitigan siya sa mga mata. Hinalikan ko siya sa kanyang noo bago ko siya tuluyang iwanan.

Game Changer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon