Day 24: Jersey #10

121 10 1
                                    

[Day 24: Jersey #10]

KYLIE'S POV

Nakasakay ako sa jeep papuntang school at malapit nang bumaba. Napatingin ako sa cellphone ko nang may ma-receive akong text message galing kay Troy. Binuksan ko ito at binasa.

From: trxy
Good morning! Pwede bang makahingi ng isang good luck wish?
Received: 8:12am

To: trxy
Bakit? Anong meron?
Sent: 8:12am

From: trxy
May basketbball game kami ngayon.
Received: 8:13am

To: trxy
Gano'n ba? Good luck! Do your best! 😊
Sent: 8:13am

From: trxy
Thank you 😘
Received: 8:14am

Maraming tao ang bumungad sa akin pagdating ko ng school. Napakunot noo pa ako kung ano bang mayro'n at tili ang naririnig ko sa ilang schoolmates kong babae. Anong nangyayari?

Nang makita ko ang ilang van at mini bus, nalaman ko na ang sagot sa tanong ko. Nandito na malamang ang mga varsity players ng ibang schools na maglalaban-laban.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa pupuntahan ko. Palinga-linga ako para tingnan ang mga basketball players galing ibang school. Ang tatangkad nila at may magandang mukha na ibubuga. Natigilan ako at nagulat nang may biglang tumakip ng palad sa mga mata ko.

"Sino 'to?" tanong ko saka hinawakan ang kamay at pinilit alisin.

Unti-unting pinakawalan ng kamay nito ang mga mata ko. Dali-dali akong lumingon dito. Napaawang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ko sa gulat pagkakita sa taong ito.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Dito gaganapin ang basketball game namin."

"Ha? Isa ang school ninyo sa lalaban sa school namin?" gulat kong tanong at tumango siya. Hindi ako nakapagsalita.

"Troy, halika na! Bumalik ka na dito!" sigaw ng isang lalaki kay Troy.

"Sige na. Tinatawag na ako ni coach. Manood ka ng game, ah? See you later," paalam niya at tumakbo palayo sa akin.

Ilang sandali akong nakatayo lang doon bago naisipang umalis at naglakad na sa pupuntahan ko. Pagdating ko sa pwesto kung saan nakatayo ang mga booths, nagtaka ako kung bakit nakasara ang mga ito.

"Kylie! Kanina pa kita hinihintay. Bakit kadarating mo lang?"

"Bakit close?" tanong ko na hindi pinansin ang tanong niya.

"Ano ka ba? Walang magbabantay. Lahat nasa court na dahil magsisimula na ang basketball tournament!" aniya. "Kaya halika na at pumunta na rin tayo do'n. Mauubusan tayo ng upuan!"

Dali-dali kaming pumunta ng court. Ang daming tao pagdating namin kaya halos puno na ng manonood ang bleachers. Nahirapan na kaming maghanap ni Helen ng bakanteng upuan. Mabuti na lang at tinawag kami ng mga co-organizers namin. Pinaupo nila kami sa pina-reserve nila mismong upuan para sa amin.

Napunta sa gitna ang paningin ko. Nakita ko si Troy kasama ang teammates niya. Palinga-linga ito sa paligid na tila may hinahanap. Hanggang sa mapunta sa direksyon ko ang paningin nito kaya nakita niya ako. Ngumiti ito sa akin at ginantihan ko rin siya ng ngiti.

Umingay ang paligid nang magsimula na ang laban. School namin versus school nila Troy. Hindi ko alam kung paano ako mag-che-cheer ngayon. Tahimik na lang akong nanood ng laro habang todo tili ang mga kasamahan ko.

Game Changer Where stories live. Discover now