Day 15: Wish

139 13 0
                                    

[Day 15: Wish]

KYLIE'S POV

From: trxy
Good morning! Just woke up.
Received: 9:43am

To: trxy
Morning pa ba sa 'yo ang oras na 'to? Tanghali na kaya.
Sent: 9:45am

From: trxy
Haha sanay kasi akong gumising ng tanghali kapag walang pasok. Ano palang gawa mo?
Received: 9:45am

To: trxy
Pauwi ng bahay galing simbahan with my family.
Sent: 4:46am

From: trxy
Linggo nga pala ngayon.
Received: 4:46am

To: trxy
Yeah, a day to visit God's home. Kinaugalian na nating mga Pilipino na mag-simba tuwing araw ng Linggo para mag-dasal at magpasalamat sa mga binigay sa atin ng Diyos.
Sent: 4:46am

Nakaugalian na rin namin ito ni Jordan. Maaga siyang pupunta ng bahay at susunduin ako para mag-attend ng morning mass. Pero dahil wala siya ngayon, ang pamilya ko muna ang nakakasama ko. Ang dami sana naming magagandang pinagsamahan pero bakit kaya kami nagkaganito?

To: trxy
Pero ang kaugalian na 'to ay unti-unti nang nababago. Ang ilang Pamilyang Pilipino ay nawawalan na ng oras para magkasama-sama at mag-simba tuwing Linggo.
Sent: 9:47am

From: trxy
At isa na kami ro'n.
Received: 9:47am

From: trxy
Busy kasi ang papa ko sa poultry house at si mama naman ay nananahi kaya wala talagang oras na magkasama-sama kami.
Received: 9:48am

Napakagat labi ako nang mabasa ang text niya. I felt bad. Wala akong intensyon na patamaan siya. Nasabi ko lang 'yon dahil gano'n ang nakikita ko sa panahon ngayon. Agad akong nag-type ng message para makabawi sa kanya.

To: trxy
Hindi naman ibig sabihin na kapag hindi na tayo nag-sisimba ay nakalimutan na natin ang Diyos. May mga bagay lang talaga na dapat nating gawin pero alam natin sa sarili natin kung gaano natin kamahal ang Diyos. Sorry if I offend you.
Sent: 9:48am

From: trxy
'Di mo kailangan sabihin 'yan. It's not offensive. You're just stating the fact.
Received: 9:48am

To: trxy
Okay. Thanks.
Sent: 9:50am

Nagpatuloy ang palitan namin ni Troy ng text. Sandali lang na nahinto nang kumain kami ng tanghalian pero balik din agad sa pag-text. Wala naman sense ang conversation namin. Puro lang kami tanungan at sagutan.

From: trxy
Once in a year, twice in a week but never in a thousand days.
Received: 1:23pm

To: trxy
Letter E
Sent: 1:23pm

From: trxy
Wow. Galing!
Received: 1:23pm

To: trxy
Hindi naman ako magaling. Sadyang alam ko lang dahil narinig ko na 'yan kung saan.
Sent: 1:24pm

From: trxy
Isa pa.
Received: 1:24pm

From: trxy
Sa isang lighthouse na may sampung palapag, nakatira si mister Kim. Kada araw, sumasakay siya ng elevator para mag-trabaho. Kapag gabi na, uuwi siya galing trabaho at sasakay ulit ng elevator pero hanggang 5th floor na lamang. Gagamit na siya ng hagdan papuntang 10th floor. Pero kapag umuulan, nakakaya niyang dumiretso hanggang 10th floor. Ang tanong, bakit hagdan na ang gamit niya papuntang 10th foor? At bakit tuwing umuulan lang niya nakakayang dumiretso ng 10th floor?
Received: 1:25pm

Game Changer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon