Day 5: Busybody

180 19 0
                                    

[Day 5: Busybody]

TROY'S POV


Nagising ako nang marinig ang pag-beep ng cellphone na nasa ilalim lang ng unan ko. Agad ko itong kinuha para basahin ang unang text ni Kylie sa ika-limang araw niyang pagpapadala ng message sa kanyang boyfriend.

From: Kylie
Magandang umaga sa minamahal kong boyfriend!
Received: 6:23am

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako sa tuwing text message niya ang bubungad sa paggising ko sa umaga. Alam kong hindi para sa akin ang message niya pero kapag binabasa ko ang mga ito, pakiramdam ko ay para sa akin ito.

From: Kylie
Babe, maganda na ang naging panaginip ko. Nagpakita ka na raw sa akin. Sobra mo raw akong na-miss. Niyakap mo ako at hinalikan. Sana magkatotoo ang panaginip na 'yan.
Received: 6:25am

Nawala bigla ang ngiti ko. Natauhan ako. Hindi nga pala ako ang iniisip ni Kylie habang nagte-text siya kundi ang boyfriend niyang hindi na nagpapakita sa kanya.

From: Kylie
Babe, maghahanda lang ako para sa pagpasok ng school. Kailangan pumasok para sa futute natin. Haha.
Received: 6:26am

Bumangon na rin ako sa kama at naghanda. May pasok din ako ngayon. Naligo na ako at nag-suot ng uniform. Dala ko na ang gamit ko paglabas ko ng kwarto. Tumungo ako ng kusina at naabutan ko sina Mama, Papa at ang bunso kong kapatid na si Trina.

"O, Troy, anak!" gulat na sambit ni Mama.

"Hindi talaga ako sanay na maagang nagigising si Kuya Troy nitong mga dumaang araw," sabi ni Trina.

Hindi ako nag-abalang sagutin sila. Tahimik lang akong nakisalo sa kanila sa hapag-kainan at nag-simulang kumain ng agahan. Ilang araw na nila akong kinukulit tungkol sa paggising ko nang maaga. Ang tanging sagot ko lang ay ang alarm clock.

"Troy, sana ituloy-tuloy mo na ang paggising mo nang maaga para hindi ka nahuhuli sa klase," wika ni Papa na tinanguan ko lang.

Pagkatapos mag-agahan, nagtungo na ako ng school. Nang mag-18 years old ako, binilhan na ako ng motor ni Papa at agad akong kumuha ng driver's licence. Ito na ang gamit ko sa tuwing pumapasok ng eskwela. Bukod kasi sa nakakatipid ako sa pamasahe, hindi ako sanay na maraming taong nakakasama. Antisocial nga raw ako, ang sabi ng mga kaibigan ko.

"Troy!" napahinto ako para lumingon sa tumawag sa akin. Nakita ko si Calvin na tumatakbo papunta sa akin. "Pare, pasabay!" humihingal na anito nang makalapit.

Hindi pa man ako nakakasagot ay nakasakay na agad ito sa likuran ko. Hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan ang tukmol na ito at si Baron. Ang layo ng personality nila sa akin.

Pagdating namin ng school, pinarada ko ang motor sa parking area. Sabay na kami ni Calvin na naglakad papuntang classroom. Nang dumaan kami ng hallway, maraming babae ang binati ni Calvin. May ilan din na lumapit, ngumiti at pumansin sa akin pero nanatili lang akong blangko.

"Pare, hanga talaga ako sa 'yo! Pa'no mo nakakayang hindi pansinin ang mga magagandang babaeng iyon?" naiiling na sabi nito.

"Hindi ko naman sila kilala, bakit ako mag-aabalang pansinin sila?"

"Woah! Iba ka talaga, Troy! Bakit ba wala kang interest sa mga babae? Kaya hindi ka nagkakaroon ng girlfriend, eh!" wika nito. "Napatunayan naman naming hindi ka bakla. Hays! Nakailang palit na kami ni Baron ng girlfriend habang ikaw, NGSB pa rin. Tsk!"

Big deal ba kapag isang NGSB? Hindi naman nakakamatay kapag walang girlfriend pero bakit atat na atat silang maghanap na rin ako ng girlfriend?

Pagdating namin ng classroom, nando'n na si Baron na sobrang makangiti. Tila may magandang nangyari sa tukmol. Pumasok na ako kasunod si Calvin at tahimik na naupo. Nakinig lang ako sa pag-uusap nilang dalawa. 

"Anong magandang nangyari at nakangiti ka ng ganyan? May bagong porn ka ba diyan?" nakangising tanong ni Calvin.

"Loko! Wala 'no. Masaya lang ako dahil hindi buntis si Bela," sabi ni Baron.

"Tsk! Ang pabaya mo kasi, pre. Dapat palaging may dalang proteksyon para kapag tinamaan ng libido, palaging safe."

Nagpatuloy ang kabastusan nilang usapan at dahil hindi ko ito magustuhan, kinuha ko na lang ang cellphone habang wala pa kaming instructor. May two unread messages galing kay Kylie.

From: Kylie
Babe, parang nakita kita habang papunta akong school. Ikaw ba 'yon o baka namilik-mata lang ako? Pero hindi ka naman ata 'yon kasi hindi ka naman nagsusuot ng hoodie jacket 'di ba? Pero sana ikaw na lang iyon para alam kong okay ka lang kahit hindi ka nagpaparamdam. Basta ang mahalaga ay nasa maayos ka.
Received: 7:06am

From: Kylie
Babe, mag-start na ang klase namin. Mamaya na lang. I love you.
Received: 7:07am

Inis akong napabuntong-hininga. Damn, Kylie! Hindi mo dapat minamahal nang sobra ang taong hindi naman na nagpapakita pa sa 'yo. Huwag kang magmahal nang sobra at baka masaktan ka lang sa huli. Kung mahal ka ng boyfriend mo, hindi nito matitiis na magkahiwalay kayo nang ganito katagal. Hindi niya hahayaan na nalulungkot ka nang ganito. Psh!

Pero bakit ba ako naiinis?

"Hoy, Troy! Okay ka lang?" tanong ni Baron.

"Anong mayro'n diyan at parang galit ka?" tanong naman ni Calvin.

"W-Wala."

Tinago ko sa loob ng bag ang cellphone at nagpaalam sa mga ito na pupunta lang ako ng CR para umihi. Mabilis lang akong bumalik ng classroom at baka magsimula na ang klase. Pagbalik ko ng classroom, napatakbo ako sa dalawang tukmol nang makitang hawak na nila ang cellphone. Agad ko itong kinuha sa kamay ni Baron.

"Bakit kayo nangingialam ng gamit ko?!" sigaw ko.

"Pare, kalma lang," sabi ni Calvin.

"Magkaibigan naman tayo kaya akala namin hindi ka magagalit kung may tingnan man kami sa mga gam—" Pinutol ko ang sinasabi ni Baron.

"Oo, magkaibigan tayo pero respeto naman! Huwag kayong nakikialam sa mga gamit ko!"

"Pasensiya na, bro. Hindi namin alam."

Napairap na lang ako sa inis. Naupo na ako at agad tiningnan ang activity log para alamin kung anong ginawa nila habang hawak nila ang cellphone. Hindi ako mahilig maglagay ng password kaya madali nilang nagamit ito.

Natigilan ako at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Binuksan nila ang message. Binasa rin nila ang text messages ni Kylie at ang mas nagpainit ng ulo ko ay nag-send pa sila ng message dito. Agh!

To: Kylie
Hi Kylie!
Sent: 7:18am

Game Changer Where stories live. Discover now