Chapter 10: Sweet moments

166 13 0
                                    

[Chapter 10: Sweet moments]

KYLIE’S POV

“Katulad sa kanta, pangako na hindi na tayo muling magkakalayo, Kylie.”

Natutunaw ang puso ko sa kanyang ginagawa at mga binibitawang salita. Hindi nagbago si Troy. Hindi nagbago ang nararamdaman niya para sa akin. Gano’n pa rin ito. Ramdam ko pa rin ang wagas niyang pagmamahal na pinakita niya sa akin noon pa man.

Hindi ko akalain na may magmamahal pa sa akin nang ganito. Nadapa ako at nahirapang makatayo sa breakup namin ni Jordan pero dumating si Troy para tulungan akong tumayo at magpatuloy. Dahil sa kanya, hindi ako tuluyang nilamon ng lungkot at sakit noong maghiwalay kami ni Jordan. Ang swerte kong makilala ang isang tulad niya.

“Kylie, hindi na simpleng paghanga o gusto ang nararamdaman ko sa ‘yo...” sabi niya. “I think I love you.”

I feel like crying. I’m surprised. Speechless. Wala akong masabi kaya mahigpit na yakap na lamang ang naging tugon ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang yakap niya pabalik.

“Thank you for the love. Thank you for everything, Troy.” Pero sorry kung hindi ko muna masasagot ang pag-ibig mo.

Nagtatawanan at kuwentuhan kami ni Troy habang kumakain ng nakahandang pagkain na rice and grilled steak with carbonara and gelatin for side dishes saka sweet lemonade for drinks.

Nasabi niya sa akin na ang mag-jowang sina Helen at Russel ang tumulong sa kanya sa paghanda nitong date namin. Gusto rin raw kasi bumawi no’ng dalawa sa kanilang ginawang kalokohan sa akin. Lalo pa’t si Helen talaga ang mastermind ng prank nila na hindi ako kilala ni Troy.

Marami kaming napag-usapan ni Troy. Nagkuwento ako nang itanong niya kung ano raw mga nangyari sa akin no’ng umalis siya pero hindi ko binanggit na sobra ko siyang nami-miss. Nasabi ko rin ang tungkol kay Jordan at Eunice na live-in na ang mga ito at nanganak na si Eunice.

While I’m telling Troy about Eunice and Jordan, he asked me something. Tinatanong niya kung okay na raw ba sa akin na magkuwento tungkol sa dalawa. Iniisip niya pa rin siguro na baka affected pa ako kaya sinagot ko siya.

“Matagal na akong okay dahil naka-move on na ako. Nakausap ko pa nga ang dalawa at nagkaroon kami ng closure na tatlo.”

“Mabuti naman,” aniya.

Tinanong ko rin siya kung ano naman naging buhay niya nang lumipat sila ng Maynila. Ang sabi niya, medyo nahirapan siyang mag-adjust no’n. Bagong lugar, bagong mga tao na pakikisamahan at bagong buhay. Nahirapan pa raw siyang ma-adopt ang bagong school. Pero mabuti na lang daw ay naging maayos ang buhay niya sa bago niyang school.

Pinagtaka niya pa raw noon kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya. At dahil daw sa mga lumalapit sa kanya, nasanay na siya sa tao. Tuluyan na raw nawala ang pagiging antisocial niya. Kaya noong nagkaroon na siya ng confidence, nag-tryout daw siya sa basketball at swerte niyang nakapasok siya ng varsity kung saan naman niya nakilala ang boyfriend ni Helen na si Russel.

“Bakit ba kayo lumipat dito sa Maynila?” tanong ko.

“Nalugi kasi ang pag-aari naming poultry house noon tapos sakto naman na may inaalok na trabaho ‘yung tito ko dito sa Maynila kaya nag-decide si Papa na lumipat kami dito.”

“Pero pwede naman kayo na maiwan sa probinsya tapos ang Papa mo lang ang pumunta dito, ‘di ba?”

Umiling siya. “Hindi kasi gusto ni Papa na nagkakahiwalay kami. Gusto niya na sama-sama kami palagi.”

“Sabagay, mahirap din talaga na malayo ka sa pamilya mo. I feel it.”

“Nami-miss mo ang pamilya mo?”

Game Changer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon